Habang naglalakad ako ay napatingin na lamang ako sa langit. Gabi na sa tingin ko nga ay malapit ng mag-alas-siyete. Napapikit ako dahil ayaw kong umiyak. Kinagat ko ang labi ko at huminga nang malalim. Ganoon naman palagi eh. Noon pa man ganoon na si Mama. Nagtatanga-tangahan lang ako. Napangiti ako nang mapait at nagpatuloy na sa paglalakad. Natigilan naman ako nang tamaan ako ng ilaw ng kotse. Kaagad na naitakip ko ang aking kamay. Nawala naman iyon at bumukas ang pamilyar na kotse. Nakatayo si Luther at wala namang nagbago sa mukha niya maliban sa katotohanang guwapo naman talaga siya at mukhang suplado. Nakapamulsa siya at tila hinihintay ako. Kahit na nasa hindi siya kalayuan ay walang nagbago. Naglakad naman ako palapit sa kaniya. “Bakit ka nandito?” tanong ko. Hindi naman siya

