SANDOVAL’s POV “Ano ‘to? Saan galling ‘to? Bakit may dugo ‘to? Nakipag-away ka ba?” nag-aalalang sunod-sunod na tanong ni Maureen sa akin nang makita ang kamao kong may bahid ng dugo. “Wala ito, wag mong alalahanin ‘to,” sagot ko at itatago ko sana ang aking kamay na may sugat upang hindi na ito mag-alala pa. Pero mabilis niya na hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako. “Sabihin mo sa akin ang totoo, saan ‘to galling? Bakit ka may ganito? Nakipag-away ka? Please, Sandoval sagutin mo 'ko at ‘wag kang magsinungaling sa akin. Kahit ngayon lang, please, tell me the truth,” nangungusap ang mga mata na sabi nito. Kinabig ko siya sa palapit sa dibdib ko. “Baby, it’s nothing. ‘wag mong isipin ‘to, okay. I was too worried about you and Lola, at sa sobrang pag-aalala ko sa ‘yo. P-pinagsusunto

