-Patrick- Nagising akong may ngiti sa labi kahit pa alam kong hindi pa rin ako gusto ng babaeng nasa tabi ko ngayon. Subali tayos na rin naman sa akin ang lahat dahil alam kong ako lang rin ang lalakeng hinahayaan nitong makasama n’ya sa ibabaw ng kanyang kama. Kahapon ng malaman kong may sakit ito ay hindi na rin naman ako mapakali sa loob ng office, pakiramdam ko ay may kulang sa araw ko at alam kong hindi ko ikakasaya kung hindi ko makikita ang babae sa paligid ko. Kaya naman naglakas loob akong magsabi kay Sabino na kailangan naming puntahan si Paloma ng sa ganoon ay malaman ko ang tunay nitong kalagayan. Biniro pa nga ako ng driver ko na inlove na inlove daw ako ngayon sa aking secretary, hindi ko na lang din muna pinatulan ang pagbibiro nito dahil alam kong may alam na rin naman ito

