Okay. Una sa lahat, hindi ko alam na ang ulan sa ranch ay parang teleserye-level.
Kaninang umaga, tirik ang araw. Pero pagdating ng hapon—BOOM. Ulan galore. At syempre, saan ako inabutan? Sa may poultry area. Ayoko naman magtagal sa loob dahil kahit ganito ako hindi ko kayang tagalan ang amoy sa loob at baka atakihin ako ng hika kaya heto ako ngayon nagiisaa….. naglalakbay sa gitna ng diliimmm ay nakuha pang kumanta Literal na basing basa tuloy ako sa ulan.
Napataas nalang ang isa kong kilay at natatawa sa sarili dahil para talaga akong nasa teleserye nito
“Ella? What the hell are you doing?” tinig ni Boss Lucian mula sa malayo.
At ayun na nga si bossing na akala mo nasa TV drama, tumatakbo palapit habang nababasa ng malakas naulan, bumabakat tuloy ang abs sa suot na damit.
Teka tumutulo ata laway ko. Napapunas tuloy ako ng bibig.
“Dito! Sa tabi ng mga manok! Hindi ko sila maiwan!” sigaw ko pabalik.
Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa ‘kin, hawak ang isang lumang jacket.
“Why didn’t you run for cover?” tanong niya habang isinasampay sa balikat ko ang jacket niya.
“Eh kasi po ‘yung mga sisiw natatakot, baka mabasa sila. Mas importante sila kaysa—”
Naputol ang paliwanag ko nang mapansin kong titig na titig siya sa mukha ko.
Nakakunot ang noo niya. “You’re shivering.”
“Sobrang lamig kasi,” sagot ko, sabay ngiti. Pero nanginginig talaga ako. Hindi lang sa ulan… kundi sa tingin niya.
Nag iwas naman ng tingin si bossing ng bigla siyang mapatingin sakin, sabay takip ng kamay sa ibaba ng mukha
Kumunot naman ang noo ko, bakit ano ba ang itsura ko, napaamoy tuloy ako sa sarili ko baka kaamoy ko na yung mga biik dahil pinuntahan ko sila kanina.
Hinila niya ang braso ko. “Come on. Let’s get you inside.”
“Hindi po ako made of sugar, ‘di ako matutunaw,” biro ko.
“Baka nga hindi ka matunaw. Pero baka ako ang matunaw sa tingin mo.”
Tumigil ako. Sa dami ng pwedeng sabihin… ‘yun talaga ang binitawan niya?
“Po?”
Umiling siya. “Nothing. Let’s go.”
Habang naglalakad kami pauwi, napansin kong palihim siyang sumusulyap. At kapag nagtama ang mata namin? Lumilingon siya sa
kung saan-saan.na Para kaming nasa high school.
Ano to puppy love, uy assuming si inday hahahahha.
Pagpasok namin sa bahay, bigla siyang nawala sa likod-bahay. Ako naman, tuloy sa banyo para magpatuyo. Isinabit ko ang jacket
niya, pero bago ko pa maisara ang pinto, may narinig akong kalabog sa labas.
Lumabas ako—at nakita siyang nakatingin sa kawayan sa may bakod, hawak ang basang shirt, topless. As in. TOTOO BA ‘TO.
Tumingin siya sa akin. “What?”
Napakapit ako sa pintuan. “Wala po. I mean, meron. I mean... nice... weather?”
Umangat naman ang sulok ng labi nito.
Umambon ulit. Agad siyang lumingon sa langit. “Teka, papasok na rin ako.”
At bago pa ako makalingon, bumagsak na naman ang ulan. At kami? Na-stranded sa ilalim ng bubong ng kamalig.
Tanging tunog ng ulan at t***k ng puso ko ang naririnig ko. Sa tabi ko si Lucian, basa pa rin, ang kamay hawak ang damit niya.
Bahagyang sumasayad ang mga balikat namin tuwing iihip ang hangin.
“Okay ka lang?” tanong niya. Halata ang pag-aalala sa boses nito dahil narin siguro kanina pako nangingig sa lamig.
Tumango ako. “Medyo.”
“‘Di ka na giniginaw?”
“Giniginaw pa rin po. Pero... mas okay na ngayon.” Pero halata sa mukha nito na hindi naniniwala sa mga sinabi ko.
Hindi ko alam kung gaano na katagal na nakatitig sakin si Lucian pero yung tingin nya ay hindi lang sa mukha ko dahil ramdam ko
yung init ng tingin nya na bumababa sa ilalim ng leeg ko, nakuha ko tuloy mahiya dahil baka bakat ang suot kong lumang bra, sa dinami dami ba naman ng pwede nyang makita iyon pa bawas s*x appeal ay hahaha meron bako non? Kung meron ako non edi sana hindi ako niloko ng buwisit na pangit na ex ko.
Agad ko naman itong nilingon at sinagot ang titig nito na kulang nalang ay lusawin ako sa kinatatayuan ko.
Tapos… ngumiti siya. Yung kiming ngiti, syempre nag jumping rope ata ang puso ko sa loob ng dibdib ko.
“what, may gusto ka bang sabihin” bulong niya.
Napakagat ako sa labi.
“Bakit parang... lumalapit ka pero lagi mo rin akong iniiwasan?” I asked it out of nowhere, bakit totoo naman eh.
Minsan close kami tapos mas madalas bigla yang iiwas, assuming naba talaga ako,
Huy ang layo ng estado naming sa buhay, nangangarap nanaman ng gising si ganda.
Nagbuntong-hininga siya. “Because your to dangerous for my health .”
Napaawang ng bahagya ang mga labi ko sa sinabi nya, masyadong cheesy yung mga linyahan nya nakuha ba nya yon sa librong binabasa nya?
“ako? Delikado sa kalusugan mo? Hindi naman ako drugs para maging delikado?”
Napailing siya, tumawa ng konti. “yeah and that’s the reason why, also that’s the answer to your question.”
Umambon pa. Pero sa ilalim ng bubong, mas lalong uminit ang paligid.
Sa totoo lang... baka hindi ulan ang dapat kong ikatakot.
Baka si Boss Lucian.