ChapterOne

782 Words
Ang aga-aga, pero ramdam ko na agad ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil sa kaba. Hindi rin dahil sa init. Kundi dahil sa kanya. Si Lucian Cuanco Una ko siyang nakita kahapon, kasama ng ilan sa mga mangagagawa sa rancho, ang akala ko talaga ay dito rin siya nagtatrabaho dahil sa suot nito kahapon na itim na sando at maong na pantalon na mejo sira sira. maganda ang tindig nito pati ang pangangatawan, halatang banat ang buto sa mga ganitong trabaho, muka itong mestiso na nasunog nalang ang balat dahil sa araw. Tumulo nga ata ang laway ko nung pinagmamasadan ko sya mula sa malayo, hindi ko kasi akalain na makaka kita ako ng gwapo dito sa Rancho. as in gwapo ang lakas pala maka gandang lalaki ng bigote at balbas, baka masarap kumiliti iyon pag ginamit niya. pinagtawanan pa nga ako ni Tatay Juanco dahil sa pagkatulala ko, siya pa ang nagsara ng bibig kong nakanganga. nakakahiya man pero ang gwapo niya kasi tlaga. "Good you're here," sabi niya, habang binubuksan ang gate ng kulungan ng mga baka. Suot niya ang isang dark blue na polo na nakalilis ang manggas. Naka-leather gloves siya, pero kahit ganun, halata mong sanay siyang magtrabaho ng buo ang katawan. kaya hindi ko akalain na siya pala ang may-ari ng Rancho, hindi ba ang amo hindi dapat gumagawa ng mga ganitong bagay? pero si Lucian nandito at sumasali sa mga gawaing hindi bagay sa kanya.... Siya ang may-ari, siya ang boss, sa maynila pag may ganito kang amo abay himala. siya kasi ang boss saya ang may-ari so dapat utos doon, utos dito ganun bang mga senaryo. "Opo," sagot ko, sabay tingin sa sapatos kong medyo madungis na. "Pasensya na po kung di ako agad nagpakita kanina sa harap ng bahay. Maaga po akong nagising, naglinis muna ako sa may kamalig." Tumingin siya saglit. Yung tipong titig na parang sinusuri kung totoo ba 'yung sinasabi mo o sinusubukan mo lang magpa-impress. "Mabuti at may kusa ka, hindi ka pukpukin," aniya. "Sanay po kasi ako sa gawaing bahay. Tsaka mas gusto ko 'yung gumagalaw kaysa 'yung nakatunganga." Tumango siya. "Good." Biglang tumahimik ang paligid, so hindi ba siya sociable na tao? pero nakikipag biruan pa sya sa mga manggagawa kahapon. pero sayang talaga akala ko kasi isa lang siya sa mga empleyado, sayang huy!! alin ang sayang Ella, kaka break mo lang huy ang landiiii Nakatayo lang kami sa harap ng kulungan habang kumakain ang mga baka. umiihip ang preskong hangin tama talaga ang desisyon kong sa probinsya nalang magpunta, at doon ko lang naamoy ang bahagyang pawis at sabon sa balat niya. Amoy lalaki. Mainit. Malalim. at nakakapang tulo ng laway. shocks, napapahid ata ako ng laway dahil sa mga iniisip ko, bakit naman kasi hindi maganda ang hubog ng katawan ni Boss halatang banat na sa mga gawain dito, ang kulay ng balat niya ay lalo pang nag padagdag ng appeal nito, at infairness ngayon lang ako nagwapuhan sa lalaking balbas sarado, hindi ko naman sinabing makapal ang bigote at balbas niya sa mukha, alam mo yung tamang tubo lang. Nagkatinginan kami. Ako agad ang umiwas. "Ano po pala ang gagawin ko ngayon?" nakakahiya pala pag pinagpapantasyahan mo ang kaharap mo. "Pakainin mo 'yung mga biik sa likod. Tapos pagkatapos nun, dalhin mo 'tong lalagyan ng vitamins sa mga baka. 'Wag mong hawakan 'yung mga wire sa kanan—may kuryente 'yun." "Sige po." Lalakad na sana ako nang biglang natanggal 'yung sintas ng sapatos ko. Napaluhod ako para itali, pero dahil sa pagmamadali ko, nahulog 'yung balde ng vitamins. Gumulong papunta sa paanan niya. Napayuko siya, sabay abot sa akin. Nag-abot ang kamay namin. lumipas ang ilang segundo na para bang huminto ang pagtakbo ng oras at ng mga bagay sa paligid Mainit ang palad niya. Matigas. Magaspang. Pero mas nakakabigla 'yung parang alon ng kuryenteng dumaloy mula sa balat niya paakyat sa braso ko. ano nga ba ang tawag don, sabagay sa mga pocket book ko lang ata nalaman yung mga ganun yung parang kuryente na nararamdaman pag may nahawakan ka. Nginitian ko nalang si Boss ng pilit. "Ah... sorry po." Umatras siya agad, parang napaso rin. so hindi lang ako ang nakaramdam. "it's okay" mababa ang mga boses niya at direktang tumingin sa mga mata ko "i should be careful next time" mahina at pabulong lang yung sinabi niya pero narinig ko yon, grabe naman siya nahawakan lang ng konti Napakurap ako. "Po?" "Baka... makuryente ka." At ngumiti siya—pero 'yung tipong pilit ding itinatago ang kung anong totoo. Nag-init ang batok ko. Anong klaseng boss 'to? At bakit gusto ko agad malaman kung bakit parang ayaw niyang mahawakan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD