Nakaupo lamang ako ngayon sa couch habang pinag-iisipan ang offer ni Bogart. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya kanina o scam. Bahala na nga muna siya. Napagpasiyahan kong maligo na lang muna at mag-go-grocery ako ngayon. Kailangan ko na ring mag-imbak ng pagkain dahil kahit isang kusing ng bigas wala ako. Matapos maligo ay nagbihis na ako at umalis na. Nagpahatid lang ako sa medyo may kalayuang mall dahil gusto kong bilhan ng mga damit si Maria at Mary. Makalipas ang ilang minuto ay nagbayad na ako at pumasok sa loob. Ang lungkot at sobrang nakakapagod na ako lang mag-isa. Mas okay naman kasi noon kasi lagi kong kasama si Bisonga. Ipinilig ko ang aking ulo at sumakay na sa escalator. Habang paakyat ay napatingin ako sa baba. Nagulat pa ako nang makita ko si Luther at nakasu

