Ang bilis ng panahon. Ngayon nga ay hindi na kami magkandaugaga dahil sa sobrang busy. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa kasal ko mamaya. Noong nakaraang buwan lang ay nagpa-plano pa kami ngayon nga ay sobrang bilis ng araw. Nakaupo lamang ako sa upuan habang nakatingin sa malaking salamin habang inaayusan ng tatlong hinire ni Luther. Sa kabila naman ay nandoon ang dalawa kong kapatid na inaayusan din. Hindi ko nga alam kay Luther mukhang buong staff ng salon dinala rito. Napapangiti naman ako kasi nandito ang mga malalapit sa akin. Nakikita ko naman ang saya at excitement sa mukha nila. Kanina pa nagre-request ng video call si Luther hindi ko lang pinagbigyan kasi nga bawal daw. Siyempre sa edad kong ito hindi ako papayag na may pamahiing malalabag dahil desperada na ako. Bakit? A

