-Patrick- Nasa loob na kami ngayon ng kotse at kasama ko si Paloma, hindi na rin ako pumayag na magcommute pa ito. Ayaw pa sana nitong sumabay pero mabuti na lang at napilit ito ng kanyang mga magulang, alam kong nagkakaroon pa ng ilangan sa aming dalawa kaya naman hindi ko mapigilan ang mainis sa aking sarili dahil sa ginagawa nitong pag-iwas sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko ng biglang sabihin sa akin ni Sabino na kailangan nitong sundan si Paloma sa probinsya para ibigay ang pinadalang regalo ni Ms. Garcia sa Tatay ng dalaga dahil sa kaarawan nito ngayon. (flash back) “Boss, wala naman po ba kayong lakad ngayon di ba po?” May paniniguradong tanong nito sa akin na ikinataas naman ng aking kilay. Wala akong maiisip na idadahilan nito kaya naman nagtataka ako kung

