Alas-sais na ng gabi at nandito ako sa terasa ng hotel nakatingin sa labas. Napakaganda kahit na nagbabadyang umulan ang dagat kasi napaka-calming ng tunog ng alon. Medyo malamig ang hangin kaya napahawak ako sa braso ko. “Pumasok ka na sa loob, it’s getting colder,” wika ni Luther. Napalingon naman ako sa kaniya. Pagkatapos kasi ng dinner namin kanina sa labas pinauna na niya ako rito. “Kanina ka pa ba?” tanong ko. “Kanina mo pa lang ba ako nakita o ngayon lang?” sarkastikong sagot niya sa akin. Napaikot ko naman ang mata ko. Nilapitan niya ako at kaagad na inilayo ko naman ang aking mukha sa kaniya. Nalanghap ko ang kaniyang mabangong amoy. Taragis na lalaking ‘to hindi na yata ako titigilan kaaakit. Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at nakagat ko ang aking labi nang maramdam

