Lumipas nga ang ilang buwan at medyo naging maayos na ang buhay ko. Nakapagpatayo na rin ako ng sarili kong tindahan. Ang buwang iyon ay inabot na ng taon at hindi na kami ulit nagkita pa ni Luther. Sinubukan ko siyang puntahan at contact-in maging si Bisonga nga ay hindi ko na nakita pa. Bigla-bigla ay para lang silang naging panaginip ko na lang. Sobrang dismayado ako kasi alam ko sa sarili ko na gusto kong makita ni Luther ang kalagayan ko ngayon. Gusto kong makita niyang sobrang laki ng ipinagbago ng buhay ko. Noon nga ay ako ang nagma-manicure pedicure ngayon naman ay may apat na akong taong gumagawa nu’n. Maraming salamat sa tulong ni Bogart at Ryle. Yes po, pinatos ko ang offer ni Bogart. Ang laki ng naitulong niya at naging okay na rin ang relasiyon namin dahil totoong mabait na si

