Mahigpit ang hawak ni Ella sa kumot habang hinihila ito upang subukang takpan ang nilalamig na katawan, she was shivering from the cold air coming from the air conditioner.
Aircon? Kalian pa ko nagkaroon ng aircon sa kwarto
Dahan dahan niyang iminulat ang mata at sinuri ang paligid, wala siya sa sarili nyang silid masyado itong magarbo at maskulado.
Sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga pero sakit ng balakang at panginginig ng bunti at hita ang una nyang naramdaman.
And there goes the memory flashing back just like a flash, napahawak siya sa bibig at tinignan ang katawan sa ilalim ng kumot.
“thank god nakadamit naman pala ako!!!! Teka this is not mine! D-damit ng lalaki to” and realization hit her, may nangyari nga talaga sa kanilang dalawa ni Lucian, hindi lang iyon basta panaginip.
It was too intense to be a dream gaga, natampal ko tuloy ang noo ko pero nasaan si Lucian, agad niyang kinapa ang gilid ng higaan kung saan may malaking espasyo at kasyang kasya itong humiga, pero malamig na ito senyales na matagal na itong wala at umalis.
Kumunot ang noo nya dahil doon normal ba na pagkatapos mong makipadigmaan sa babae ay iiwan mo itong nanginginig ang tuhod mag-isa
Pagkasabi nya nuon ay agad niyang sibukang tumayo upang hanapin ito sa banyo na nasa loob lang din ng kwarto ni Lucian, ngunit wala ito doon malinis at tahimik aang buong silid.
Napaisip ng malalim si Ella at napatulala sa sahig, muli siyang lumapit sa gilid ng higaan at dahan dahang naupo.
Ang daming mga bagay ang pumapasok sa isip niya, mga bagay na hindi maganda ang isa isang tumatakbo at nag papasikip ng dib dib nya.
“hindi naman siguro diba Ella” pag kalma niya sa sarili kinukumbinsi nya ang isip na hindi mangyayari yung mga bagay na iniisip nya.
Hindi naman siguro siya iiwan ni Lucian sa kwarto nito mag isa at bibihisan na damit nito kung wala lang yung nang yar isa kanila.
Tinignan nya ang orasan sa gilid ng kama
“2:30” ganon sila katagal sa loob ng kwarto ni Lucian umaga nung nagawa nila ang mga bagay na yumanig sa higaang ito at sa pagod ay nakatulog siya.
Agad niyang kinuha ang damit na nakatupi ng maayos sa sofa, napangiti sya sa isiping iniayos at pinalitan ni Lucian ang mga damit niya dahil ito rin naman ang sumira noon.
Baka nasal abas lang ito at nagtatrabaho, napatango tango lang sya at naghahadaling nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili.
Pasimple syang sumilip sa labas ng pintuan upang makita kung may tao bas a paligid mahirap na at baka may makakita sa kanyang galling sa loob ng kwarto ng may-ari ng bahay.
Habang pababa ng hagdan ay lumalakas ang kabog ng dibdib niya, ano nalang kaya ang sasabihin niya kapag nagkita sila ni Lucian at ano kaya ang sasabihin nito.
Na one night stand lang yon, natawa sa hangin at nailing iling pa si Ella “hindi naman siguro ganon si Lucian”
Pero deep inside ay kabado na siya ng bente ay hindi isang daan siguro, dahil baka nga itaboy siya nito dahil sa nangyari sa kanila.
Pero hindi naman siguro baka—baka lang naman --- malay mo Ella --- sabihin niyang crush ka nya talaga at gigil na gigil na sayo kaya hindi nakapag pigil malay mo tanungin ka kung pwede kang maging girlfriend diba.
“oh Ella okay kana ba?” bakas ang pagaalala mula sa mukha ni Manang Dalia ng makita si Ella na pumasok ng kusina.
“po” bigla atang na blanko si Ella sa bungad na bati ni Manang “okay po?” balik na tanong nya patay malisya ba kunyari ay hindi nya alam ang sinasabi nito
Tumaas naman ang dalawang kilay ni Manang Dalia kasabay ng pag kunot nito ng noo, nagpunas pa ito ng kamay sa suot na apron at dali daling nilapitan si Ella na kumukuha ng tubig mula sa ref.
Hinawakan nito ang noo ni Ella na parang tinatantya kung maiinit ba sya “oh buti naman at hindi kana mainit, ang sabi kasi sa akin ni Lucian ay may sakit ka daw kaya huwag na kitang hanapin”
Napapikit ata ng ilang beses si Ella sa sinabi ni Manang kasabay ng pagkasamid nito sa tubig.
“po? Ako may sakit?” sabay turo sa sarili habang pinupunasan ang bibig
“oo, bakit wala ba? Kanina pa kasi kita hinanapa dahil hindi kapa bumababa mula umaga, kaya si Marco muna ang gumawa ng mga Gawain mo ngayong araw, ala una na ng makita ko si Lucian dahil kakatukin ko narin dapat sa kwarto at hindi pa bumababa para kumain”
Nasamid nanaman ata si tubig si Ella dahil sa sinabi ni Manang Dalia, kaya lumapit na ito para tapik tapikin ito sa likod
“po?” na itulak nalang ni Manang si Ella ng mahina
“kanina ka pa po ng po ikaw bay nabibingi na Ella abay kabata bata mo pa”
“hala at kumain kana ipinag tira kita ng ulam nagsaing narin ako ng bagong kanin dahil hindi magandang kumain ng lamig ang may sakit” mando nito sabay tulak sa dalaga para umupo.
Hindi naman makapaniwala si Ella sa mga nangyayari, dahil ang ipinalusot pal ani Lucian ay may sakit siya at huwag na munang abalahin, buti nalang at hindi ito natuloy sa pag punta sa kwarto ni Lucian kung nag kataon ay bakaw ala na siyang mukang maiharap kay Manang.
Ibinaba naman ni Manang ang ulam at kanin sa ibabaw ng lamesa, na nag pakulo ng tiyan ni Ella tamang tama kaya siguro siya nagising ay dahil sa gutom.
“thank you Manang” halos manuot sa lalamunan ni Ella ang sarap ng sabaw sa luto ni Manang
“si Lu—si Boss pala manang? Parang hindi ko ata siya natatanaw?” pasimpling tanong ni Ella habang kumakain, habang nangingiti naman si Manang dahil ito ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Ella mula kanina na puro Po lang ang sinasabi.
“nag hahadaling umalis kanina nung nakasalubong ko, ang sabi ay may pupuntahan lang” parang nabunutan ata ng tinik sa dibdib si Ella dahil sa mga salitang sinabi na iyon ni Manang dahil hindi naman pala siya basta basta iniwan ni Lucian sa kwarto baka may kinailangan itong puntahan at dahil natutulog pa sya ay hindi na siya ginising pa.
Lumipas ang oras at dumating ang gabi, hindi parin bumabalik si Lucian natapos n ani Ella yung mga hindi natapos ni Marco na Gawain nya, pinipigil man siya ni Manang ay ginawa parin nya dahil alam niyang mababaliw lang siya kakaisip kapag wala siyang ginawa, ang problema ay sumapit na ang gabi pero hindi parin ito umuuwi
Kapag umuwi bai to at nagkita sila ano ba ang una niyang sasabihin? Ano na ba ang status niya dito? Ang tanong kaya ba niyang itanong yon?
Alas dies na at pinapapak na siya ng lamok sa veranda pero kahit anino ni Lucian ay wala.
Dumating ang umaga pero dilat parin si Ella hindi siya nakatulog at nag paikot ikot lang sa higaan niya, magdamag niyang iniisip kung ano ba ang sasabihin niya kay Lucian, syempre inihanda rin niya ang mga bagay na maari nitong sabihin sa kanya.
Katulad ng palagi na niyang ginagawa ay nag ligpit siya ng higaan, naghilamos at nagbihis, lumabas sya at dumerecho sa kusina nag babaka sakaling baka nanduon na si Lucian at nagtitimpla ng kape.
“magandang umaga Ella ang aga mo ahh” bati ni Manong Jolo sa kanya na nakaupo sa b****a ng pinto papunta sa likod silong.
Ang nakangiti niyang muka ay unti unting nabahiran ng pagkadismaya, dahil wala doon ang hinahanap niya, ang lalaking magdamag tumatakbo sa isip nya.
“magandang umaga po” bagsak ang balikat niyang bati dito habang naglalakad patungo sa lalagyan ng mga kape at asukal.
Minabuti ni Ella na magtrabaho nalang muna sa bukid upang maiwasan na pumasok sa isip niya si Lucian, tumulong siya pag aalis ng mga damo at halamang ligaw sa mga pananim, nagpaligo din siya at naglinis ng kulungan ng mga baboy.
Tanghali na noon at taggaktak narin ang pawis niya ng marinig nya ang pagbukas ng malaking gate tatlong magagarang sasakyan ang pumasok kabilang na doon ang sasakyan ni Lucian isang Land Cruiser na ginagamit nito sa pag hakot ng mga gamit sa rancho.
Tanaw na tanaw niya mula sa malayo ang mga kalalakihang nag sibabaan mula sa mga sasakyan, mukha itong may mga lahing banyaga dahil sa matitikas na pangangatawan at sa nagtatasan nitong height.
Saglit na nagawi ang tingin ni Lucian sa direksyon niya na ikinatalon ata ng puso nya mula sa loob ng dib dib niya.
Pero….
Saglit lang iyon na parang dinaan lang siya
Hindi ito ngumiti
Hindi tumango
Hindi manlang huminto
Parang wala itong Nakita.
Pero baka lang dahil may mga kasama itong bisita, kaya hindi siya nito pinansin?....
Tumahimik ang paligid ni Ella nagging blanko ang isip nya na parang hindi na ito gumagana ng tama.