Chapter Ten

1652 Words
“Ella, halika rito!” Tawag sakin ni Manong Jojo Agad naman akong lumapit para tignan kung bakit niya ako tinatawag. “bakit po Mang Jo” kunot noo kong tanong dito sabay tingin sa katabi nitong binata. Maganda ang tindig nito at firm ang muscles halatang banat ang buto sa buhatan, nakapusod ang buhonk nito na malinis na malinis, ni wala kang makikitang hibla na nakabalandra sa muka. Infairness maganda ang pagka moreno nito, may pagka bumbayin din ang muka, maganda ang tangos ng ilong, ganito ba talaga dito sa rancho, bat ang hot tignan ng moreno. “Magpapaturo raw si Marco sa pag-aalaga ng mga punla,” pasigaw ni Manong Jojo habang naglalakad palapit sa kanila. “Marco?” sabay tingin ko sa binatang katabi nito “Oo, ‘bagong tauhan ni Boss. Galing ‘yon sa kabilang bayan.” “Ah, sige po!” masigla kong sagot kay Manong Jojo tutal wala narin naman akong gagawin bago magtanghalian. This feels good— kahit paano, makakahinga rin ako saglit sa tensyon sa pagitan naming ni Boss Lucian. Kahit hindi ko alam kung ano man ang nagawa ko sa kanya. Kasi nitong mga araw nakaraang araw... parang lagi nalang itong may galit kapag nakikita ako Pag andyan ako, bugnutin. Pag di ko naman pinapansin, parang mas lalo siyang naiirita. Pag nagkatawanan kami ng mga kasamahan, tahimik lang siya — pero titig na titig yung titig na di mo mawari kung pinatatahimik ba nya ako dahil sa dami ng sinasabi ko . Pagdating ko sa nursery, nandoon si Marco, hawak na ang tray. “Good morning, Miss Ella.” Abot tainga naman ang ngiti ni Marco sakin “Uy, good morning! And please, just call me Ella.” Natatawa naman akong hinampas ito ng mahina sa braso dahil sa pagkakatawag nito ng Miss sakin, Hindi kasi bagay Napangiti siya. At dahil sa natural kong pagiging madaldal, hayun — nagturo na ako, kwentuhan dito, turo doon. Pero habang nagtuturo, naramdaman ko nanaman yung tingin na kulang nalang tumagos na sa likod ko. Dun ko lang napansin na may anino sa gilid. Paglingon ko — si Boss Lucian. Nakatayo lang sa may poste. Tahimik. Pero yung mga mata... nagmamasid. Para bang gusto niyang kuhanin yung tray mula kay Marco at siya na lang magturo. Akala siguro nito tinuturuan ko ng kalokohan si Marco. Wala ba siyang bilib sakin, siya kaya ang nag turo sakin nung unang dating ko dito. “Boss, good morning po,” bati ko. Tumango lang siya. Dahan dahan itong lumapit sa kinalalagyan naming habang nakapamulsa ang isang kamay “Looks like you’re busy.” Yung tono ng pananalita niya, halata mong ayaw makipag usap sakin, osige ayan na si Marco sayo na, pero kidding aside mas madami siyang trabaho kaya hindi siya dapat pagala gala. At himala ng mga himala! Alam mo yung OA na salita ganun yon imajinin mo nalang. Siya ang unang bumati, nakainom bai to ng expired n agatas kaninang umaga at heto nakikichismis samin dalawa ni Marco, oh eto na nga sige na ikaw na magturo, akala siguro nito puro kapalpakan din ang ituro ko. Nagpatuloy kami ni Marco. Medyo malapit siya sa akin kasi pinapakita ko kung paano ihulog ng tama yung mga buto. Bigla nalang nagsalita si Boss — malalim ang boses. “Marco, don’t you have fencing work scheduled today?” Napatingin si Marco. “Uh... ang alam ko po mamaya pang hapon iyon uumpisahan—” naaalerto naman si Marco dahil sa sinabi nito, napaisip ng malalim tungkol sa sinabi ni Lucian kung namali ba sya ng pagkakaalala sa mga oras ng gagawing trabaho. “Now.” Malamig pero baritono, nasa boses ni Lucian na dapat sumunod ito sa kanya at Yung tingin ni Boss? Matatalo ang init ng araw. Kung si Marco eh papel sunog na sya kanina pa. Napakamot si Marco ng ulo dahil alam niyang wala na siyang magagawa kung hindi ang tumayo at sumunod s utos. Boss yan no choice “Ah, sige po Boss. Sige Ella Mamaya nalang...” Nginitian ko lang ito sabay tapik sa braso. “sige sige mamaya nalang.” “there will be no later for you” mahinang bulong ni Boss habang nakatingin sa likod ni Marco na papalayo at papunta sa dulo ng rancho. At narinig ko yun hah, kahit mukang ayaw niyang iparinig narinig ko.. ano siya nagseselos….. opss assuming Ella stoppppp….. Nahampas ko nanaman ang bibig ko dahil nag uumpisa nanaman ito sa pag iisip ng kung ano anong mga walang kwentang bagay. Pagkaalis ni Marco, tumayo ako, nilapitan si Boss. “mauna narin po ako” yumuko pako ng konti at ngumiti ng kimi, lalayas nadin ako kasi baka pati ako ay inglisin pa nito, ang napansin ko lang dito ay kapag bahagyang umiinit ang ulo ay nag eenglish, kumbaga doon nya nilalabas ang inis nya, ohh baka feeling ko lang. “Ella” napahinto ako sa pag lalakad nang marinig ko ang malalim na boses nito, saglit kong napigil ang pag hinga dahil sa pag lakas ng kabog ng dib dib ko, iba talaga ang epekto ni Lucian sa buong pagkatao ko. Yung tipong pag sinabi nyang upo! Uupo ako, pag sinabi nyang hubad ay wala pang isang salita maghuhubad. Kidding aside, there’s something in him that makes my system shiver, na parang laging may paro parong umiikot sa tyan ko. “teaching Marco is not your job, sasabihan ko si Mang Jojo na iba na ang utusan, you have other job to do” it was firm, the way he commanded it means I need to follow with no but’s. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko dahil sa paraan ng pag kakautos nya, “yes boss masusunod” nagkunwari akong natatawa dahil wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod dahil sya ang nag papasweldo sakin. Yung mga katagang yon ang palagi nalang may kurot sa puso, bakit nasasaktan ako sa tuwing papasok sa isip ko na boss ko sya at hanggang dun lang? Inayos ko nalang ang mga tray ng punla dahil umalis na si Marco ako nalang muna mag isa ang mag aayos, dahil si Manong Jojo na ang mag tuturo dito mamaya, para narin maiba ang usapan at maalis doon ang atensyon ko. Pero dahil hindin ko alam kung bakit ba minalas malasan ka sa tuwing nanjan si Lucian. Ayun at nadulas nanaman ako habang hawak ang tray ng mga punla, kung hindi ka ba naman palaging minamalas ay lagi nalang natatapat ang aksidente mo kay Lucian, hindi ba pwedeng maaksidente ng wala ito. Yung sya lang mag isa para kahit nakakahiyaa eh walang makakakita. “Ahh!” Bigla akong sumayad pababa, muntik na akong mapaupo sa lupa — pero isang bisig ulit ang sumalo sa bewang ko. Mainit. Matigas. Mahigpit. Si Lucian. “Careful!” halata ang gulat sa tinig nito, at yung inis syempre nandoon parin ang init ng hininga nya ay dumantay sa leeg ko, at ramdam na ramdam ko ang bawat pag hinga nya, bolta boltaheng kuryente ang kumalat mulo doon pababa hanggang sad ulo ng mga daliri ko sa paa. Hindi na ito katulad ng mga boltahe ng kuryente na nararamdaman ko sa tuwing hindi inaasahan na mag kakadikit ang mga balat namin Ramdam ko yung pagkapit niya sa akin — hindi kagaya ng mga nauna. Mas mahigpit. may takot. Nag angat ako ng tingin inaasahan ko na ang angil nito at panenermon yung galit na pagsasabihan ako na hindi nanaman ako nag iingat. Hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa, nakatitig ito sakin Those Deep dark brown eyes na para kang inaakit sa tuwing titig iyon ng derecho sayo. Its speaks a lot of emotion that I cannot explain. Pero halata ang pag tangis ng panga niya. Halata rin na nagpipigil ito sa kung ano man ang gusting sabihin “Boss...” mahina kong sambit. Binitiwan niya ako bigla, parang nanginig ang mga daliri. Tinalikuran ako. “Go back to the house. Take a break.” “Ha? Pero may mga gagawin pakong trabaho—” “I said... go.” Mababa ang boses niya — steady, pero ramdam mong pinipigilan ang sarili. Umalis ako, pero paglingon ko — nakita ko siyang nakatayo pa rin doon, hawak ang railing ng nursery, nakapikit, na parang pigil na pigil na hindi ko maintindihan. May nagawa nanaman akong kasalanan. Mukhang alam ko na kung bakit lagi siyang irritable sa tuwing nakikita ako. --------------------- Sa loob ng bahay, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. “Manang Dalia...” “O?” “Si Boss... okay lang ba siya?” napahawak nalang ako sa likod ng ulo ko Ngumisi si Manang. “Bakit? Ano nanaman ang ginawa mo?” “Kasi parang lagi nalang siyang nakasinghal sakin, hindi ko naman kasalanan yung mga aksidenteng nangyari, papaalisin na ba niya ko?.” Bakas ang pag aalala sa mukha ko at sa boses ko, hindi ko rin kasi maalis ang mag isip na baka mawalan ako ng trabaho dahil narin sa mga hindi ko inaasahang mga pagkakamali. “Hmm. Hindi naman siguro yon ang dahilan Ella, baka mag iniisip lang si Sir Lucian o baka may pinag dadaanan, pero hindi ka papaalisin niyan dito, kilalang kilala ko na ang bata nayan simula nung maliit pa, hindi niya maatim na paalisin ka dito.” Tumingin si Manang sa akin, nakangiti at base sa mga binitawang salita nito ay kilalang kilala nito ang binata. “may mga pagkakataon lang talaga na kapag may naramdaman silang iba, sila ang kauna unahang nag papanic at namomoblema.” Huh may nararamdaman siya iba? Napakagat ako sa labi. Napahawak nalang ako sa laylayan ng damit ko Paano nalang ako? And what if... I’m starting to feel something too? Uy hahaha nahahawa kana kaka English ng Boss mo pero is it a good things or a bad thing? Nararamdaman saan saakin ba? O sa iba? Ay ilosyunada si babaita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD