ISA
"PUTANGINA NYO BIBITAWAN NYO KO O BABAKLASIN KO ISA ISA MGA BUTO NYO" i cursed silently ng may sumipa sa tyan ko,tinitigan ko ng masama ang lalaking sumipa sa akin nakita kong humithit ito ng sigarilyo bago ibuga sa akin mariin akong napapikit ng maamoy ang usok ng sigarilyo lumapit ang kanyang mukha sa akin at ilang dangkal na lamang ang aming pagitan
Dinuruan ko ito sa mukha kaya bahagyang lumayo ito sa akin,ngumisi naman ako sa kanya ng makita ang galit na galit nyang mukha
"tanginamo jimenez kapag ako nakawala dito papasabugin ko yang mukha mo " mariing kong usal sa kanya
Rinig sa buong silid ang halakhalak ni jimenez
"Akala mo matatakot mo ako sa mga salita mo miñadre" dahan dahan itong lumapit papunta sa akin at sinusubukan ko namang magpumiglas sa mga lalaking may hawak sa akin
Hinawakan ni jimenez ang panga ko pagkatapos ay malakas akong sinampal tumabingi bahagya ang aking ulo at nalasahan ang sariling dugo
"Dahil sayo kaya namatay ang pinakamamamahal mong kaibigan hindi ba" sumilay ang ngisi sa kanyang mukha tinignan ko ito ng masama ngunit nanghihina ako dahil sa kanyang sinabi kung hindi dahil sa akin ay sana buhay pa ngayon si midred
"oh miñadre bakit hindi ka makapagsalita" nanlilisik ang aking matang tumingin sa kanya,kaya ako pumunta dito para maipaghigante si midred
Dahan dahang nagdilim ang paningin ko sa huli nyang sinabi
"Mabuti na lamang ay niligpit ko iyong kaibigan mong lampa sa sobrang hina hindi manlang ako nadaplisan non ang hina pa sumuntok" demonyong tumawa si jimenez at hindi ko yon nagustuhan
Sinipa ko ang tagiliran ni jimenez kaya nahulog ang baril na nasa bewang nya,kinagat ko ang braso ng nakahawak sa akin narinig ko itong humiyaw sa sakin kaya naman lumayo ito sa akin habang hawak hawak ang braso humarap naman ako sa kanan kung saan may nakahawak pa saking isa sinipa ko ito kaya nabitawan ako nito
Nakita ko si jimenez na hawak hawak ang baril na nalaglag kaganina dahil sa pagsipa ko nakatutok iyon sa akin ngunit hindi ako nagpakita na kahit na ano mang reaksyon
Lahat ng kanyang mga alalay ay napabagsak ko na at iyong iba naman ay tumakbo dahan dahan akong lumakad papunta kay jimenez
"Huwag kang lalapit kung hindi ipuputok ko sayo to" usal nito sa akin habang nakatapat pa din ang baril sa akin
"iputok mo" malamig kong usal sa kanya
Napatigil sya bigla ng bigla ko syang ibinato ng kutsilyo at natamaan ang kanyang kamay na dumudugo ngayon at nabitawan ang baril na hawak
naglakad ako papalapit sa kanya at pinulot ang baril dahan dahan ko itong tinutok sa kanya
"Kapag bilang kong sampu at hindi ka pa nakakatakbo,papatamaan kita sa dibdib hanggang sa hindi ka na makahinga at dudukutin ko ang iyong puso"ngumisi ako sa kanya ng makita ang takot sa kanyang mata
sapo sapo nya ang kamay nya na natamaan ko ng kutsilyo "Hindi ako natatakot sayo miñadre"
"Isa"
"sinabi ko ba sayong matakot ka sakin jimenez"nakangisi kong usal sa kanya at pinaputukan ang gilid napatalon naman ito sa kinakatayuan
"dalawa"
"magkikita pa tayo miñadre" masama itong tumingin sa akin
"Tatlo"
"well hihintayin ko ang araw na yon" nakangiti kong usal sa kanya at natawa naman ako mahina ng dali dali itong tumakbo papalayo