bc

His Dangerous Seduction

book_age18+
504
FOLLOW
5.8K
READ
billionaire
HE
curse
mafia
heir/heiress
bxg
mystery
lucky dog
witty
campus
surrender
like
intro-logo
Blurb

Is it wrong to seduce a dangerous person? Ah, ganito pala dapat... Is it dangerous to seduce the wrong person?

Si Shunjiro Nagamori ay isang sikat na racer at isa sa naitalang pinakabatang bilyonaryo ng taon. Sa kasikatan at karangyaan na kanyang tinatamasa, naisip niyang lahat ng babae ay lalapit nang kusa sa isang ngiti lang niya. Until he meets HER—Ariadna Guerrero. Ang misteryoso at mapanganib na kahalili ng pinakakinatatakutan na organisasyon. He wants to buy Ariadna's body for his desire and he is confident that he can get her into bed with charm and money but what he doesn't know is that she can also knock him out with her brain and bullets.

Mapapaamo kaya ni Shun si Ariadna sa kanyang karisma at pang-aakit, gayong ang gusto lang ng babae sa kanya ay ang maibaon siya sa lupa nang buhay?

chap-preview
Free preview
Simula
rated ‼️ SPG ? ⚠️ Mature content. (Contains sensitive themes, language, violence, s*x, drugs not suitable for-very young and innocent minds) ⬇️⬇️ DISCLAIMER=> Lahat po ng tauhan at pangyayari sa kwento ay kathang-isip lamang. Wala silang anumang uri ng koneksyon sa totoong buhay. Anumang pagkakahawig sa totoong taong buhay o patay ay nagkataon lamang. *** *** "IT'S THE ROOKIE OF THE YEAR SHUNJIRO NAGAMORI! WOAH! THE CROWD CAN'T BELIEVE IT! WHAT A WRECK! AN EIGHTEEN YEAR OLD SHUNJIRO NAGAMORI SURPASSES REIGNING CHAMP DIMITRI PAVLOVA! WINNING A FORMULA ONE WORLD CHAMPIONSHIP GRAND PRIX! UNBELIEVABLE! Maingay ang buong grandstand dahil sa pagkakapanalo ko sa championship ng F1 car racing sa Singapore Grand Prix! Dikit ang labanan namin ng reigning champ ngunit pagdating sa dulo, biglang naungusan ko ito, bagay na hindi inaasahan ng lahat. Sa huli ay nakuha ko ang titulo bilang bagong kampeon ng taon. Yeah! *** "WOOOHOOH!!!" Pagod ako sa buong buwan na pag-eensayo para sa araw na ito. Gusto ko sanang magpahinga pero 'langhiya! Pagbukas ko ng pinto ng aking silid sa hotel ay biglang nagsiritan ang alak sa mukha ko. "Woohoo! Congrats Shunjiro Nagamori!" Napapikit ako sabay harang ng aking kamay. Kahit anon ilag ay hindi nila ako tinantanan. "Tangina! Tama na! Lasing na ang mga kilay ko!" "Congrats! Halimaw ka talaga pagdating sa racing, Shunjiro!" Pinagtulungan nilang guluhin ang makapal at malambot kong buhok. "What de pek, men! Nawawala angas ko sa inyo!" "'Di ka pwedeng mag-angas sa main, bunso! Mga senior mo kami." "Yeah, whatever, grandpaps." Pinagtulungan nila akong sakalin. "We are so proud of you, bunso!" And I appreciate them for having my back. Sila ang nariyan kapag wala ang mga kaibigan ko sa TABS para suportahan ako. "Inuman na!" Nagtungo kami sa lounge bar ng hotel kasama ang buong team at mga kapwa ko Pinoy racers upang ipagdiwang ang aking tagumpay. Nakipag-inuman ako saglit. Tamang kargada ng alak lang pagkatapos ay bumalik na ako sa room ko, nag-shower at nahiga na sa malapad at malambot na kama. Yeah, this is my life. Happy go lucky, laki sa layaw at sunod sa agos ng buhay. People think I'm trouble-free since I always seem happy. But truth is... may malaking bahagi ng puso ko ang missing. At sa likod no'n, nakatago ang aking kalungkutan. Papikit na ako nang biglang tumawag si Hiro, one of my friends and ka-brod sa TABS frat upang batiin ako. Hindi sila nakasama dahil may kaniya-kaniya silang pinagdadaanan ngayon sa pamilya. "Kumusta na diyan?" mayamaya'y tanong ko. "Ilang linggo ka lang nawala, may bago na namang kaso si Dimples." Nandilat ang mga mata ko kasabay ng pagkabura ng ngiti sa aking mga labi. Ang tinutukoy ni Hiro ay ang babaeng lihim kong minamahal. Nakakulong ito ngayon dahil napagbintangan ito sa pagtangkang pagpatay sa mga magulang ng pinsan ko. Pero naniniwala akong inosente ito. Kailangan lang mahuli ang tunay na salarin. *** KAAGAD akong lumipad patungong Pilipinas. Tuluy-tuloy pala ang hearing sa korte ng kaso ni Dimples. Pambihira! Parang winasak ang puso ko nang makita ang sitwasyon niya sa kulungan. Buntis pa naman siya sa pinsan ko at bilog na ang tiyan. I wished I could hug her. Gusto ko siyang tulungan pero kapag ginawa ko 'yon, siguradong itatakwil ako ng Lolo ko at ng aking buong pamilya. Pamilya kasi namin ang kalaban ni Dimples. Ok lang naman kung itakwil ako ng pamilya ko, that's no big deal to me. Pero ibang usapin pagdating kay Lolo. Hindi na ako lumapit kay Dim pagkatapos ng paglilitis. Hindi ko kaya. I felt so useless! Mahal ko siya pero hindi klan lang siya magawang ipagtanggol. I'm such a coward! Dumiretso na agad ako sa naka-park kong sasakyan. Sumakay ako pero nakatulala lang ng ilang minuto at iniisip ang luhaang mukha kanina ng babaeng minamahal ko. Ang sakit sa dibdib putcha! Wala man lang akong magawa to help her get out of that f*****g situation! "Don't worry, I won't harm my twin again," isang pamilyar na boses ang naulinigan ko na umagaw ng aking pansin. Kaagad kong hinanap ang pinanggalingan no'n. Nanlaki ang mga mata ko nang makita malapit sa parking space ang kaibigan kong si Renzi na may kausap na nerd girl. 'Yung girl ay makapal at kulot ang buhok, may malaking salamin at malaking nunal malapit sa ilong. 'Tangina Renzi! Sino ang babaeng 'yan?!' sa isip ko. Pigil ko ang sarili na mapasugod para makiusyuso. "Kahit anong mangyari, gusto ko lang ipangako mo sa akin na aalagaan mo siya. Dalhin ninyo si Dimples sa resort ng dad mo sa Cebu, Renzi. Keep her there while I continue pretending to be her." Ang babaeng kausap ni Renzi ay ang babae kanina na nakita ko sa sulok ng courtroom. Hindi na ako nakatiis. Maingat akong bumaba ng kotse at nakayukong nagtungo sa isang naka-park na sasakyan malapit sa kinatatayuan nila. Mukhang seryoso ang pag-uusap nila kaya hindi na nila ako napansin. "Ano na naman ang pinaplano mo? Pwede bang tumigil ka na sa pananakit ng iba? Si Dimples ang napagbibintangan!" mariin na sambit ni Renzi. Patuloy akong nakikinig sa kanilang pag-uusap. Ipinanganak kasi akong tsismoso kaya hindi ako aalis dito hangga't wala akong nakukuhang sapat na tsismis—este! Impormasyon pala. Nabanggit nila si Dimples kaya malamang ay may kinalaman ang babaeng iyan sa mga nangyayaring krimen. Pero hindi ko yata matanggap na pati si Renzi na pinagkakatiwalaan ni Dim ay kasabwat din! Nang makita kong umalis na ang babae sakay ng taxi ay nagmadali rin akong sumakay sa dala kong kotse. Hindi ko inalis ang paningin sa sinusundan kong taxi dahil malakas ang kutob ko na ang babaeng iyon ang magiging sagot sa lahat ng katanungan sa isip naming lahat. Ang babaeng iyon ang magiging daan para malinis ang pangalan ni Dimples! Teka saan ba patungo ang babaeng 'yon? Malayo na kami sa syudad, ah! Medyo kinabahan na ako pero patuloy pa rin ang pagbuntot ko sa babae hanggang sa huminto ang taxi na lulan nito sa isang bahay na napapagitnaan ng mga bakanteng lote. Sa isang makitid na daan ay lumiko ako para ikubli ang kotse sa mga talahiban. Hindi rin naman ako nito napansin dahil medyo malayo ang distansya ko. Nagmatyag ako. Nang makaalis na ang taxi ay saka naman ako bumaba sa sasakyan ko at gumapang sa mga damuhan. Parang sundalo lang na nasa misyon! Exciting pero nakakatakot! Tangina! Kinabahan ako! Ginalugad ko ang buong paligid. Sobrang creepy dahil tahimik iyon at walang katao-tao. Pwede akong mapatay rito at mabulok nang walang makakaalam! Teka, ayoko pang mamatay! Hindi pa ako nakakatikim ng mani! Alerto agad ako matapos makita ang babae na pumasok sa kinakalawang na gate. Pagapang akong lumapit at dahan-dahan na umakyat sa konkretong bakod na napapalibutan ang itaas ng barbed wire. Mahigpit akong kumapit doon at sumilip sa loob pero madaming dahon ng puno ang nakaharang. Ang yabong! Sagabal sa eyes! Nahirapan akong masundan ng tingin ang babae kaya bumaba na lang ako at lumipat ng pwesto saka muling dumungaw sa bakod. Hinanap ko ang babae. Bigla na lang kasing nawala sa paningin ko. "Nasaan na ba ang babaeng iyon? Hanep lang! May sa alitaptap, ah! Bigla-biglang naglalaho!" bulong ko sa sarili. "Ako ba'ng hinahanap mo?" Nanigas ang batok ko sa gulat. Nahuli niya ako! I'm so dead, meeen! Pero babae lang siya! Hindi niya ako kakayanin. Kung tutuusin, kayang-kaya ko siyang patuwarin. Ehem! That style is my dream position. Pipihit na sana ako paharap pero biglang may tumusok sa leeg ko. Isang malaking karayom! Nanlaki ang mga mata ko sabay dakma sa kamay ng babae. "Tangina! Ano 'yon?!" Ngumisi ang babae. "Shunjiro Nagamori... Welcome to my world!" Nanigas ako sa gulat matapos niyang tanggalin ang kaniyang makapal na buhok, salamin at nunal. Lumantad ang tunay niyang mukha. "P-paanong..." No! It can't be! "D-Dimples?!" "Surprised, Mr. Famous?" "No! Y-you're not Dimples..." Unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng in-inject niya sa akin. Nangalay ang buong katawan ko at nanlabo ang paningin ko. "W-who the f-f**k are...are—" Bumagsak ako sa harapan ng babae. In my blurry vision, nakita kong lumuhod siya sa tabi ko saka marahan na hinaplos ang aking pisngi. Nanlalabo man ang paningin ko pero malinaw pa rin ang aking pang-amoy. Ang bango niya putcha! "Ako si Ariadna Guerrero, ang taong uubos sa lahi ninyo." "Fff...fuck you... Pag ako nakawala... papalunnnok ko sa 'yo... tam...ud k...o..." "In your dreams, Nagamori." Aray kuu! Sinipa niya betlog kuuu! *** (Warning: dark romance, humor and high-stakes action ahead. Recommended for readers seeking a thrilling, unconventional ride)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook