Chapter 35

2307 Words

Napatingin ako sa pinto ng aking kuwarto nang makitang nakatayo roon si Maria at Mary. Tipid na nginitian ko naman sila. “Hali kayo,” tawag ko sa kanila. Lumapit naman sila at umupo sa tabi ko. “Mary, Maria, ayaw kong maulit pa iyong nangyari kanina ha. Hindi ko gustong pati kayo ay magalit kay, Mama. Kahit ano’ng mangyari siya pa rin ang ina natin,” mahina kong saad. “Hindi naman namin ikinakaila, Ate. Ayaw lang namin na tinatrato ka na namang parang ATM. Pupunta lang dito para humingi ng pera,” sagot ni Maria. “Oo t’saka hiyang-hiya na kami sa’yo,” dagdag ni Mary. Inakbayan ko naman silang dalawa at inilingan. “Umaasa akong magbabago silang dalawa para sa inyo. Kung hindi talaga wala na akong magagawa. Pagpasensiyahan niyo na ang Ate niyo ha, ayaw kong mag-iba ang trato niyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD