-Patrick- “Talaga bang ganyan klaseng lalake ang tingin mo sa akin na katawan mo lang ang habol ko s’yo? At ganyan din ba kababa ang tingin mo sa sarili mo, na hindi kita kayang mahalin? Alam kong galit ka ngayon dahil sa mga nagawa ko s’yo noon, pero hindi mo ba kayang tanggapin na nagugustuhan na kita ngayon at alam kong minamahal na rin kita?” Mahina subalit may diin kong sambit dito dahil sa hindi ko magawang tanggapin ang mga sinasabi nito sa akin na kaimutan ko na lang ang lahat ng ganon-ganon lang. Alam kong hindi s’yang maruming babae at ayokong ilagay sa utak n’ya na ayos lang ang lahat sa akin. “Mahal mo ko? At sa tingin mo ba maniniwala ako s’yo? Sa tingin mo rin ba kaya kitang mahalin ng ganon ka bilis ha? Boss, pa rin kita at alam kong hindi pagmamahal yang nararamdaman mo

