SANDOVAL's POV
"Bakit hindi mo kaya simula na ligawan si Miss Maureen, boss?"
Suhestiyon ni Levie sa akin dahil sa sinabi ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalambot ng pakikitungo si Maureen sa akin.
"Ang mga babae boss mahilig sa flowers at chocolate. Mahilig sa mga sweet love letters or kaya naman teddy bear. Tignan ko lang kung hindi lumambot at mahulog ang puso sa 'yo ni Miss Maureen pag ginawa mo 'yon sa kanya,"
Dagdag na sabi pa nito. Parang hindi ko na ma-imagine ang aking sarili na bumili ng flowers at chocolate para ibigay sa isang babae. Nasanay kasi ako na pakitaan mo lang ng pera at materyal na bagay ang isang babae ay makukuha ko na ang mga ito ng walang kahirap-hirap. Kadalasan pa nga ay sila pa ang kusang lumalapit sa akin. May mga pagkakataon naman na sa mga sikat na bat at club lang kami nagpupunta ni Levie kapag kailangan namin na ilabas ang init ng aming mga katawan. Kahit magkano ay nagbabayad ako lalo na kung birhen pa ang babae na ibibigay sa akin basta ang mahalaga ay mapaligaya niya ako at masulit ko ang ibabayad ko sa manager ng mga hi-end club na pinupuntahan namin.
Kaya ang ligawan si Maureen ay wala na sa bokabularyo ko. Hindi ko naman kasi alam sa babaeng 'yon kung bakit hanggang ngayon ay mailap pa rin sa akin. I ate and devoured her wholly, but still. Hindi ko pa rin magawang makuha ang puso niya. Galit na galit pa rin siya sa akin dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Killing her younger sister was something that I could never do in my entire life. Yes, I kill people mercilessly, I admitted. Lalo na sa mga tao na deserve ang mabura sa mundo. Lalo na ang mga tao na humaharang at kinakalaban ako sa negosyo. But aside from that ay hindi ako mamatay tao ng mga walang muwang na tao. At isa na roon ang kapatid niya. Hindi ko man naranasan ang magkaroon ng kapatid sa talang buhay ko pero may puso pa rin naman ako dahil sa taong nagpalaki sa akin. Kinupkop niya ako at tinuruan na gumawa ng kabutihan sa kapwa. Ang kaso nga lang ay naligaw pa rin ako ng landas. I had to chose this life in order to save the life of the person who loved me unconditionally.
Despite the fact that we are not really related by blood. Siya ang dahilan kung bakit pinili kong pasukin ang magulo at madilim na mundo bilang isang mafia leader. Ganun pa man ay hindi ako nagsisisi na naging ganito ang buhay ko. Money and power ay nasa aking palad. Sa mundo, kapag wala kang pera ay basura ka lang sa mata ng mga taong mapepera at makapangyarihan. Kung wala kang pera ay kailangan mo munang magmakaawa sa ospital para lang gamutin ang iyong mahal sa buhay. Pero ngayon may pera na ako sila na ang halos magmakaawa sa akin dahil sa pera na mayroon ako. Kaya masarap ang may pera at power. Hindi ka na nila kayang maliitin at tapak tapakan lang.
"I'm not into flowers and chocolates, Levie. Hindi ko na siya kailangan pang bigyan ng mga ganiyan para lumambot ang puso niya sa akin dahil sa ayaw at sa gusto niya. Kailangan niyang makipagtulungan sa akin upang bigyan ako ng Anak." tangging sagot ko sa idea na sinabi ni Levie sa akin.
"Eh, boss... Hindi ba mas maganda kung mapapaamo mo muna si Miss Maureen para mabigyan ka niya ng Anak? Paano kung ayaw niya na ipagbuntis ang Anak na gusto mo 'di ba?"
"Wala naman siyang magagawa kung hindi ang makipag tulungan at sumunod sa akin. Besides, sooner or later she'll be pregnant. I had her every night. Not just had her. Halos hindi ko na nga siya patulugin gabi-gabi masigurado ko lang na mabubuntis ko siya sa madaling panahon. By hook or by crook. She need to be pregnant immediately."
"Tapos anong na ang mangyayari boss sa oras na nabuntis mo na siya at nakapanganak na si Miss Maureen? Itatapon mo na lang ba siya tulad ng ibang babae? Eh 'di ba ayaw mong magkaroon ng asawa at lalong ayaw mo nang magmahal ulit? So paano boss? Kawawa naman 'yung magiging Anak mo kung ilalayo mo sa ina 'di ba?"
Hindi ako naka sagot sa tanong ni Levie. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya? Ano nga ba ang gusto ko kay Maureen? Kaya ko lang ba siya pilit na kinukulong ay dahil sa anak na gusto ko para tuparin ang huling hiling ng tao na pinakamahalaga sa akin.
"Hindi ko pa alam ang plano ko para sa kanya,"
Naguguluhan na sagot ko kay Levie. Kung anak lang din naman ang kailangan ko sa kanya. Pero bakit nagagalit at nagseselos ako sa tuwing may lalapit na mga tauhan ko sa kanya.
Hindi ka marunong magmahal Sandoval. Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi...
Tumayo ako sa swivel chair na kinaupuan ko dito sa opisina ko. Nandito kasi kami sa laboratoryo ng droga na isa sa mga pinapatakbo ko. Bukod dito ay may dalawa pa akong malaking laboratoryo sa liblib na lugar sa province kung saan mas safe sa mga mata ng awtoridad. Though, may mga hawak kaming pulis na nag-aalaga sa amin para hindi kami pag-initan ng awtoridad. Sa tuwing nagkakaroon ng problema ay madaling nagagawan ng solusyon dahil sa mga kaibigan at kaalyado namin sa pulisya.
"Dumito ka muna at bantayan ang mga tao natin, may aasikasuhin lang ako na mahalaga." Sabi ko kay Levie.
Tumango naman si Levie sa akin. "Copy boss! Ingat ka kung saan ka pupunta," sagot nito sa akin.
"Okay, sabihin mo sa kanila na hadaliin ang trabaho dahil marami tayong susuplyan bukas ng gabi," bilin ko sa kanya bago tuluyang umalis.
Sumakay ako sa kotse at nagmaneho para humanap ng flower shop. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at heto ako ngayon nagmamaneho upang humanap ng flower na ibibigay ko kay Maureen. f**k. Bakit ko ba ginagawa ang suggestion ng Levie na 'yon?
Damn it! Bakit ba kasi sing tigas ng bato ang puso ng babae na 'yon? Ang hirap pasunurin eh!
Habang nagmamaneho ako ay ini-open ko ang apps ng cctv sa loob ng kwarto namin upang makita ko kung ano ang ginagawa niya sa mga sandaling ito. Alas siete na ng gabi. Kaya naman kumakain na ito ng hapunan nang makita ko sa phone ko ang kaganapan sa loob ng kwarto. Kabilin-bilinan ko kay Manang Shelby na pakainin sa tamang oras si Maureen upang maging healthy ang katawan nito para maging ready sa pagbubuntis nito.
Fuck it, Sandoval! Gusto mong maging healthy siya pero gabi-gabi mong pinupuyat, satingin mo ba ay magiging healthy siya sa ginagawa mo?
Mabilis kong pinarada ang kotse sa tapat ng flower shop na nakita ko. Bumaba ako at pumasok doon upang bumili ng bulaklak na magugustuhan ni Maureen. Ang madalas kong marinig sa mga babae ay red roses ang gusto ng mga ito. Kaya naman red roses na rin ang binili ko.
"Ano po ilalagay ko sa dedication card po Sir?" nakangiting tanong sa akin ng babae na bantay sa flower shop.
Dedication? Kailangan pa ba 'yon? Ano naman ang ilalagay ko roon? f**k! Wala akong maisip!
"Sir?" untag sa akin ng babae na bantay ng flower shop.
"Uhm.... my little kitty," mabilis na sabi ko rito.
"Okay po Sir," sinulat nito ang mga sinabi ko sa dedication card sa bulaklak.
"Ano pa po Sir?"
Napa-kunot noo ako sa tanong nito. "Ano pa ba?" napaisip ako. Pero wala akong maisip kung ano ang idadagdag kong sabihin sa dedication card. "Okay na siguro 'yan,"
"Po Sir? Eh name pa lang po ni Receiver ang sinulat natin. Wala pa po talaga yung pinaka-dedication niyo po sa taong pagbibigyan niyo po ng flowers. Like, 'happy anniversary, happy birthday, I love you. I miss you!'. Something ganun po Sir,"
Tsk. Ano naman ang ilalagay ko sa dedication card? Hindi naman niya birthday, lalong hindi namin anniversary. I love you and I miss you lalong hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Ang hirap pala bumili ng bouquet ng flower dahil kailangan pa may dedication sa taong pagbibigyan mo.
I sighed, at napahilamos ng mukha. "Hindi ko alam ang ilalagay ko, 'wag mo na lang lagyan or bahala ka na sa gusto mong isulat d'yan." Sagot ko sa kanya.
"Hmp! Okay po Sir," sagot nito saka nakangiti na sumulat sa dedication card at pagkatapos sumulat ay inipit sa bouquet ang dedication card. "Okay na po Sir," inabot nito ang bulaklak sa akin at tinanggap ko naman iyon. Hindi ko alam kung ano ang nilagay niya sa card pero hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na buklatin at basahin ang nakatuping dedication card na naka-ipit sa bulaklak.
Binayaran ko na kaagad ang bulaklak at pagkatapos ay tinalikuran ko na ang babae.
"Thank you so much po Sir! Balik po kayo dito sa shop namin!"
Narinig kong habol na sigaw nito sa akin bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Kahit hindi ako humarap ay alam kong masaya ito dahil sa malaking tip na binigay ko sa kanya. Pumasok ako ng kotse at nagmaneho pauwi. While driving I couldn't help but glance at the flower on the front seat. Ako ba ito? Hindi ko matandaan kung kailan ako nagbigay ng ganito kamahal na bulaklak sa isang babae. Noon may niligawan at naging nobya ako simpleng tig 100 pesos lang ang bulaklak na binigay ko sa kanya. Wala pa kasi akong pera that time kaya na rin siguro nagawa nito akong ipagpalit sa lalaking may pera at may sinabi sa buhay. Ito ang kauna-unahan kong bumili ng flowers sa babae na... na hindi ko naman nililigawan at hindi ko naman mahal?
Damn it! Why do I feel so awkward to give her the flowers? It's just a f*****g bouquet of flowers! Wag ko na kayang ibigay? Baka mamaya itapon lang niya sa pagmumukha ko ang bulaklak na ito. Mapahiya pa ako. f**k! Bakit ba ako nahihiya sa kanya? Saka, sa ayaw at sa gusto niya dapat tanggapin niya ang bulaklak na binili ko dahil para sa kanya 'to.