Alas-sais pa lang ng umaga pero nagising ako sa manok na may alarm clock sa lalamunan.
Sa totoo lang, gusto ko siyang hagisan ng tsinelas, pero naalala kong wala na nga pala ako sa Maynila.
kaya sa halip na bumalik sa pagtulog ay bumangon na ako at nagligpit ng higaan, makapagluto narin ng agahan para may lakas sa mga gawain para mamaya at para harapin ang mainit nyang amo ay ang aga naman Ella
May mga biik na kailangang pakainin at mga basahan na kailangang labhan.
Welcome to ranch life, Ella. pero mas mabuti narin yung ganito atleast hindi pumapasok sa isip ko yung mga bagay na nangyari sakin nito lang, hindi rin ako nagkakaroon ng dahilan para magmukmok sa kwarto at umiyak ng dahil sa mga walang kwentang bagay na hindi naman magpapagaan ng buhay ko.
Naglakad ako papunta sa kulungan ng mga biik, may bitbit na balde ng feeds. "Good morning, mga biik," bati ko habang binubuksan ang gate. Ilang araw pa lang ako rito pero parang kilala na nila ako. Nilapitan agad ako ng isa sa kanila at kinagat ang laylayan ng jogging pants ko.
ay parang i belong may pa welcome ang mga biik.
"Ay! Hoy! Hindi 'to pagkain!"
agad kong hinila ang laylayan ng suot ko, akala ata talaga eh kasama ako sa pagkain.
agad akong napalibot ng tingin dahil naramdaman kong parang may nakamasid sa akin alam mo yung pakiramdam na feeling mo may multo kapag patay ang ilaw tapos nakatingin sayo habang natutulog, ay tinakot ang sarili
agad naman akong lumingon at sinuri ang paligid dahil baka nga may tao at hindi ko lang napansin pero wala naman.
baka guni guni ko lang kaya ipinagkibit balikat ko nalang.
"why dose she smell good? is she using something a perfume?," sabi ng pamilyar na boses mula sa likuran.
"ay inay kong kabayo!"
Muntik na akong mapatalon sa gulat, napahawak ako sa dib dib at muntik ng maihagis ang baldeng may lamang feeds. at ayun na nga Si Lucian, nakatayo sa lilim ng puno, may dalang sako ng feeds.
Suot niya 'yung puting sando na basa sa pawis, buhok niyang medyo magulo pero angas pa rin. Ang bango. Ang lakas makalaglag ng panty
ang akala ko talaga ako lang ang tao dito dahil maaga pa.
Napabuntong-hininga ako. "Akala ko multo."
napalingon naman ito sakin
"well I'm a handsome ghost for you."
NAPAKUNOT ako ng noo. Ha?! Pero hindi siya tumingin sa akin. Diretso lang siya sa pagpapakain sa mga baka.
umangat ata ang dugo ko sa ulo dahil sa mga huling salitang sinabi nito. at dahil nagpanggap ito na parang walang nangyari ay itinuloy ko nalang ulit ginagawa ko at nangingiti mag isa na parang naaning..
Nagkunwari akong busy, pero habang naglalakad ako papunta sa kamalig, nakangiti akong mag-isa. "Ano raw?" marunong din pala itong mag biro. mukha kasi itong seryoso sa buhay dahil palaging trabaho ang nakikita kong ginagawa nito and take note, tulad nga ng sabi ko sa inyo hindi sya pala utos katulad ng ibang amo.
Pagkatapos kong pakainin ang mga hayop, nagsimula na akong maglaba sa may likod ng kamalig. Habang pinipiga ko ang basahan, may nakita akong pink na medyas.
kaya agad ko itong kinuha at itinaas.
"Bakit may ganito dito? Ang macho ni Boss Lucian tapos may medyas siyang pang-Barbie?" bulong ko habang hawak ito sa daliri.
"Hindi akin 'yan."
Napaatras ako. at napahawak sa kawayan dahil muntik nakong tumumba sa gulat, dahan dahan akong napaangat ng tingin sa lalaking naka sando at parang ibinabalandra ang biceps nya sa harap ko, tumutulo nanaman ata ang laway ko.
"b-boss kayo pala, alam ko namang hindi to sayo hindi kana mabiro" natatawa kong ibinaba ang medyas sa palanggana at nagbaba ng tingin, nakatitig kasi ito sakin na parang manlulusaw.
"Kay Tatay Juanco 'yan dati. Naiwan lang diyan," dagdag niya.
Shet. nakakahiya napagbintangan ko pa yung tao.
"Uh... Hindi ko naman sinasabing sa inyo 'yan, Boss. Ang cute lang. I mean—cute yung medyas! Hindi kayo!"
tumingin lang ito sakin sabay tingin sa medyas na hawak ko.
Napatingin ako sa sabong hawak ko. "Lulubog na lang po ako sa palanggana."
nakuha ko tuloy yumuko na kulang nalang ay mag dive na sa palangganang kaharap ko.
Ngumiti siya. 'Yung tipong dangerous na ngiti na parang... alam niyang napapahiya ako sa sarili kong dila.
nakikinita kinita ko na ang pag ngisi nito sa gilid ng aking pere peral ay hahaha gilid na nga lang ng mata.
napapamura ako sa isip ko habang ipinagpapatuloy ang paglalaba, "bakit ba bigla bigla nalang siyang lumilitaw sa tuwing may nagagawa akong nakakahiya"
Tanghali narin akong natapos sa paglalaba. Gutom na 'ko. Kaya nagdesisyon akong magprito ng itlog sa kusina. Habang abala ako sa kalan, naramdaman kong may pumasok. Si Lucian. Galing likod-bahay. Basa pa ang buhok, mukhang bagong paligo. Suot niya ang grey na shirt na medyo hapit sa dibdib.
Napalingon ako. Grabe, ang bango. tumutulo nanaman ata ang laway ko.
"ano kayang gamit niyang pabango, o baka sabon, shet ang bango?" bulong ko habang inaayos ang mantika.
"Ha?" tanong niya bigla.
Napalingon ako sa gulat. "Wala po! Sabi ko lang po... ang itlog, dapat hindi naadik sa mantika!"
ang talas naman ng pandinig ni boss , narinig pa nya yon, pero sheeett nakakahiya baka kung ano nalang isipin ni boss.
tahimik lang itong umupo sa lamesa pero ramdam na ramdam ko sa likod ko na nakatingin siya sakin tagos tagusan. Pero 'yung ngiti niya? Nakakagigil. Parang alam niyang nabubulol na naman ako sa sariling utak.
Pagkatapos kumain, bumalik ako sa pag-aayos ng mga gamit sa kwarto. Simple lang 'yung espasyo pero presko. Bandang hapon, naramdaman ko na rin ang pagod. Pero mas ramdam ko 'yung kakaibang tensyon tuwing nandyan siya. huy Ella boss mo yan, bawal landiin yan.
Pagsapit ng gabi, habang naglalakad ako pauwi sa maliit kong kwarto, nadaanan ko si boss Lucian sa may likod-bahay. Nakatingin sa buwan. at may hawak na tabako? nagtatabako pala ito?
"s**t, Ano bang nangyayari sayo Lucian para kang nawawala sa sarili"
Napalingon ako sa kanya. Tahimik pa rin siya, pero halatang may laman ang isip.
at saka sino ba ang kausap niya? napalingon tuloy ako sa paligid
"Po?" tanong ko.
dahil baka mamaya naengkanto na ito dahil nagsasalita mag isa
Nagulat naman ito dahil bigla akong nagsalita
pero syempre cool parin
"w-what are you doing!?" agad nitong tinapon ang tabakong hawak at tinapakan ng paa para mawala ang sindi
"akala ko po kasi may kasama kayo? may nakikita po ba kayong hindi ko nakikita? may kilala po akong albolaryo----"
bigla niyang tinakpan ang bibig ko pero agad ding inalis na parang napaso
grabenes siya wala naman akong laway sa bibig.
"no i'm not talking to anyone, now go!"
Napatingin siya sa akin saglit, pero agad ring tumalikod.
"Good night," sabi niya, sabay lakad palayo.
Iniwan akong nakatayo.
sayang gwapo pa naman kaso nagsasalita mag-isa