PROLOGUE : 'Babaguhin ko ang takbo nito lalong-lalo na sayo...'
HER POV (Devianne Villanoeh)
Kasalukuyan kong binabasa itong librong nabili ko kanina. Wala sana akong balak bilhin ang librong ito pero nakuha nito ang atensyon ko nang mapadaan ako sa NBS.
This book is titled "The only one" tss...title palang cringe na pakinggan but since I have nothing to do for the meantime, pagtitiyagaan ko na muna ito. While reading I realized na unti-unting nagiging interesting ang bawat pahina hmm...buying this one is quite worth it. Patuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa lumitaw na ang villain sa story at sunod-sunod pang pangyayari.
FAST FORWARD
"Ang lupit naman" Mapait akong napangiti at naisambit ang mga katagang iyon matapos mabasa ang sinapit ng villain sa kwento.
"Nagmahal kalang naman ngunit bakit kailangan mong maranasan ang ganun kalupit na katapusan..." Napapahid ako ng pisngi ng mapansing tumutulo na pala ang luha ko. May isang butil pa ng luha na pumatak sa gawak kong libro.
"Even a villain deserves a happy ending too, kung may pagkakataon lang ako na maging isnag karakter sa librong ito, babaguhin ko nag takbo nito lalong-lalo na sayo, Ykyll Nyx Xzujiki" Isang pahina nalang at matatapos ko nang basahin ito, ililipat ko na sana sa kabilang pahina nang may tumawag sa telepono.
"Go ahead" I answered in a cold tone
"Agent V25, natuntun na ang pinagtataguan ni Shu Wei, itetext ko sayo ang lugar, papunta na rin kami dun" Ulat nito at agad ding pinutol ang linya.
Aishh ba't ngayon pa? agad kong tiniklop nag libro at sinuksok sa hidden pocket ng suit ko. Hindi ito kalakihan kaya kasya lang.
Lumapit ako sa center table kung saan nakalapag lahat ng gamit ko. Agad kong nilagyan ng bala ang baril ko at sinuksok sa gun holder na nasa tagiliran ko, kinuha ko rin ang couple dagger at sinuksok sa sa hidden pocket na nasa magkabilang hita ko.
Aalis na sana ako ng mahagip ng paningin ko ang hairpin sa gilid ng table, kinuha ko ito at nilagay sa nakatali kong buhok at lumabas na May nagpop up sa phone ko kayachineck ko. It was the location of Shu Wei.
Nasa harap ako ngayon ng lumang building na pinagkukutaan ni Shu Wei. Kahit kailan talaga sakit sa ulo ang isang 'to. Pumasok na ako sa loob. Nakapagtataka lang...wala man lang ni isang bantay sa pasukan. Nagpatuloy lang ako hanggang sa makaabot ako sa ikalawang palapag.
Woshhh...
Mabilis akong napailag ng maramdamang may kung anong papalapit sakin. Isang dagger! kung nagkataon at hindi ko naiwasan yun sapol ako nun. Agad kong kinuka nag baril ko at pinakiramdaman ang paligid. Wala pang ilang segundo ng magsilabasan ang mga lalaking nakaitin. Heh ninja yarn?
hmm tingnan natin kung hanggang saan ang kaya nyong patunayan.
Nagsimula na silang magpaputok kaya umulag ako at nagback-flip papunta sa malapad na pader. Nnag humina na nag pag-atake saka ko lang pinaputukan ang ilan sa kanila. Agad din nila akong pinaulanan ng bala.
Sige lang sayangin nyo ng mabuti ang mga bala nyo tss...
3..2..1 tinanggal ko ang cap ko at hinagis ito sa kabilang bahagi at gaya ng inaasahan. Habang nandoon ang atensyon nila ay ginamit ko ang pagkakataong iyon para malagasan sila isa-isa.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako mula sa pinagtataguan ko ng may bala na tumama isang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Anak ng pating! mabilis akong bumalik sa pinagtataguan ko at pinakiramdaman ang paligid. Kung iisiping mabuti, ayun sa lakas ng pagtama nito ay nasa di kalayuan lamang ang tumira nun. Napatingin naman ako sa drum na nasa tabi ko, mabilis ko itong sinipa sa ere at tumalon kasabay nito upang makalipat sa kabilang bahagi. Nagpaputok din ito papunta sa direksiyon ko.
Isang sniper! at nanggaling sa taas ang mga tira nya ngunit kailangan kong malaman ang kinaroroonan nya. Napangisi naman ako nang makita ang piraso ng basag na salamin. Pinulot ko iyon at dahan-dahang inilabas at inikot sa magkabilang bahagi para makita ang nasa taas.
Gotcha! nandyan ka lang pala, kaya pala ganun kalakas ang bagsak ng bala niya dahil nasa ikatlong palapag lang sya at base sa salaming ito masasabi kong ang kinaroroonan niya ay masyadong bukas para sa aking bala, patay ka ngayon...
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at mabilis na iniwasan ang mga bala nya. Sampung bala na ang naitira nya, oras na para maglagay ulit sya ng panibago kaya inasinta ko ang baril ko sa pwesto nya. Nanlaki ang mga mata ko ng...Anak ng! wala na akong bala, napatingin ako sa gawi ng sniper tapos na syang magreload ng bala.
Mabilis akong napailag ng magpaputok ito. Nalintikan na! agad kong hinugot ang dagger at tinarget ito sa direksiyon nya.
"Ackk...–*Bogshh*" Mula sa ikatlong palapag ay bumagsak ito sa harapan ko.
Nabaling ang tingin ko sa ibaba nang magsilabasan ang napakaraming armadong lalaki kasabay din nun ang pagdating ng back up agents ko. Di nako nag-abala pa at umakyat na sa taas. Siguradong nandoon sya. Pagkarating kp sa ikatlong palapag ay walang tao,maliban sa ingay na nanggagaling sa putikan ng baril sa baba ay wala na akong ibang naririnig.
Nakapagtataka naman...
Umakyat pa ako sa ikaapat na palapag ngunit gaya nang sa ikatlong palapag wala ring tao rito. Naglakad-lakad pa ako ng may lumipad na dagger papunta sa direksiyon ko. Walang hirap ko itong sinalo at binalik sa pinanggalingan nitp kasabay nun ang paglabasan ng mga lalaking nakaninja suit at lahat sila may hawak na katana.
Langhiya!..agad kong hinugot ang isa pang dagger sa kabilang hita ko at iniwasan ang katanang papunta sakin at sinaksak ang may-ari nun. Halos sabay silang sumugod kaya tudo iwas lang ako at nang makatyempo ay saka ko sila isa-isang ginilitan ng leeg.
Hingal akong napatingin sa mga nagkalat nilang walang buhay na katawan. Ho! pinagpawisan ako dun ah...
"Ackk..." Dahan dahan akong napatingin sa tagiliran ko kung saan nakabaon ang isang double blade katana. Masyado akong naging kampante samga kalaban ko.
Malamig na tingin ang ipinukol ko sa may-ari ng katana, pansin ko amg panginginig nya at akmang lalayo na sya sakin ng hawakan ko ang ulo nya at ginilitan sya ng leeg,di pa'ko nakuntento at pinagsasaksakpa ang dibdib nya.
"Ahh" Napadaing ako ng kumirot ang sugat ko, napatingin ako ron at nakitang nakabaon pa rin pala ang katana. Shia! hinawakan ko ito at hinugot mula sa tagiliran ko. Anak ng p*tanginang pating yawa! napatingin ulit ako sa patay na katawan ng nakasaksak sakin. Sa sobrang inis ko ay pinagsisipa ko ang katawan nya. Langhiya ka! kahit patay kana papatayin ulit talaga kita grrr!
Kakaakyat ko lang dito sa ikalimang palapag, siguradong nandito lang sya.
"Hi devi, it's nice to finally meet you... again" Gulat akong napalingon sa likuran ko
"Wei..." Mula sa kinatatayuan nya at nakita ko itong ngumiti
Ibinalik ko sa malamig na tingin ang mga mata ko at walang emosyon na rumingin sa kanya.
"Shu Wei sumuko kana, wala kanang takas ngayon" Sambit ko habang dahan dahang naglakad papunta sa kinaroroonan nya. Naalerto ako ng maglabas sya ng katana, napahigpit naman ang hawak ko sa katanang hawak ko.
"Devi, alam mo ba? sobrang namiss kita" Habang itinututok ang katana nya sakin
"Wala akong pakialam" Malamig kong tugon. Huh! I'm such a good liar, I docare and I really miss him too but what can I do? wereon the opposite sides, Kuya...
I should not involve my personal feelings in this profession.
"Ganun ba? Kalungkot naman" Mahinang turan nya habang nakayuko
Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla syang nag-angat ng tingin at inayos ang pagkakahawak sa katana at sumugod papunta sa direksiyon ko.
Kahit pa may pinagsamahan kami ay di ako magdadalawang-isip na labanan sya, lalo na pag buhay ko ang pinag-uusapan.
TO BE CONTINUED...
PS: This story is an original work of imagination. Any resemblance in real world settings are just coincidence.