“Diyan lang po sa tabi-tabi nagtrabaho,” sagot ko. “Ay! Akala namin eh sumama ka na sa afam iyon kasi chismis ng mga kumare ko nu’ng humiram ng pera kay, Bogart eh,” saad ni Aling Grasya. Nginitian ko naman siya nang malapad. “Eh ano naman po kung ganoon? May problema po ba kayo kung totoo man iyon?” tanong ko. Mabilis na umiling naman siya. “Naku! Wala talaga, V. Alam ko naman kung meron eh ‘di sana ay nasa labas ka na ng bansa ngayon,” aniya at ngumisi na tila ba natuwa ako sa sinagot niya. “Eh nasaan na ang kano kung ganoon?” tanong ni Aling Beka. Napatingin ako sa kasamahan niya at tila naghihintay rin ng sagot mula sa akin. “Nasa bahay nila,” sagot ko ulit. Nagtinginan naman silang tatlo. “Sige na po at maglilinis pa ako rito sa maliit kong bakuran,” wika ko. “Sige lang

