Matapos ang nangyari sa palawan ay mas inutusan pa ni Sandoval ang mga tauhan nito na higpitan pa ang pagbabantay sa akin. Ang balita ko ay hindi nagkasundo si Sandoval at si Mr. Sy kaya umalis na kami kaagad sa Palawan. Sayang nga lang dahil iniisip ko na si Mr. Sy ang tao na makakatulong sa akin upang makawala ako sa puder ng hayop na Sandoval na iyon. Wala akong idea kung ano ang dahilan niya kaya kami nagpunta sa Palawan, at kung bakit kami umalis ng wala sa plano. Iyan kasi ang narinig kong sinabi ng malapit na tauhan nito na si Levie. Ang tanging alam ko lang ay galit na galit si Sandoval kay Mr. Sy at gusto pa daw nito na patayin ang intsik sa kadahilanang hindi ko alam.
Ilang araw na nga ba ako narito sa puder ng lalaki na iyon? If I'm not mistaken, three weeks na akong narito at patuloy na kinukulong niya. Inunat ko ang mga hita ko na medyo nangalay dahil sa pagtulog. Ano na ba ang saysay ng buhay ko ngayon? Ang gabi-gabing maging parausan niya? Ano na ang buhay na naghihintay sa akin? Nawawalan na ako ng pag-asa na darating pa ang araw na makakawala ako sa mga kamay niya dahil nadagdagan pa ang tauhan niya na nagbabantay sa akin sa tuwing umaalis siya at pumupunta sa kung saan
I sighed, at napatitig sa aking mga daliri sa paa. Napalunok ako nang maalala ko kung paano inisa-isang isubo at sipsipin ni Sandoval ang mga daliri ko ng paulit-ulit na animoy kumakain at sumisipsip ng ice pop.
Sa gabi-gabi niya na walang sawang inaangkin ang katawan ko ay gabi-gabi din niya akong binibigyan ng kakaibang experience kung paano niya ako iniroromansa sa kama. He licks, sucks, and eats the whole me. Lahat ng parte ng katawan ko ay napadaanan na niya ng dila niya. Nalawayan na niya ako. Nadumihan na niya ako... Wala na... Wala nang saysay ang buhay ko…
Mabilis na nangilid ang aking mga luha ng maalala ko ang nakangiting mukha ng aking mga magulang. Miss na miss ko na sila. Miss na miss na... Kamusta na kaya sila? Okay lang kaya sila? Nakakakain kaya sila ng maayos dahil sa pag-aalala sa akin? Sana magising na lang ako isang umaga na bumalik ang buhay ko sa dati...
"Ma'am Maureen..."
Mabilis kong pinahid ang aking mga luha nang marinig kong kumatok si Manang Shelby sa pinto at tinawag ang pangalan ko.
"Ma'am Maureen dala ko na po ang almusal niyo, alas-nuebe na po ng uma. Kailangan niyo na pong kumakain ng almusal dahil kabilin-bilinan po ni Sir Sandoval ay pakainin po kita sa oras."
Sabi nito habang patuloy ang marahan na pagkatok sa pinto. Hindi kasi siya dederetso nang pasok hanggang hindi ko sinasabi na pumasok siya. Dumating dito si Manang Shelby pagkabalik namin mula sa Palawan upang asikasuhin ako sa pagkain at paglalaba ng damit ko.
Ang sabi nito ay ni ang ipagluto ang mga tauhan ay hindi niya ginagawa dahil naka-focus lang daw siya sa akin at sa pangangailangan ko. Iyon lang daw ang gawain niya na sinabi sa kanya ni Sandoval.
Kaya naman tuwang-tuwa rin si Manang Shelby dahil sa oras na tapos na niya akong pagkain at asikasuhin ay wala na siyang iba pang gagawin kaya naman mas marami siyang time na makapag pahinga. Sabagay na iyon ay okay lang rin naman dahil nasa-late 50's na ang edad ni Mang Shelby. Ang nakakainis nga lang kung minsan ay makulit talaga ito dahil kahit sabihin kong hindi pa ako gutom at ayaw kong kumain ay hindi ito papayag na hindi ako kumain sa tamang oras. Sa oras daw kasi na mag-fail siya sa gawain niya ay sesesantehin siya kaagad ni Sandoval. Nakiusap ito sa akin na alang-alang sa malaking sweldo sa kanya ni Sandoval ay kumain ako para hindi siya mawalan ng trabaho dahil malaking bagay ang kinikita niya para sa pamilya nito.
Inabot ko ang kumot at pagkatapos ay kinumutan ko ang hubad kong katawan. Hindi pa kasi ako makakapag bihis simula kagabi pa. Ganito kasi ang halos araw-araw na naging morning and daily routine ko. Magdadala ng almusal si Manang Shelby sa akin na nakahiga pa ako sa kama.
Paano naman hindi ako tatanghaliin sa paggising eh gabi-gabi akong pinupuyat ni Sandoval. Simula nang dumating ako at makasama ko siya ay hindi pa lumipas ang isang gabi na hindi niya inangking ang katawan ko. Baka sinusulit na niya habang hindi pa siya nananawa sa akin...
"Pasok po Manang Shelby!" mahinang sigaw sagot ko sa kanya at hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ito dala ang tray na naglalaman ng almusal ko.
"Good Morning po Ma'am Maureen," nakangiting bati niya at dumiretso sa gawi ng maliit na lamesa di kalayuan sa kama saka inilapag ang hawak na tray sa ibabaw niyon.
"Oatmeal and avocado ang hinanda kong almusal sa 'yo hija," sabi nito matapos ilapag sa table ang tray at humarap sa akin. Nasanay na akong pinapapasok ko si Manang Shelby dito sa loob ng kwarto na ganito ang itsura ko. At sanay na rin siya na abutan akong nakahiga sa kama na nakabalot lang ng kumot ang aking hubad na katawan. Alam kong hindi na bata si Manang Shelby para hindi maunawaan ang nangyayari sa pagitan namin ni Sandoval. Kaya parang nakakaunawa na ito sa mga nangyayari. Never siyang nag-ask ng kung ano-ano mag mula nang unang araw na tumapak ang mga paa niya dito.
"Oh sige na hija, hindi na ako magtatagal dito sa loob ng kwarto niyo. Basta ubusin mo ang almusal mo para hindi ako mapagalitan ni Señorito, okay?" Paalala nito.
"Sige po Manang Shelby, salamat po sa almusal."
Nakangiting mahinang sagot ko sa kanya.
"Salamat, hija," sagot nito saka lumakad palabas ng kwarto.
Napatitig ako sa tray ng almusal ko. Ni request ko talaga kay Manang Shelby na Oatmeal and Avocado ang almusal na ihain nito sa akin dahil ramdam kong unti-unti na bumibigat na ang aking katawan. Paano naman hindi bibigat ang katawan ko kung kain tulog lang ako at nood ng tv dito sa loob ng kwarto. Mabuti na lamang ay may TV akong napapaglibangan dito sa kwarto dahil kung nangkataon ay baka mabuang na ako at kausapin ko na ang sarili ko.
Nag-inat ako ng aking katawan at pagkatapos ay sandaling pumasok sa banyo upang mag-shower para mawala ang antok sa sistema ko. Nang itapat ko ang hubad kong katawan sa dutsa ng shower ay napatingin ako sa aking balat. Hindi na nawalan ng kiss mark ang katawan ko. Sa tuwing may humuhupang mark ay may panibago namang ilalagay si Sandoval sa balat ko na kapalit ng pahupa ng kiss mark. Napabuntong hininga na lang ako na nag-apply ng shower gel sa balat ko sa dibdib na nilagyan na naman ng bagong kiss mark ng demonyong lalaki na 'yon. Kahit sabunin ko nang paulit-ulit ang katawan ko ay hindi na mawawala ang katotohanan na pinagsasawaan na niya ang katawan ko... ako...
Matapos kong mag-shower ay binalot ko ang basa kong mahabang buhok ng towel at pagkatapos ay sinuot ko ang kulay puting robe saka ako lumabas ng banyo. Dumeretso na muna ko sa kama upang kainin ang almusal ko nang nakatapis pa rin ako ng roba. Binuksan ko ang TV at inabala ang sarili sa panonood ng habang kumakain. Ganito lang ang naging routine ko sa araw-araw na dumadaan sa buhay ko dito sa apat na sulok ng kwarto. Nang maubos ko ang oatmeal ay binalik ko ang bowl sa tray at napatingin ako sa camera na nakatutok sa akin. Dalawa ang camera na nakabantay sa akin dito sa kwarto at maging sa banyo ay mayroon naka-install na cctv dahil baka raw maisipan kong magpakamatay ay madali akong mapupuntahan ng mga tauhan niya. Nang una ay naaasiwa ako na may naka-install na CCTV Camera sa loob ng banyo. Pero kinasanayan ko na lang rin dahil wala naman akong magagawa sa bagay na iyon. Hindi ko alam kung ano ang meron sa pag-iisip ng lalaki na iyon dahil hindi na normal ang ginagawa nito. Sino ba naman normal na tao ang maglalagay ng CCTV Camera sa loob ng banyo di ba? Baliw at hindi normal na tao lang ang kayang gumawa ng bagay na iyon. Ultimo ang pag gamit ko ng toilet bowl ay na re-record sa CCTV Camera. Nung una ay halos hindi ako maka gamit ng toilet bowl dahil sobrang nahihiya ako lalo pa't naiisip ko na baka habang naka-upo ako roon ay pinapanood niya ako sa CCTV gamit ng phone nito. Pero hanggang sa ako na rin ang sumuko dahil sakit ang aabutin ko kung titiisin ko ang sarili ko na huwag gumamit ng toilet bowl dahil lang may naka-install na CCTV Camera.
HIS A TOTALLY PSYCHOPATH! NAKAKATAKOT SIYA!