Nakangiting lamang kaming apat na nakasakay sa kotse ni Luther. Ihahatid niya kami ngayon kasi gabi na. Matapos kasi ang proposal niya ay nagkaroon na naman ng salo-salo kinagabihan. Sobrang saya ko pa rin habang nakatingin sa daliri kong may suot na diamond ring. Para bang kinorte iyon para sa kamay ko. Napakaganda ng design. Simple lang pero elegante. Iingatan ko talaga ito nang mabuti. “Congratulations Ate at Kuya, hindi na kami makapaghintay sa wedding,” ani Mary na sinang-ayunan naman ni Maria. Ngumisi lamang ako. “I’m working on that,” nakangiting sagot ni Luther. Nagtilian naman ang dalawa. Ganoon lang kami hanggang sa makauwi. Hindi na rin nagtagal pa si Luther dahil may lakad pa siya. May meeting pa siya. Hindi niya sinabi kung anong klaseng meeting. Hindi na rin ako nangusisa

