-Patrick- Lumipas pa ang halos dalawang linggo ay naging malamig talaga ang pakikitungo sa akin ni Paloma, sa tuwing umaga ay papasok ito sa office ko at ibibigay nito ang magiging schedule ko sa buong araw na yon. At sa tanghali naman ay kakatok ulit ito para naman ilapag sa center table ko ang pagkain ko sa oras na yon, kung minsan ay kinakausap ko ito na sabay na lang kaming kumain pero ang laging sagot lang nito sa akin ay sa canteen niyang gustong kumain dahil sa kasabay niya pa ang ilang katrabaho nito na naging kasundo na rin naman ng dalagang secretary ko. Malimit ko namang ubusin ang binibigay nitong pagkain sa akin dahil baka ikagalit pa nito kung hindi ko man lang gagalawin ang inihain nito para sa akin. Hindi ko rin ito inihahatid sa apartment nito pero palihim ko naman iton

