Kinabukasan nga ay nagising ako dahil sa liwanag ng bintana. Napangiti ako nang mamataan ko ang mukha ni Luther na nakaupo sa malaking couch ng kuwarto at seryosong nakatitig sa akin. Natigilan naman ako at napakurap-kurap. Teka, nandito si Luther. Umuwi na si Luther, umuwi na siya. Mabilis na napabangon ako at malakas na napamura nang maramdaman ang mabigat na bagay na tila ipinukpok sa aking ulo. “Tang ina!” mura ko at napahiga ulit. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang mukha ni Luther na nakatitig sa akin. Nakapamulsa siya at tinaasan ako ng kilay. “Bad morning, I guess my wife,” aniya sa akin. Napaungot naman ako sa sakit ng ulo ko. Umupo siya sa tabi ko at sobrang unfair kasi ang bango niya. Ako naman hindi sigurado kaya hindi ako sumagot. Baka amoy imburnal itong bibig ko

