-Kevin- Hindi mawala ang ngiti ko hanggang ngayon dahil sa naalala ko pa rin si Paloma, ang babaeng nakilala ko at ang nakabungguan ko sa bus. Pasalamat talaga ako at nasira ang kotse ko at naisipan ko na lang muna mag commute dahil kung hindi ko ginagawa yon, ay baka hindi ko rin nakita at nakilala ang magandang dalaga na talagang nabibigay ng saya sa aking puso. Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng aking kuwarto at nakita kong pumasok ang aking Lolo na maganda ang ngiti nito sa akin ngayon. “Balita ko ay may nakilala nka daw na babae kanina, sino siya at alam mo ba kung kaninong angkan siya galit, apo?” Nakangiting tanong nito sa akin at hindi ko na rin itatanong kung saan at paano nito nalaman ang tungkol sa dalagang nakasabay ko sa bus. “Actually, Lolo

