Ang bilis ng panahon at mag-iisang buwan na ako sa bahay ni Luther. Kahit na kinakabahan ay tahimik lamang akong nagdarasal na sana nga ay meron na. Sana may laman na. Natigilan ako sa aking iniisip nang tawagin na ako ng OB. “Are you scared?” tanong ni Luther sa ‘kin. Napatingin naman ako sa kaniya at napatango nang mahina. Natigilan pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob. “Hi V,” bati niya sa akin. Nagulat naman ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Sa tingin ko ay close sila ni Luther. “Hello po,” sagot ko. Umupo naman ako sa upuang kaharap niya. May kinuha siyang maliit na kit at nagbigay ng instruction sa akin. Nnaginginig na pumasok naman ako sa CR at sinunod ang sinabi niya. Naghintay ako nang ilang minuto at tahimik na nagdarasal. Kinakabahang

