-Paloma- Magpapaalam na sana ako sa boss ko dahil kailangan kong umuwi ng maaga dahil sa masama ang pakiramdam ko lalo pa at dumating pa ngayon ang period ko. Ito ang ayoko sa ang buwanang dalaw na talagang kinaiinisan ko. Subalit papunta na ako sa tapat ng pintuan ng office nito ng bigla naman sumulpot si Sabino sa likod ko. “Hep,,hep!!! Paloma. Wala ngayon si boss yan kakaalis lang n’ya at kasama ng kaibigan niyang si boss Wilson” May pagmamadali rin ang pagkaksabi nito. “Teka bakit hindi ko alam?” Takang tanong ko dito pero nagkibit bakikat lang ito sa akin at saka pumasok sa loob ng office para kunin ang ilang gamit ni Mr. Sandoval na ibinilin dito ng binata. “Actually, hindi ko rin alam kung bakit hindi s’yo sinabi ni boss na may lakad sila ngayon. At alam mo ba kung ano ang narin

