“Good morning,” bati ng baritonong boses. Napakurap-kurap ako at napatingin kay Luther. Unti-unti ring lumalaki ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa gulat ko ay malakas akong napasigaw. “Ahhh!” Pumikit naman siya at halatang hindi nagustuhan ang pagsigaw ko pero hindi siya nagsasalita. Tiningnan ko lang siya at nakakapanibago ang kaniyang reaksiyon. “Hhindi ka galit?” tanong ko. Hindi naman siya kumibo. Hinawi niya lang ang bed sheet sa ibaba niya at tinitigan ako. “I am,” sagot niya. Nanlaki ang mga mata ako nang makita ang ari niya. Nagmamatigas iyon. Mabilis na napabangon ako at kalaunan ay pinagsisihan ko. Pakiramdam ko ay biniyak ako sa sakit at hapdi. “Putragis!” mura ko sa sakit. Nag-aalalang bumangon naman siya at inalalayan ako para makasandal sa

