MAUREEN’s POV “Lola, Roseng!” umiiyak na sambit ko sa pangalan ni Lola habang yakap ko ang duguan nito na katawan. Itinaas nito ang kamay saka hinaplos ang aking mukha. “I-ikaw na… a…ang ba…bahala sa …a…apo ko… Bigyan mo…siya ng…ma…masayang pamilya, h…hija. B-big…yan mo s-si..ya ng pa…mil…ya… na h-hindi niya na..ran..nasan s-si..mula pag…pagkabata niya… Iyan lang a-ang…ang h-hiling ko sa-sa ‘yo—” “No! Lola!” sigaw ko nang makita kong lumupaypay ang leeg niya at pumikit ito matapos magsalita. Maging ang kamay nito na ginamit pang haplos sa aking mukha ay lumupaypay din. Napatakip ako ng bibig. “No… Lola… Hindi po. Hindi po kayo mawawala sa amin, lalo na kay Sandoval…” sambit ko at mas niyakap ito ng mahigpit. Kung hindi dahil sa akin ay buhay pa sana si Lola Roseng. Kinain ako ng kons

