-Paloma- Nasa may terminal na ako ngayon at naghihintay ng bus dahil sa uuwi ako ng Bulacan at kaarawan kasi ni Tatay nangako kasi akong darating at ipagdiriwang ang birthday nito na kasama nila ako. Tahimik akong nakaupo ng sumagi sa aking isipan ang boss ko, kanina ng magpaalam ako dito ay hindi ko ito nagawang tignan man lang dahil sa bumibigat ang aking dib-dib at hindi ko rin naman alam kung paano ko na ito titignan. Lalo pa ngayon nalaman kong may babae pala itong papakasalan. Hindi ko naman sinasadayang marinig ang lahat subalit ng muli sana akong bumalik sa office para sana dalhan ang mga ito ng maiinom ang bisita nito ay aksidenteng narinig ko ang sinabi nito na papakasalan nito ang babaeng nasa kanyang harapan. At aaminin kong nakaramdam ako ng selos dahil alam kong mas higit sa

