"Shunjiro! Pagsisisihan mo ang pagtakas mo! Lagot ka kapag nahuli kita!" Dali-dali akong lumabas ng basement. Hindi siya pwedeng makatakas! Kailangang makita ko siya. Kahit na ano'ng mangyari, hindi ko siya hahayaang makabalik sa pamilya niya! Kaagad kong ginalugad ng tingin ang paligid. Nilibot ko ang bakuran ngunit wala siya. Nasaan na kaya ang damuhong iyon? Sigurado akong hindi pa siya nakakalayo! "WAAAAH! ARAAAAY! ARAY KUUU!" Sigaw iyon ni Shun! Bigla na lang akong kinabahan. Sa klase ng sigaw niya para siyang nasasaktan—no. Para na siyang mamamatay! Naløko na! Baka natuklaw na 'yon ng ahas. Wala pa naman akong anti-venom. Simulan ko na sigurong maghukay. Kapag natigi ang Nagamori na iyon ay mapipilitan akong ilibing siya sa likod ng bahay dahil hindi ko siya pwedeng ibyahe at

