MAUREEN’s POV Napakurap na lang ako habang hawak niya ako sa aking kamay at hila-hila papasok sa loob ng mansion. Salubong ang makapal na kilay na animoy may kaaway sa pangingilit ng mga ngipin sa galit. Pati ba naman ang walang kamalay-malay na bulaklak ay pag-iinitan pa niya? Really? Natural naman na may tinik ang oras e, hindi ko lang talaga napansin ang tinik kanina dahil sa kagagahan ko. Dahil abala ako sa kung ano-anong tumatakbo sa isipan ko. We almost reached the stairs when we saw his men, si Levie iyon. Binitawan niya ang kamay ko at mabilis na lumapit sa tauhan. Kahit hindi ko naririnig kung ano ang sinasabi niya kay Levie pero sa hilatsa ng mukha niya habang kausap ang tauhan ay galit ito. Yeah, he was furiously mad, kanina pa. At dahil lang ‘yon sa bulaklak. Dahil nasu

