Bumalik na lamang ako sa table naming ni Aled. Ang pogi talaga eh pero naaalala ko si Luther kaya napailing ako. “Why?” tanong ni Aled nang makaupo na ako. “Ha?” naguguluhan kong tanong. “You shake your head,” aniya. Natigilan naman ako at napakamot sa aking ulo. Oo nga pala minsan talaga kasi iba rin ako eh. Hindi ko napapansin ang sarili kong reaksiyon kaya tingin sa ‘kin ng mga kapit-bahay ko napasma. Nagkahangin ang utak kaya minsan nagsasalita mag-isa. Umiling naman ako at nginitian siya. “W-wala iyon,” sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Ilang saglit lang ay natigilan ako nang sadyaing tamaan ng likod ng upuan ang upuan ko. Inis na lumingon ako at nakita si Luther na prenteng nakaupo at gumagalaw ang panga. Hinila ko na lang ang upuan para hindi mag-abot. “You, okay?”

