Napapikit ako nang dakmain niya ang gitna ko. Tiningnan ko lamang siya. Kamuntik pa akong mapasigaw nang makita ang kunot na kunot niyang noo at tila hindi nagustuhan ang tagpo. “Off limits ka kaya please lang,” sabi ko sa kaniya. “f**k!” mura niya. Umupo naman ako sa kama ko at tiningnan siya. “Luther,” tawag ko sa kaniya. Tiningnan niya naman ako. Lumapit siya sa akin at umupo sa ‘king tabi. “Why?” tanong niya. Hinarap ko siya at malungkot na nginitian. “Alam mo bang pinipigilan ko lang ang sarili kong magalit sa ’yo? Kasi aminin ko man o hindi ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon,” umpisa ko. Kumunot naman ang noo niya. “Get mad if you want to,” sabat niya. Natawa naman ako nang pagak. “Bakit pakiramdam ko ay hindi pa rin ako malaya sa ‘yo? Matagal ng t

