-Paloma- “Nay, sabihin n’yo nga po kung bakit parang natahimik kayo kahapon ng malaman n’yong isang Velasco si Kevin. Ano po ba ang tungkol sa mga Velasco? Masama po ba sila o naging kurap ba ang Lolo n’ya noon?” Tanong ko sa aking ina habang inaayos namin ang lulutuin para sa kaarawan ng aking ama mamaya sa magaganap nitong pagdiriwang. Tuningina ko kay Nanay ng makita kong napahinto pa ito sa kanyang ginagawang paghalo sa isang putahing ulam na niluluto nito at saka tumingin pa sa akin. “Alam mo anak, hindi ko naman masasabing masama ang mga Velasco, kaya lang ay kalat na rin naman dito sa lugar natin na hindi rin naman sila naging mabuting sa karamihan. Bata ka pa noon ng hawakan ng mga Velasco ang buong lungsod ng Bulacan, at marami rin ang naging karahasan dito. Kumalat din na sila

