MAUREEN's POV
Mataas na ang araw nang magising ako kinaumagahan dahil sa kagagawan ng hayop na lalaking iyon. Kung meron man tao na kilala kong pinakamasamang tao sa mundo na nakilala ko ay nag-iisa lang na siya. Ni-hindi na siya naawa sa akin kahit kaunti. Paulit-ulit niyang inangking ang katawan ko at wala siyang pakialam kahit inabot na kami ng madaling araw na gising sa ibabaw ng kama dahil ang mahalaga sa kanya ay mailabas niya ang init ng katawan sa akin.
Nanginginig ang aking mga tuhod na dahan-dahan akong tumayo sa kama upang pumunta sa loob ng banyo. Pakiramdam ko ay kahit maghapon akong matulog ngayon ay hindi pa rin ka agad mapapawi ang pagkahapo ng buong katawan ko sa ginawa niya sa akin. Bakit? Huling gabi na ba niya iyon sa akin? Mamamatay na ba siya ngayon araw? Well, kung ganun nga sana eh 'di mabuti nang hindi ko na siya makita pa habang buhay. Narinig ko kasi na pinag-uusapan nila ng kanan kamay niya na ang pangalan ay Levi na kailangan nilang mag-ingat dahil may pagka-tuso raw ang Mr. Sy na 'yon. Oo nga pala! Si Mr. Sy, siya na lang ang pag-asang nakikita ko upang makawala ako sa kamay ng walang puso at demonyong Sandoval na 'yun. Tama. Kailangan kong makilala pa ng mabuti ang Mr. Sy na 'yun para tulungan akong makalaya kay Sandoval.
Kahit gusto ko pang bumalik sa kama at humilata ay hindi ko na ginawa. Mabilis akong kumilos sa loob ng banyo para ayusin ang sarili ko. Kailangan kong makaharap si Mr. Sy sa lalong madaling panahon. Bago umalis si Sandoval kanina ay nag paalam ito sa akin na may mahalaga silang aasikasuhin kaya pinaalalahanan niya ako na mag-behave daw ako at 'wag gagawa ng kahit na anong bagay na maaari niyang ikagalit kung ayaw ko na maparusahan niya. Sinabi rin niya na may mga tauhang nagbabantay sa akin kaya kahit na anong gawin ko dito sa apat na sulok ng rest house ni Mr. Sy ay malalaman pa rin niya. Pero hindi ako magpapadala sa takot ko. Kung papatayin lang din naman niya ako sa huli after niyang pagsawaan ang katawan ko. Mabuti pang may gawin ako para makaalis ako sa puder niya sa lalong madaling panahon. At baka ang araw na nga ito ang hinihintay ko.
Pagkatapos kong maligo ay isang simpleng kulay pulang bestida na hapit sa aking balingkinitan katawan ang napili kong isuot. Isa ito sa mga dress na binili ni Sandoval sa akin bago kami tumulak dito sa Palawan. Gusto kasi niya na maging maayos at maganda ako sa tuwing haharap ako sa mga tao na i-me-meet niya rito for their business daw. At kung anong negosyo iyon ay hindi ko alam. Pero malakas ang kutob ko na eligal na negosyo ang business na tinutukoy nito.
"s**t!" inis na sinipa ko ang pinto nang pinihit ko ang naka-lock na seradura ng pinto. Hayop talaga! Kinulong na naman niya ako dito sa loob. Wala talagang puso!
Mabilis akong napa-atras palayo sa pinto ng may marinig akong yabag ng paa at hindi nagtagal ay gumalaw ang seradura ng pinto pabukas. Isa sa mga tauhan ni Sandoval ang iniluwa ng pinto sa harapan ko. May dala itong tray ng pagkain.
"Pagkain niyo po Miss Maureen," sabi nito na mabilis na pumasok sa loob at inilapag ang dalang tray ng pagkain sa ibabaw ng table at pagkatapos ay lumabas rin kaagad ng pinto at muling ni-lock ang pinto.
"Paano ako makakalabas dito kung naka-lock? Ano ang gagawin ko para makaharap ko si Mr. Sy? Isip Maureen, isip..."
Saradong-sarado ang room na kinaroroonan ko kaya paano ako makakalabas dito. Ultimo ang bintana ay naka-lock din. Nagpasya akong kumain muna dahil gutom na gutom na rin ako sa sobrang pagod ng katawan ko kagabi sa kagagawan ng demonyong Sandoval na 'yun. Habang kumakain ako ay patuloy na gumagana ang isip ko sa pag-iisip kung paano ako makakalabas dito sa apat na sulok ng kwarto na ito. Masarap ang pagkain, ngunit hindi ko nagawang namnamin ito ng maayos dahil ang lumabas dito sa kwarto ang laman ng isip ko para makausap ko si Mr. Sy. Kailangan ko siyang makausap...
Inubos ko ang tubig na laman ng baso at pagkatapos ay lumakad ako pabalik sa bintana. Mabilis akong bumalik sa kama nang marinig kong bumukas ang pinto. Panibagong tauhan ni Sandoval ang pumasok upang kunin ang pinagkainan ko. Napalunok ako sa naisip kong gawin. Lihim kong hinaguran ng tingin ang bagong tauhan na nasa loob ng kwarto. Sa itsura nito ay mukhang uto-uto pa dahil siguro na rin ay bago palang ito kay Sandoval.
"Sandali," pigil na sabi ko sa kanya saka ako tumayo sa kama at nilapitan ito. Malagkit ko itong tinitigan sa mga mata. "Aalis ka na ba ka agad? Ayaw mo ba munang mag-stay dito kasama ko ng kaunti pa?" matamis ko itong nginitian sakanpinagapang ko ang daliri ko sa isang braso nito na may hawak na tray.
Binasa ko ang ibabang labi ko at napalunok siya dahil sa ginawa ko. "Ang lungkot kasi dito mag-isa," dahan-dahan kong kinuha sa kamay niya ang tray na hawak nito saka ko ibinalik sa ibabaw ng table. Umikot ako papunta sa likuran nito at kahit gusto kong masuka sa amoy pawis na katawan nito ay tiniis ko na lang na 'wag bumaliktad ang sikmura ko dahil kailangan kong gawin ito. Kailangan kong makatakas habang wala si Sandoval.
Inilapit ko ang mukha ko sa batok nito pagkatapos ay bumulong. Sinadya ko talagang ilapit ng husto ang labi ko upang tumama ang mainit na hininga ko sa balat nito sa batok upang makadagdag sa pang-aakit ko rito.
"You like it?" tanong ko sa kanya habang nilalaro ng daliri ko ang batok nito.
"O-oo... O-oo! Gustong-gusto ko 'yan!" mabilis na sagot nito.
Lihim akong napangiti sa narinig ko. Mukhang magagawa ko ang plato ko dahil uto-uto nga ang isang 'to!
Hinawakan ko ito sa kwelyo at pagkatapos ay tinulak ko sa ibabaw ng kama. Napa upo ito sa kama kaya itinulak ko pahiga gamit ang paa ko. Tila asong naglalaway ito nang sinimulan kong igalaw-galaw ang aking paa sa tiyan nito pababa sa pagitan ng mga hita nito.
"Ugh!" sambit nito nang laruin ko ang matigas na p*********i gamit ang talampakan ko.
SORRY PO LORD! I'VE NEVER DONE THIS THING IN MY WHOLE LIFE. BUT I NEED TO, JUST FOR THE SAKE OF MY PARENTS. KAILANGAN KONG MAKAWALA SA PUDER NG DEMONYONG SANDOVAL NA 'YUN!
Mas pinag-igi ko pa ang paggalaw ng talampakan ko sa pagitan ng mga hita nito. Sunod-sunod na nagpakawala ito ng ungol na animoy lalabasan na ito dahil lang sa ginawa ko.
GRABE!
"Like it?" muli ay tanong ko sa kanya.
"OO!" tila sinasapian na tugon nito sa akin.
"Okay, closed your eye!" utos ko sa kanya. Hindi naman nagdalawang isip ang loko at sumunod sa sinabi ko.
"Ayan, nakapikit na ako!" sagot nito at binitawan ang hawak na baril sa ibabaw ng kama.
Habang naka-pikit ito ay mabilis kong pinagala ang mga mata ko sa bantalon na suot kung saan bulsa nakalagay ang susi ng pinto. "Huhubarin ko na 'to ah," dahil hindi ko makita kung saang bulsa naroon ang susi ay nagpasya na lang ako na hubarin ang pantalon nito.
"Ops! Wait, mas maganda siguro kung may cover ang eyes mo para hindi ka makapang-daya!" I teased. "Wait lang," iniwan ko ito sandali sa kama saka naghanap ng pwede kong ipang-cover sa mga mata nito. At dahil wala akong makita ay nagpasya na lang ako na panty ko ang gamitin kong pang blindfold rito. Isinuot ko ang kulay pulang panty na binili ni Sandoval sa ulo nito para matakpan ang mga mata nito.
"Bawal dumilat okay, hindi ko na itutuloy 'to sige ka," pananakot ko sa kanya. "Okay, itutuloy ko nang hubarin ang pantalon mo ah," sunod-sunod na tango lang ang ginawa nito kaya mabilis kong inalis ang belt nito saka ang pagkakabutones ng pantalon at hinila iyon paalis sa lalaki.
"Mmm! Don't move!" utos ko rito kasabay ng mabilis na pagkapa sa susi sa loob ng bulsa ng pantalon na suot nito. "I'm almost done," hinitsa ko ang pantalon nito sa lapag at pagkatapos ay mabilis akong lumapit sa pinto saka ko maingat na binuksan ang pinto at ini-lock iyon!
Nakahinga ako ng maluwag nang nasa labas na ako ng pinto. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Sandali akong nag palinga-linga at pagkatapos ay mabilis na tumakbo. Pero hindi pa man ako lubusang nakakalayo ay napatigil ako sa pagtakbo ko nang makarinig ako ng pamilya na tinig ng lalaki.
"YOU THINK THAT YOU CAN EASILY RAN AWAY FROM ME?"
Pakiramdaman ko ay tumigil sandali sa pagtibok ang puso ko. Napalunok ako kasabay ng malakas na kabog ng dibdib. Nanginginig ang mga tuhod ko na pumihit ako paharap rito.
"S-SANDOVAL?" parang nakakita ng multo na bigkas ko sa pangalan nito.
Napakurap ako ng madilim ang mukha nito na tinawid ang distansya naming dalawa. "Dahil sa ginawa mo, nilagay mo sa kapahamakan ang buhay ng lalaking 'yun!" mariing sabi nito sa akin.
"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong. Alam kong may masamang binabalak na naman ito.
Hindi ito sumagot sa akin bagkus ay itinaas nito ang isang daliri at hindi naman nagtagal ay mabilis na lumapit sa kanya ang dalawang tauhan.
"Dalhin n'yo sa akin ang tarantadong 'yun!" utos nito sa mga tauhan.
"Yes, boss!" magkasabay naman na tugon ng dalawang lalaki at hindi nagtagal ay mabilis na lumakad papunta sa room na ni-lock ko.
"Pagsisishan mo ang ginawa mong 'to, Mauree!" mariing banta ni Sandoval sa akin saka ako hinawakan ng madiin sa braso at hinila patungo sa labas ng rest house. Tumigil kami sa gilid ng pool at binitawan niya ang braso ko.
Napa-atras ako sa takot nang makita kong hinugot niya ang baril mula sa tagiliran nito. Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Papatayin na rin ba niya ako tulad ng ginawa niya sa kapatid ko matapos na pag-sawaan ito ng paulit-ulit? Mabilis na nangilid ang mga luha ko sa labis na takot na papanaw akong hindi ko man lang makikita ang mga magulang ko.
Maya-maya ay gulat akong napabaling ng tingin sa tauhan ni Sandoval na nagsalita.
"Boss!" tawag nito kay Sandoval at pagkatapos ay tinulak ang lalaki na iniwan ko sa loob ng kwarto. Kung ano ang itsura nito nang iniwan ko sa kwarto ay ganun pa rin ang itsura nito ngayon.
"Boss! Hindi ko na po uulitin, boss! Patawarin niyo po ako!" pagmamakaawa nito sa paanan ni Sandoval.
So, papatayin niya kaming dalawa?
Nakangising umupo si Sandoval upang abutin ang buhok ng tauhan. "Patawarin? Ang mga katulad mong tarantado at hayok sa laman ay hindi na binibigyan ng second chance na mabuhay!" nanggagalaiti na aniya rito at pagkatapos ay gulat akong napa-takip ng bibig sa sumunod na ginawa nito sa tauhan.
Parang isang ibon na binaril nito ng dalawang sunod ang lalaking nagmamakaawa sa paanan nito. Pakiramdam ko ay sandaling tinakasan ako ng aking paghinga sa nasaksihan ko! Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasaksia ko ng pagpatay sa harapan ko mismo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatitig lang sa lalaking unti-unting napagutan ng paghinga at tuluyang binawian ng buhay. Kasabay ng paglupaypay ng ulo ng lalaki ay ang pagpatak ng aking mga luha. Pinatay niya ang lalaki sa harapan ko! At pagkatapos ay ako naman ang isusunod niya. Gusto kong kumilos at lapitan si Sandoval upang pagsasampalin ito sa kasamaang ginawa nito pero walang lakas ang mga tuhod ko na gawin ang bagay na iyon.
Grabe ang kabog ng dibdib ko at nanginginig ang buo kong katawan sa magkahalong takot at galit kay Sandoval na may hawak na baril at nakatitig lang sa akin.
"D-demonyo ka talaga! Wala kang kasing sama! Wala kang awa! Mamamatay tao ka—" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang unti-unting magdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.