The Introduction
“Let them be! It’s their loss, what the hell are you trying to do?” I asked.
He raised his eyebrows and sighed deeply. Inayos niya ang upo at matamang tumitig sa laptop na nasa kanyang harapan.
“We need them. Hindi pa tayo tapos sa pag-gamit sa kanila, baka nakakalimutan mo? We need them, especially their assets.” he said seriously. He’s obviously just trying to make a reason para kumalma ako.
To tell you the truth, hindi na namin sila kailangan. Wala na kaming kailangan sa kanila dahil tapos na ang kontratang pinirmahan namin. Pero ang hindi ko ngayon maintindihan kung bakit pinipilit niya pa ring meron.
Tinitigan ko siya ng matagal. Walang nagbabago sa mukha niyang expressionless. Nakatitig ito sa laptop na para bang may bagay roon na nakakuha ng buong attention niya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa desk niya, ganon pa rin ang ayos nito’t para bang hindi naramdaman ang paglapit ko.
Nang tuluyan akong makalapit, agad kong sinilip ang tinitignan niya sa kaniyang laptop at hindi nga ako nagkamali. Hindi na tungkol sa trabaho ang dahilan niya--sa babae na.
“Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong matapos ang kontrata sa kompaniyang iyon?” may galit na sabi ko sabay pabagsak na isinara ang kaniyang laptop.
Masama siyang tumitingin sa aking matapos kong gawin iyon at inis na tumayo. Ginantihan ko ang masamang tingin niya na sinabayan ko ng pag turo ng hintuturo.
“Huwag mong kalimutan ang totoong pakay natin sa pamilyang iyon, Triven. Kapag nalaman kong nagkaroon ka ng romantikong damdamin sa babaeng anak nila, ako mismo ang mag tatakwil sayo sa pamilya natin” may diin ang bawat salitang sabi ko bago siya talikuran.
Narinig ko ang mahinang pagbulong niya ngunit hindi ko na iyon pinansin. Ano man ang sabihin niya ay magiging unreasonable sa akin lahat.
That family almost took everything from our parents. The reason why mom and dad spent their whole lives building this company is because of them. And now, I will do everything to make them pay.
Triven’s POV
I understand where his anger are coming from. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko’t hilot sentidong napapikit. Inaalala ko ang bawat salitang binitawan ni kuya Priven at naiintindiham ko siya. Binuksa ko ang laptop ko’t bumungad na naman sa akin ang picture ng dalagang anak ng mga Ciu. Tinitigan ko ito’t pinagmasdan ng maayos.
“Nagkakamali ka ng iniisip, kuya. Hindi romantic feelings ang nabubuo sa loob ko kundi galit.” mas lalong namumuo ang galit sa kaloob-looban ko dahil sa mga nalaman ko kanina. Wala akong balak sabihin iyon lahat sa ngayon kay kuya Priven dahil alam kong ikakagalit niya rin.
I clenched my fist tightly at galit na sumandal sa swivel chair ko. Everything happened so fast that kuya and I couldn’t do anythinf but watch them took our parents life.
Nabalik ako sa reyalidad ng mag ring ang cellphone ko. Walang tingin-tingin sa caller nang sagutin ko ito.
“Babe! Where are you? I’m so naiinip na here like eugh! It’s so mainit kaya here sa lobby so come pick me up na” boses ng girlfriend ko ang bumungad sa akin.
I rolled my eyes. Wala ng mas nakakainis sa kaartehan ng babaeng ito. Parang mamamatay pag hindi nakaarte sa isang buong araw
I ended the call and went to sleep. Hoping tomorrow might have a miracle.