MAUREEN' s POV
Unti-unting nagising ang diwa ko nang mawalan ako ng malay. Nanghihina ang buong katawan ko dahil sa nasaksihan ko na ginawa ni Sandoval sa lalaki. Napaka wala niyang puso na tao! Mabilis kong itinabig ang kamay ng tauhan ni Sandoval na nasa harap ko at pinapa-amoy sa akin ang maliit na bote na amoy mentol.
"Boss! Nagising na po si Miss Maureen!" inporma kaagad ng lalaki sa boss nito. Mabilis naman na tumayo si Sandoval sa kinauuuan nitong silya di-kalayuan sa akin.
"Sige, iwanan niyo na kami," utos niya sa mga tauhan habang lumalakad patungo sa akin.
"Yes, boss!" sagot ng tauhan nito at sabay-sabay na lumakad palayo sa amin ang mga ito. Dilana ako nila dito sa loob ng kwarto namin ni Sandoval nang mawalan ako ng malay kanina.
"Huwag kang lalapit sa akin! Huwag kang lumapit sa akin demonyo ka! Mamamatay tao ka!" sigaw ko sa kanya ng akma niyang hahawakan ang braso ko.
"Pinatay mo siya! Demonyo ka!" pilit kong inilalayo sa kanya ang sarili ko. Nanginginig ang katawan ko sa takot sa kanya at siniksik ko ang sarili sa isang parte ng kama saka ko niyakap ang sarili ko. Mamamatay tao siya! Demonyo siya! Kahit anong gawin ko ay ang mukha ng patay na lalaking 'yon ang nakikita ko pag ipinipikit ko ang mga mata ko. Natatakot ako. Natatakot ako pero hindi ako maaaring sumuko dahil may mga magulang pa na naghihintay sa pagbalik ko.
Umupo ito sa kama at tinitigan ako. "Ikaw ang pumatay sa kanya dahil kung hindi mo siya inakit, hindi siya mamamatay." prenteng sabi niya sa akin. "Kaya sa susunod gawin mo ulit ang ginawa mong 'yon ay hindi ako mangingimi na patayin ang tauhan ko na magpa-akit sa 'yo. At handa akong patayin lahat ng mga tauhan ko sa oras na magpa-akit sila sa 'yo," tumayo ito at hinarap ako. "Mahigpit kong pinag-utos sa kanila na hindi ka nila maaaring lapitan at titigan ng walang pahintulot ko. Or kahit na sinong lalaki pa, wala ni isa sa kanila ang makakatitig at lapit sa 'yo maliban sa akin." Muli itong umupo sa kama at inilapit ang sarili sa akin. Hinawakan niya ako sa braso. "Ako lang ang may karapatang tumikim sa 'yo, Maureen, ako lang." mariing sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napalunok ako at binawi ko ang braso ko na hawak niya. "Hindi mo ako pag-aari, Sandoval! Hindi mo ako pag-aari!" I yelled at him as my disagree of what he said. Hindi niya ako pag-aari, hindi!
Malakas siyang humalakhak. "Pag-aari kita, Maureen, pag-aari kita." iinilapit niya ang mukha sa tuhod ko at inamoy ang balat ko paakyat sa hita ko at pagkatapos ay hinalikan ako sa hita. "Sa akin ka lang, 'yan ang isaksak mo sa isip mo," tumaas pa ang labi niya paakyat sa braso ko at sumunod ay sa leeg ko. Napa-singhap ako nang maramdaman ko ang init ng labi niya sa balat ko sa leeg. "Uulitin kong sabihin sa 'yo ito, you are mine and you can't ran away from me," hinawakan niya ang pisngi ko sa magkabila. Sinubukan kong magpumiglas sa kanya pero malakas siya. "Until your last breath, you're mine, my little kitty, you're mine, always mine..." ma-awtoridad na sabi niya saka ako siniil ng halik sa labi.
Nagpumiglas ako nang nagpumiglas upang makawala sa kanya. Nang makahanap ako ng tyempo ay malakas kong sinipa siya sa pagitan ng mga hita niya. Napatigil siya sa paghalik sa akin at namalipit sa sakit na binitawan ang mukha ko. Napa-ngiwi siya na tinitigan ako. Napuno ng takot ang dibdib ko nang makita kong madilim ang mukha niya sa galit dahil sa ginawa ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto at pagkatapos ay pilit kong binubuksan ang seradura ng pinto.
"Buksan niyo ang pinto! Nagmamakaawa ako sa inyo palabasin niyo ako dito!" sigaw ko habang hinahampas ko ang likod ng pinto.
Namamalipit sa sakit na hinarap niya ako at pagkatapos ay lumakad papunta sa akin. Hindi ako nagsisisi kung sinipa ko siya sa gitna niya. Mabuti nga iyon sa kanya at sana ay napuruhan ko siya sa kaselanan niya para hindi na niya ako maangkin pang muli. Napalunok ako at napasandal sa likod ng pinto sa takot sa kanya. Madilim ang mukha niya na nakatitig sa akin. Katapusan ko na siguro dahil nasaktan ko siya. Pero tama lang iyon sa kanya. Hayop siya!
"Kahit mamaos ka pa sa kakasigaw mo, no one would going to help you, Maureen. Takot lang sa akin ng mga tauhan ko na kalabanin ako at suwayin ang utos ko." Lumakad pa ito palapit sa akin na pinagkatitigan ako mula ulo hanggang paa. "Mag pasalamat ka dahil kailangan ko ang katawan mo para ipagbuntis ang anak ko. Dahil kung hindi, sigurado ako na matagal ka ng burado sa mundo." Sunod-sunod akong lumunok ng malalim sa takot sa kanya. Hinawakan niya ang buhok ko at sinabunutan ako saka bahagyang diniinan ang pagkakahawak sa buhok ko kaya naman napa-inget ako ng aray sa sakit. "Gusto mo bang malaman kung ano ang ginagawa ko sa mga babae na pinagsawaan ko?" Malakas ang kabog ng dibdib ko na napatitig na lang sa kanya. Ngumisi ito at mala demonyo na hayok sa laman na hinaguran ng tingin ang dibdib kong lumitaw ng kaunti ang cleavage dahil sa suot kong pa-v-neck na dress. "You are so lucky Maureen dahil hindi pa kita pinagsasawaan dahil kailangan kita, kailangan ko ang katawan mo. Kaya kung ako sa 'yo ay dapat na magpasalamat ka pa sa akin na hindi kita pinapa lapa sa mga tauhan ko." kumalat ang kilabot at pandidiri sa buong katawan ko at muli ay napaiyak ako. Walang hiya siya talaga! So ganoon din pala ang gagawin niya sa akin sa oras na manawa na siya sa katawan ko? Ibibigay niya ako sa mga ito upang ang mga tauhan naman niya ang mag pakasawa sa katawan ko... Ano ba 'tong nangyayari sa akin... Kailan ba ako makakawala sa kamay ng hayop na Sandoval na 'to...
Mabangis ang mukha na hinawakan niya ako sa braso saka ako marahas na winasiwas pahiga sa kama. "Kaya kung ako sa 'yo dapat maging mabait ka sa akin para hindi ko maisip na ibaba kita sa mga tauhan ko. Dahil sa oras na gawin ko ang bagay na 'yon sa 'yo. Sigurado ako na tatawagin mo ang lahat ng santo sa langit para tulungan ka. Or baka mas gustuhin mo na lang ang magpakamatay kaysa ang magpalapa sa mga hayok sa laman na mga tauhan ko. Binibigyan kita ng option Maureen, kaya nasa iyo na 'yan kung ano ang pipiliin mo. Ang pagsawaan ka ng mga tauhan ko or maging mabait ka sa akin at ako lang ang magpapakasasa sa masarap mong katawan. Gusto kong pag-isipan mong mabuti ang bagay na 'yan, my little kitty." pananakot na sabi nito saka lumabas ng kwarto.
Napahagolgol ako ng iyak nang marinig kong sumara ang pinto. Sa mga choices na sinabi niya ay wala akong gustong piliin ni isa. Pero ang ibigay ako sa mga tauhan niya upang sipingan ako ng kung sino-sinong lalaki ay hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na iyon sa akin. Hindi ko man gusto na si Sandoval ang sumiping sa akin pero mas mabuti-buti na iyon kaysa ang mga tauhan niya. Ngunit ang hindi ko matatanggap ay ang gusto niya na ako ang magdala ng magiging anak niya. Napailing ako na umiiyak. No! Ayoko! Ayokong mabuntis at magdalang tao ng binhi ng katulad niya na masamang tao. Hindi ako papayag na mangyari na mabuntis niya ako. Ayoko na magkaanak siya sa akin. Hindi ako makakapayag na mangyari ang bagay na iyon.
Dapat ay maka-isip ka ng paraan para hindi ka mabuntis ng hayop na lalaki na 'yon Maureen! Huwag kang papayag na mabuntis ka niya. Huwag na huwag Maureen!
SANDOVAL
Masakit pa rin ang p*********i ko na sinipa ni Maureen nang lumabas ako ng kwarto. Lintik na babaeng 'yon! Sa dami ng sisipain niya ang kaligayahan ko pa. Damn it ang sakit! Makikita niya pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa akin.
"Boss! Ano ang nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ka maglakad?" Napabaling ako nang tingin nang marinig ko ang tinig ng aking kanang kamay na tauhan si Levie. Tumapat ito sa akin at akmang tutulungan ako sa paglalakad.
Tinabig ko ang kamay nito. "Hindi ako baldado, Levie! Kaunting sakit lang 'to kumpara sa tama ng bala," sagot ko na kumilos ng normal pero sa loob ko ay masakit pa rin ang p*********i ko. Ipinagpatuloy ko ang paglakad patungo sa labas upang makapag pahangin ako habang naninigarilyo.
Sumunod ng lakad sa akin si Levie at binagalan din nito ang bawat hakbang upang sabayan ang bagal ng paglalakad ko.
"Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo boss? Teka, 'wag mo sabihin sa akin na nagpa surgery ka sa ari mo?"
Napatigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi nito. "Anong surgery? Gago ka ba? Bakit naman ako magpapa-surgery sa ari ko? Sapat naman ang laki nito 'no!"
Malakas na humalakhak si Levie sa sinagot ko sa kanya. "Boss, ang ibig kong sabihin na surgery ay 'yung ano... Yung nagpapa-circumcise ba--------"
Nabitin sa pagsasalita si Levie nang masama ko itong tinitigan. Gagong 'to ano akala sa akin hindi pa ako nag undergo ng circumcision? 10 years old palang ako noon nang ipa-circumcise ako ni Lola. At hindi uso ang doktor sa amin noon. 'yung manggugupit lang ng buhok na taga sa amin ang nag tuli sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang sakit.
"Tarantado ka ba Levie? Sa tingin mo sa tanda kong ito hindi pa ako nagpa- circumcise? Syempre nakapag pa-circumcise na ako 'no!"
Muli itong matinis na humalakhak.
"Sorry! Eh ano ba kasi ang nangyari sa 'yo at parang hirap na hirap kang lumakad? Teka, 'wag mo sabihing pinanggigilan ni Miss Maureen si Manoy mo?"
"Pinanggigilan nga! Pero sa ibang paraan. Sinipa ba naman ako ng lintik na babaeng 'yon sa ari, ang sakit tuloy!"
Mas lalong bumalahaw ng tawa si Levie sa sinabi ko.
"Aww! Ang sakit niyan boss!" maasim ang mukha na sabi nito na parang nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko. "Ang galing pala ni Miss Maureen sumipa, asintado boss!"
"Isa pa Levie at ikaw na ang sisipain ko!" inis na banta ko sa kanya. Pag kaganito ang sakit na nararamdaman ko eh wala ako sa mood makipag biruan sa kanya.
Itinaas nito ang dalawang kamay sa ero. "Sorry, boss! Hindi na ako magsasalita ulit,"
"Mabuti naman dahil baka mainis mo ako at sipain din kita sa ari mo!"
Mabilis na dumistansya ito sa akin ng dalawang hakbang. "Huwag naman boss! Magkikita pa kami ng girlfriend ko pagbalik natin, sayang naman kung hindi ko magagamit ng maayos ang sandata ko sa kanya,"
"Pwes, kung ayaw mong gawin ko sa 'yo ang ginawa sa akin ng babae na 'yun, itikom mo 'yang bibig mo."
Kunwaring ziniper nito ang bibig. "Ito na nga boss oh. Sarado na ang bibig ko,"
"Good!" sabi ko.
Kinapkapan nito ang bulsa ng suot na pantalon upang hanapin ang sigarilyo.
"Yosi boss? Pampawala ng sakit." alok nito sa akin.
"Iyan talaga ang kailangan ko," inabot ko ang isang stick ng yosi sa box ng sigarilyo na hawak nito at pagkatapos ay sinindihan ni Levie ang sigarilyo sa bibig ko matapos kong ipitin ito gabi ang labi ko.
"Salamat," tipid na pasasalamat ko sa kanya saka ko ibinuga ang usok ng sigarilyo sa ere.
"Iwanan mo na ako dito, akyatin mo si Maureen at bantayan mo sa itaas," utos ko sa kanya.
Tumango ito sa akin. "Copy boss!" sagot nito sa akin.
Matalim ang mga mata na tinitigan ko ito.
"Tandaan mo 'to Levie, ayoko ng bantay salakay na tao," pananakot na banta ko sa kanya.
"Boss naman, ilang taon na ako sa 'yo, hanggang ngayon ba naman hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan? At bakit ko naman pag-iinteresan ang chix mo eh meron naman ako. At isa pa, kahit maghubad pa sa harap ko si Miss Maureen. Hinding-hindi ako maakit sa kanya dahil takot ko lang sa 'yo 'no."
"Good. Mabuti naman at nagkakaunawaan tayo dahil ayoko nang pumatay ulit ng tauhan ko," humithit ako ng sigarilyo saka ko ibinuga sa ero ang usok.
"Gusto kong tandaan mo 'to Levie, kahit matagal ka na sa akin at marami ka nang naitulong sa organisasyon ay hindi ako ma ngigingimi na patayin ka sa oras na nilabag mo ang mahigpit kong pinag-uutos sa inyong lahat na tauhan ko. You can have all the woman you want but not Maureen. She's so special to me, Levie. 'yan ang gusto kong isaksak mo sa isip mo. One wrong move could end and change your life forever
Malalim na ang pinagsamahan natin Levie kaya 'wag mong sirain ang tiwala ko sa 'yo," banta na sabi ko sa kanya.
Sumeryoso ito ng tingin sa akin. "Ibahin mo ako boss sa lahat ng mga naging tauhan mo. Dahil alam ko ang salitang ang kay Juan ay kay Juan, at ang kay Pedro ay kay Pedro. Hinding-hindi ko sisirain ang tiwala mo sa akin Boss, mark my words."sagot nito.
"Then, good. Tatagal pa ang samahan nating dalawa kung ganyan ka mag-isip. Sige na, umakyat ka na sa itaas at bantayan ang si Maureen doon,"
"Copy boss!" sagot nito at tinalikuran na ako.
Sunod-sunod kong hinithit ang sigarilyo hanggang sa lumiit ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para umamo sa akin si Maureen. Ano ba ang dapat kong gawin para bumait at sumunod ito sa akin? Sigurado ako na sa oras na makahanap siya ng pagkakataon ay tatakas at tatakas sa akin ang babaeng 'yon. Nauubos na ang pasensya ko sa kanya sa sobrang tigas ng ulo. Naiinis na rin ako sa kanya dahil siya na mismo ang naglalagay sa kapahamakan sa sarili niya. Paano kung wala akong hidden camera sa loob ng kwarto namin at nataon na hindi uto-uto na tauhan ko ang inakit niya. Napatiim bagang ako sa larawang nabuo sa isip ko. Paano kung hindi ako dumating kanina? Sa tingin ba niya ay malakas siya para makayang makipag laban sa pwersa ng isang lalaki? Napapailing na tinapon ko ang upos ng sigarlyo at tinapakan ko iyon ng madiin kaya namatay ang sindi.
"Sa susunod na gumawa ka ng kalokohan ulit pasensya na lang tayo pero kung kailangan na ikadena kita ay gagawin ko Maureen. Hindi ka pwedeng makuha at matikman ng ibang lalaki dahil akin lang at ikaw ang magiging ina ng aking mga anak..."