Chapter Three

652 Words
Unang beses kong hinawakan ang tali ng kalabaw. Akala ko parang aso lang na lalakad ng mahinahon at aamoy amoy lang sa mga bagay na madadaanan . Mali pala ako. "Okay, steady lang tayo, ha," bulong ko habang hinahaplos ang batok ng dambuhalang hayop. "Kung kinakausap mo siya, dapat may eye contact," sabi ni Lucian mula sa likod ko. Napalingon ako. dapat pala nakikipag eye contact pa sa kalabaw, halatang halata tuloy ang pagkunot ng noo ko at pagtataka sa sinabi niya pero. Ang lapit niya. At dahil masyadong close, sumayad ang braso niya sa braso ko. Bigla akong parang naluto sa kaldero. Ang init ata ng pisngi ko. "Lord sa dami ng tukso bakit siya pa," bulong ko. "Ha?" tanong niya, kita sa mukha niya ang pag pigil ng tawa. "Wala po, sabi ko lang po... ang init ng panahon. Baka umulan." Pero sa totoo lang, hindi panahon ang mainit. Siya. Siya yung issue. Matapos ang mahabang laban sa kalabaw (na mas mukhang ako ang talunan), naupo ako sa lilim ng puno. May bitbit akong tubig at panyo, habang nagpapahangin. Napatingin ako kay Lucian na abalang nag-aayos ng bubong ng maliit na kubo. Nakapatong siya sa kahoy, nakaangat ang sando, kita 'yung defined abs na parang ukit ng Diyos. "Lord, give me strength," bulong ko. "Anong sabi mo?" tanong niyang bigla, nakatingin sa akin mula sa taas. "Ah—ang sabi ko po... mukhang strong yung bubong!" Palusot queen. May award ako rito. "Talaga? Eh parang nanginginig nga, eh. Baka bumigay." "Wag ka lang pong tumambling diyan at baka bumigay din ako—uh, ang bubong! Ang bubong ang ibig kong sabihin!" Napangiwi ako. Bakit ba kasi ang bibig ko laging may sariling buhay? ------------------------------------------------- Hapon na nang sinubukan kong magtanim ng kamatis sa maliit na garden. First time ko, so hindi ako sure kung tama ang ginagawa ko. Naramdaman ko na lang na may nakatayo sa likod ko. "Wrong angle," sabi ni Lucian. "Ha? May anggulo din ang pag-tanim?" tanong ko habang nakapaling sa kanya. Inabot niya ang pala sa kamay ko at yumuko siya sa likod ko para itama 'yung hukay. At dahil hindi ako handa, napaubo ako. Diyos ko, bakit ang bango niya kahit galing siya sa lupa? At bakit parang nag-iinit ang batok ko? "'Wag kang gagalaw," bulong niya. Napapikit ako. Kasi kung gagalaw ako, baka hindi lang kamatis ang matanim—baka pati feelings. Pagkatapos ng awkwardly sensual lesson in planting, naglakad ako papasok sa bahay. Nagpapahinga sa sala si Lucian, may hawak na libro. Hindi ko alam na marunong pala siyang magbasa ng romance novels? "Uy, 'yan 'yung 'The Farmer's Secret Bride', right?" tanong ko. Napatingin siya agad. "Hindi ko to—uh—kay Delpin 'to!" sa bigla ni Sir Lucian ay naihagis nya tuloy sa lamesita ang libro "Sure," sabi ko,habang tumatango at tumatawa. "Next time makita na kitang nagbabasa ng 'Kissing the Cowboy'." "Tsk. Sa'yo ko ipapabasa 'yan, baka sakaling matauhan ka." Banat ni Boss na nagkakanda haba ang nguso, halikan ko kaya ayy ang kiri. "Matauhan saan?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito dahil anong konek ng pagbabasa sa matauhan ako "Na delikado 'ko kapag masyado kang malapit." Tumigil ang mundo ko ng mga 2.5 seconds. Bahagya pakong nagloading dahil sa mga sinabi nito. Ano daw? Teka ako delikado? Why! Teka! Shocks! Dahil baka sunggaban ko sya ano mang oras! Napahampas ako sa noo dahil sa maruruming bagay na naiisip ko pero delikado sino? Ako ba o siya? Pero bago pa ako makasagot, bigla siyang tumayo, parang umiiwas . "Good night," sabi niya. Tapos walk out na naman si Mr. Ranch Owner ng taon. Naiwan akong nakatanga sa may pintuan. Lord, baka gusto Niyo akong bigyan ng warning next time. 'Yung tipo bang, "Hoy Ella, huwag kang titingin masyado, baka mahulog ka!" Pero huli na ata. 'Cause here I am, falling... face first sa gitna ng garden ng kamatis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD