Chapter 1
"Jodi!!!!! Matulog ka na nga gabing gabi na gawa ka pa ng gawa hayaan mo naman na kami ni inay ang gumawa niyan bukas. Kagagaling mo lang sa sakit pano pag nabinat ka ano bang gusto mong mangyari dyan sa patpat mong katawan ha!!! Aba'y naabuso ka na bunso ah. Naiinis na talaga ako sayo.. Hmmmp! "
"Ate Jade naman kakaunti naman tong hinuhugasan kong plato para naman bukas maalwan na kayo ni inay pag bubukas ng karinderya natin. Ito nalang nga maitutulong ko nagagalit ka.."
"Paano namang hindi magagalit inaabuso mo ang katawan mo pagod, puyat at malimit na nalilipasan ng pag kain. Aba'y nag aalala lang naman kami para sayo bunso, sana naman maintindihan mo mahirap mag kasakit ngayon baka di ka na namin mailabas sa ospital ikaw din?."
"Sige na ate, tatapusin ko lang ito kakaunti nalang naman eh promise mag papahinga na ako after this. "
"Sige ha sumunod kana sa itaas at pag nakita ka ni inay malalagot ka talaga don bahala kang makurot sa singit hahahaha... "
"Sige na te akyat kana susunod ako."
Simpleng buhay ang kinalakihan at kinasanayan ng mag kapatid na Anna Jade at Jodi Ann, kasama ang ina, lola, lolo at ang kambal na pamangkin na sina Jaden Andrew at Jadelyn Andrea mga anak sila ni Jade sa pagka dalaga.
Maganda, matangkad, matalino at sexy si Jade maaga siyang umibig sa isang mayamang lalaki handa siyang panagutan nito ngunit ng malaman ng pamilya nito na isa lamang siyang mahirap ay pinag hiwalay sila nito at inilayo na si Andy ang ama ng mga anak ni Jade. Balita niya ay dinala na ito sa Amerika at doon pinag tapos ng kurso nitong pag do-doktor. Si Jade naman sa kahirapan ng buhay ay di natapos ang kurso niyang nursing bagamat isang sem nalang ay di narin niya naisipan pang ituloy ang pag aaral dahil ginugol niya ang buhay niya sa pag aalaga sa mga anak at pag tulong sa kanyang ina upang sila ay mabuhay.
Patuloy naman sa pag aaral si Jodi ngunit sa ka samaang palad ay napahinto din ito nitong nakaraang semestre dahil naoperahan sa puso. At dahil sa laki ng nagastos nila ay halos mamulubi sila ngayon dahil pati bahay at lupa nila ay nakasanla. Maliit na karinderya ang ikinabububay nila sa ngayon at ang pag titinda ni Jade ng kakanin sa kanilang barangay.
Mabilis na lumipas ang mga araw ganap ng maayos ang kalagayan ni Jodi at nag pasya na itong ituloy ang pag aaral niya sapagkat iisang semestre narin naman ito at gagraduate na siya bilang isang guro sa highschool.
"Anak kailan mo balak na mag enroll? "
"Nay, sa makalawa po sana. Kasi po ay kulang pa ang aking ipon baka madadagdagan pa bukas sa pag titinda sa bayan aagahan ko nalamang po. "
"Sige anak basta huwag kang masyadong mag papagod ha. At higit sa lahat ay uminom ka parati ng gamot at maraming tubig"
"Opo nay! Wag kayong mag alala at malakas pa ako sa kalabaw" at nginitian niya ng ubod ng tamis ang ina niyang mahal na mahal niya. Napakabait at mapag mahal ni aling Jasmine, sa kabila ng edad nito ay mababakas parin ang kagandahang taglay nito nuong kabataan. Isang Filipino Chinese ang asawa nito, tatay nina Jade at Jodi ngunit dahil sa hindi rin sila mayaman tulad ng angkan nito ay napilitan itong humiwalay sa tatay nila dahil nalaman nito na kaya pala ayaw silang payagang mag pakasal ng mga magulang nito ay ipinag kasundo na sa isang kasosyo sa negosyo ang kanilang ama. Dalawang taong gulang si Jade noon at nasa sinapupunan pa lamang naman Jodi.
Kapag naaalala ni Jodi ang mga kuwentong pag-ibig ng kanyang inay at ate natatakot na siyang mag mahal. Dahil baka tulad ng mga ito ay mapahiwalay din lamang siya kung mag mamahal siya.
Itinanim na niya sa isip niya ang ang mahirap ay para lamang sa mahirap kailanman ay di puwedeng ipares sa mayaman. dahil kung mangyayari yun ay nasisigurado niyang walang patutunguhan matutupad lamang sa kayang ate at inay.
Muli silang bumalik sa Quezon mula sa Maynila at doon ay namuhay ng tahimik sa tulong ng ama at ina ni aling Jasmine ang lolo at lola nina Jade at Jodi. Maganda ang naging daloy ng pamumuhay nila kahit na sila sila lamang basta nag tutulungan ay nagagawa nilang posible ang mga bagay na imposible.
Nag umpisa silang mag hirap ng nasa grade 3 na si Jodi dahil natuklasan nila na may sakit ito sa puso na kailangan ng agarang operasyon para malunasan. Wala na silang malapitan ng panahon na iyon. At dahil doon ay nag pasya na lamang silang isanla ang lupa at bahay nila. Maging ang mga alaga nilang hayop ay napa benta narin ngunit di parin yun sasapat sa kulang kulang isang million na kakailanganin.
Wala silang nagawa kundi ang isanla kina Don Felipe ang titolo ng lupat bahay nila. At ngayon ay tila handa na sila sa paniningil.
"Pano ba 'yan tatang Jhun konting panahon nalang at magiging asawa ko na ang apo mo hahahahahaha.. pero huwag kang mag alala tatang dahil mukhang mag eenjoy naman ako sa apo mo kaya naman pinapangako ko sa iyo na pasasayahin ko din siya. hahahahaa. "
"Felix huwag kang pakakasiguro na makukuha mo sa amin ang apo ko! dahil di kami makapapayag na sirain mo ang buhay niya gagawa kami ng paraan, kahit mag benta ng lamang loob namin huwag lamang ang mapunta sainyo ang apo ko dahil baka pati kaluluwa namin ay manangis! " gigil na gigil na saad ni Lolo Jhun, bagama't wala siyang maisip na paraan ay pinatitibay niya ang kanyang kalooban upang lumaban kahit sa salita lamang.
Masayang masaya naman si Jodi habang pauwe sa kanilang bahay mula sa paaralan. nakapag enroll na siya at di na mabilang ang mga gawaing nais niyang umpisahan. "alam kong ito na ang umpisa ng mga pangarap ko para sa ating pamilya, makakaahon din tayo! " bulong niya sa sarili.
Samantalang sa bahay ay puno na ng pag-aalala ang kanyang ina at kapatid dahil sa ikinuwento ni lolo Jhun na muling nanggaling doon si Felix para ipaala ala ang kondisyon ng mga ito. Matipuno, guwapo at mayaman sina Felix kaisa isang anak na lalaki ito ni Don Felipe at bunso pa kung kaya naman laht ng naisin nito ay ibinibigay ng pag aalin langan ng Don. Noon paman ay may gusto na ito kay Jodi, kaya nga ng isanla nila ang lupa at bahay nila para sa operasyon sa puso ni Jodi ay di nag alin langn ang mga ito kahit na kung susumahin ay napakalaki ng hala na nahiram nila dito at hindi naaayon sa presyo ng kanilang lumang lumang bahay at di kalakihang lupa. Hindi man lamang sumagibsa isipan nina lolo Jhun na may kapalit ang lahat sapagka't ang tanging napag kasunduan nila ay buwan buwan babayad sila ng interes. Ngunit ngaun ay ginigipit sila ng mga ito sa kagustuhang makuha at mapangasawa ni Felix ang kanyang apo.
"anong gagawin natin papang, mamang?" tanong ni aling Jasmine habang nananangis.
walang patid naman ang tulo ng luha ni Jade dahil naaawa siya sa kapatid. kilalang halang ang kaluluwa ng pamilya nina Don Felipe ika nga ng iba ay walang sinasanto.
"iisang linggo na inay wala prin tayong naiisip na paraan! " tanging nasambit ni Jade sa pagitan ng pag luha.
"Sa palagay ko ay dapat ng malaman ni Jodi ang lahat ng ito upang maging handa siya" anas ni lola Zeny.
"mamang? anong ibig nyong sabihin ... papayag ba tayo sa ganito nalang ?"
"pero Zeny anak wala na tayong magagawa kaya aminin na natin sa ating mga sarili na wala na talaga... ayaw man natin ay magagawa nila ang gusto nila! "
"hindi lola! !!! hindi ako makapapayag na mag ka ganito ang buhay ng kapatid ko. ...hindi lola hindi maaari! " at dalian ng tumakbo sa kanilang silid si Jade, dito ay nag isip siya ng mga paraan.
"Inay! lola, lolo! ate! !! nasan naba kayo narito na po ako" masaya at walang ka muwang muwang na sigaw ni Jodi habang papasok ng bahay.
daliang nag kanya kanyang gawa naman ang matatanda at nag kunwaring walang naganap. Samantala. ...sa silid kung nasaan si Jade ay may nabubuo ng plano. kung papaano niya maisasalba ang kapatid.
"Anak nariyan ka na pala mabuti pa ay mag bihis kana at mag hahapunan na tayo dali na, pasok na sa kuwarto mo at kuwentohan mo kami nina lolo at lola mo sa mga naganap sa iyo nitong mag hapon ha. "
"opo nay! "
Sabay sabay silang nag hapunan ng gabing iyon mapapansin ang pag kailangan na para bang ayaw na nilang mag salita at tingnan ang bawa't isa. tila ba hirap na hirap silang lunukin ang bawat pag kain na ipapasok sa bibig nila. tanging si Jodi lamang ang masayang nag kukuwento. Tuwang-tuwa ito at plano ng plano para sa kanilang kinabukasan.
"ate patulugin mo na ang kambal ako na bahala dito. " sabi ni Jodi habang hawak niya ang mga pinag kainang plato.
"Sige pero pa katapos mo diyan ay pumasok kana sa silis natin ha at ng makapag pahinga ka masyado ka ng pagod mag hapon baka mabinat ka alam mo naman bawal kang ma pagod diba?. "
"okay ate sige...."
"nak! punta narin ako sa silid ko at maaga pa kami bukas ni mamang. Si papang naman ay kailangan pang mag ayos sa ibaba. matulog ka ng maaga ha. "
" opo nay goodnight po" at humalik na siya sa pingi ng ng kaniyang ina. naiwan siyang mag isa sa kusina at nag liligpit ng mga kinainan. walang pag sidlan ng saya sa kanyang kalooban habang iniisip ang mga mangyayari sa kanya sa pag dating ng tamang panahon, at yun ay pag ganap na siyang guro.