UNO Ariadna Guerrero

2385 Words
Ariadna Guerrero... Who the hell is she?! *** Eight years ago... (Ariadna/Apple's POV) "QUÉ DIABLOS, ARIADNA?!" Napaigtad ako sa biglang pagsigaw ni Papa. Paglingon ko sa pinto ay sumalubong sa akin ang isang container na ibinato niya. Tumama ito sa dibdib ko. Napakislot ako sa sakit habang sinusundan ng tingin ang pagbagsak ng container sa sahig. Bumukas iyon at gumulong ang puso ng tao mula roon. "You wasted a lot of money! Alam mo bang mahalagang tao ang nag-order niyan?! Pero hindi mo iningatan! Punyeta!" Bumagsak ako sa sahig matapos tamaan ng kaniyang malakas na sampal. Dumapo ang kamay ko sa pusong ako mismo ang nagtanggal mula sa katawan ng lalaking naging bihag ni Papa. Ito ang trabaho ko. Sa ganito niya ako sinanay at pinalaki. * My father is a leader of a drug syndicate in Mexico. Pinapatakbo niya ang isang organisasyong gumagawa ng kahindik-hindik na krimen. Makapangyarihan siya, mayaman ngunit walang katapusan ang pagiging ganid sa pera. Siya ang pasimuno ng bentahan ng internal organ sa black market. Hawak din niya ang pinakamalaking planta ng illegal drugs sa bansa at ako ang ginagamit niya para mapalago ang kaniyang negosyo. This is the reason why my mom kept me and my twin away from our father. I was three years old when he abducted me, matapos malaman na isa akong henyo. At sa araw na iyon, nagsimula ang bangungot ko. I am only ten, sa halip na maglaro at mag-aral sa magandang eskwelahan, nasadlak ako sa ganitong trabaho. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kinuha niya ang latigong nakasukbit sa likod niya. Ang dibdib kong kumikirot pa rin dahil sa pagkakatama ng container ay kumakabog ngayon nang malakas. Sasaktan na naman niya ako! Para akong maluluha nang makitang inangat niya ang kaniyang kamay at nakahanda nang pumalo. Napalingiw ako sabay pikit ngunit nagulat ako matapos maramdaman ang mainit na katawang biglang yumakap sa akin. "Joaquín! Tonto estupido! Aléjate de ella!" (Lumayo ka sa kaniya!) sigaw ni Papa. Ngunit imbes na makinig ay lalo pa akong niyakap nang mahigpit ni Joaquin, ang ampon ni Papa na natagpuan niya sa Quiapo, Manila noong labing isang taon pa lang ito. Palaboy at tinutugunan ang kumakalam na sikmura sa pamamagitan ng pagnanakaw. "Gusto mong madamay?!" Tuluyan nang sumabog si papa at walang habas niya kaming hinahataw. Sinalo ni Joaquin ang lahat ng panglalatigo ni Papa. Iniharang nito ang sarili para protektahan ako. Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha nito dahil sa sakit. Matangkad si Joaquin ngunit payat ang pangangatawan sa edad na labingpito. Pero sapat na iyon para mabalot ang katawan ko. "Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit mo ako ipinagtatanggol kahit na alam mong madadamay ka sa galit ni Papa?" tanong ko pagkatapos ng lahat. Kasalukuyan kong ginagamot ang sariwang sugat at latay niya sa likod at braso gawa ng panglalatigo ni papa. Nginitian lang ako ni Joaquin at hinaplos ang aking buhok. "Mi manzana, siempre estoy aquí para protegerte." (My apple, Nandito lang ako lagi para protektahan ka.) Ang sarap sa tainga ng mga sinabi niya pero hanggang saan ang kaya niya para protektahan ako? Isang araw ay nagising na lang ako mula sa bangungot. Nandiri ako bigla sa sarili kong mga kamay dahil sa iba't ibang dugo na bumahid dito. Inuusig ako ng konsensya ko at ginugulo ang isip ko ng mukha ng mga taong tinanggalan ko noon ng internal organs habang humihinga pa. "I don't want this. I don't want to be part of this anymore! Gusto ko na ng normal na buhay!" I thought of running away from Papa. Lumakas ang loob ko matapos malaman na patuloy ang paghahanap sa akin nina mama. Pitong taon na ang lumipas pero hindi pa rin pala siya sumusuko. Tumakas ako sa mansion at bumalik sa dati naming bahay na hanggang sa mga oras na iyon ay tanda ko pa rin ang lugar. Ngunit wala na roon si Mama. Ang sabi ng kapitbahay, umalis na raw ang mama ko at bumalik sa Pilipinas. Ang kakambal ko naman ay namatay sa operasyon noong three pa lang ito, 'yon din ang araw kung kailan pinadukot ako ni Papa. Tinawagan ng dati naming kapitbahay ang matalik na kaibigan ni Mama, si Tito Mateo. Nag-iwan ito noon ng number sa ginang sakaling bumalik ako. Wala pang isang oras ay dumating agad ito para kunin ako. "Nasaan ang mama ko? Gusto ko nang umuwi sa kaniya." Natigilan si Tito Mateo kapagkuwan ay marahan na umiling. "Hindi pwede. Mapapahamak ang mama mo dahil siguradong hahanapin ka ng Papa mo." Pure Spanish si Tito Mateo pero matagal siyang nanirahan sa Pilipinas at doon nag-aral kaya marunong din siya ng parehong Spanish at Filipino na salita. Doon sila nagkakilala ng mama ko at naging matalik na magkaibigan. Siya ang palaging tumutulong sa mama ko. Dinala niya ako sa bahay ng ina niyang namalagi na sa Texas simula noong napatay ang asawa nito. "So she is Rosemarie's other twin children," ani donya Celestina na nasa mahigit animnapu ang edad. "Sí, mama. She will be staying here." Umigtad ang kilay ng ginang. "Cómo se llama?" "Ariadna Guerrero. But I intend to change her name to protect her from her father." "Apple," biglang sabad ko. Napatingin sila sa akin. "My name is Apple." Apple... Dahil ito ang madalas na itawag sa akin ni Joaquin. Ngumiti si Tito Mateo at marahang tumango. "She will be known as Apple Villar Mir." "How about your family? Aren't you going to tell your wife about keeping Rose's daughter?" "No, mama. We will just keep it a secret." *** Two years later... Garnett High, private senior high school in Texas. Ito ang bago kong school. Sa edad na katorse ay na-accelerate ako sa senior high. Ako ang pinakabata sa lahat. Halos lahat din ng schoolmates ko sa eskwelahan na ito ay matatangkad, kaya lalo akong nagmumukhang bata kapag kasama ang mga ito. Nahawi ang mga estudyante na nagkumpulan sa hallway dahil sa pagdaan ng isang grupo ng mga naghahari-harian sa buong Garnett High. Ang mga ito ay kinatatakutan at ang sinumang magkamaling banggain ang mga ito ay tiyak na araw-araw na uuwing luhaan. "Move!" sigaw ng pinaka-siga at pinakamalaking lalaki. Nag-atrasan ang mga estudyanteng katabi ng unang upuan ng first row kung saan ako nakaupo. Kasunod niyon ang pag-alingawngaw ng malakas na paghampas ng lalaking siga sa table ko. "Apple Villar Mir! Kneel to my brother now!" sigaw na naman nito. Sa likod naman nito ay naroon ang kakambal nitong halos hindi pa rin makalakad nang maayos. Kani-kanina lang ay hinarang ako ng kakambal nito sa gate at balak na kutungan. Nang hindi ko pinansin ay pinatid ako nito kaya nadapa ako. Sa galit ko, sinamantala ko ang pagkakataong walang ibang tao saka ko ito sinipa sa gitna ng mga hita nito. Inulit ko ng tatlong beses hanggang sa hindi na ito makatayo at muntik pang himatayin. "I said, kneel or you'll go home with a broken leg!" Tinapunan ko lang ito ng blankong tingin na ikinakunot ng noo nito. "Are you f*****g deaf?!" asik nito sabay tulak sa akin dahilan para mapaatras ang likod ko sa sandalan. Tiningnan ko ito sa mga mata. "Are you?" "What?" "Are you f*****g deaf?" panggagaya ko sa tanong nito. Nagpakawala ito nang nang-uuyam na ngisi sa mga kaibigan saka ito bumaling ulit sa akin sabay dakma sa kwelyo ng uniporme ko. "I'm not deaf, b***h!" "Then why are you shouting? Can't you hear your own voice?" kalmado pa ring tanong ko. Lalong nagtagis ang bagang nito at gigil akong tinulak nang mas malakas kaya nabuwal ang silya. Bumagsak iyon sa sahig kasama ako. Tuwang-tuwa ang mga kasamahan nito sa karahasang ginawa ng kaibigan nila. Napakislot ako sa sakit na naramdaman mula sa balakang ko at mahigpit na napakuyom. Malapit nang mapatid ang pasensya ko! Kung hindi pa dumating ang guro namin sa oras na iyon ay hindi nila ako titigilan. Masyado nila akong minamaliit dahil sa height ko. Asar din sila dahil hindi nila matanggap na sa edad kong katorse ay talo ko ang sino man sa school pagdating sa talino, kahit pa nga ang mga guro. Marami rin ang nayayabangan sa akin dahil sa pagiging tahimik at ilag ko. Well, I don't give a s**t! Wala naman akong ginagawang masama. Nagpapakabait ako at hangga't kaya ay nagtitimpi ako at umiiwas sa gulo. Pinipilit kong huwag silang patulan pero hindi nila ako nilubayan. Patuloy nila akong ginugulo. Lagi nila akong nilalagyan ng gum sa upuan ko, sinasadya nilang buhusan ng soda ang uniform ko at inaabangan ako sa hallway para lang pagtripan at saktan ako nang pisikal. "HAHAHA! LOSER!" "GO BACK TO YOUR COUNTRY, FREAK!" Ang lahat ng iyon ay tiniis ko at inilihim ko kay Tito Mateo. Until one day, hindi na ako nakapagtimpi. "Mula sa araw na ito, hindi ko na hahayaang saktan ako ng sinuman!" Sinundan ko ang isa sa mga bully patungo sa madilim na bahagi ng gusali. Walang katao-tao roon at iyon ang lugar na madalas nitong tambayan upang tumira ng bawal na gamot. "Alone?" Nagulat ang lalaki at naibaba ang hawak na weeds pero nang makilala ako ay napangisi na ito nang makahulugan. "Wanna join me, freak?" Dahan-dahan akong humakbang palapit dito habang isa-isang tinanggal ang butones ng aking blouse. "What are you trying to do, little girl?" "Trynna put you between my legs, baby boy." Nanlaki ang mapupulang mata niya nang tuluyan kong mahubad ang blouse saka siya ngumisi na parang aso. "f*****g boobs!" "Touch 'em," pang-aakit ko pa. Para siyang gutom na halimaw na bigla na lamang sumugod at dinakma ang magkabila kong dibdib na natatakpan ng brallete, saka niya ako itinulak sa pader. Napaungol siya habang pinipisil ang kayamanan ko. "Ughh! So f*****g soft! Ahhh, s**t!" Nagkukumahog niyang pinagapang ang halik sa aking leeg. "You smell nice, baby!" Bumaba ang halik niya sa dibdib ko. Lihim ko namang dinukot ang syringe mula sa bulsa ko at inipit iyon ng aking mga labi. Pagkatapos ay tinuhod ko siya. "Ugh! Fffck!" Napabaluktot siya sa sakit sabay atras. Sinundan ko naman ng paglundag sabay ipit sa leeg niya ng aking mga binti. Bumagsak kami at gumulong pareho sa pavement. Akma siyang babangon pero buong lakas kong pinilipit ang leeg niya sa pagitan ng aking mga hita. Ang isa niyang kamay ay nangangapa sa sahig habang ang isa ay pinipigilan ng mga kamay ko. Niyakap ko iyon saka ko kinuha mula sa bibig ko ang syringe na may kargadang fentanyl at tinanggal ang takip. "How does it feel to be in between my legs, huh?" "Let...g-go! B-b***h!" Pinagsusuntok niya ang mga hita ko ngunit tinitiis ko ang sakit, huwag lang siyang makawala. "You should take my words literally, baby boy!" anas ko saka ko tinusok sa palapulsuhan niya ang karayom at inubos lahat ng laman niyon. Tuloy ang pagpumiglas niya ngunit hindi ko siya binitiwan. After two minutes of struggling nanghina na siya. Ganoon din ako dahil sa pagkaubos ng lakas ko. Tiningnan ko siya na unti-unti nang nag-iba ang kulay. Nang bitiwan ko siya ay paggapang siyang lumayo habang umuubo. Hirap na hirap na siyang huminga. "Wha-what the hell did you...did you d-do to me?!" Pabagsak siyang nahiga ulit. Bumangon ako at pinagmasdan siyang dahan-dahang nalalagutan ng hininga. *** "Isn't that your classmate, Apple?" tanong ni Tito Mateo nang mapanood ang balita sa TV tungkol sa estudyanteng natagpuang patay sa likod ng isang abandonadong building. Ayon sa imbistigasyon, gumamit ito ng sari-saring droga at na-overdose. "Yeah," balewala ko namang sagot at patuloy sa pagkain ng agahan. Tiningnan niya ako nang may pagdududa. Hindi iyon ang una't huling krimen na ginawa ko dahil nasundan pa iyon at nasundan ulit. "Apple!" Pabalyang binuksan ni Tito Mateo ang pinto ng aking silid. "Ikaw ba ang may gawa no'n?" Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Did what?" "Oh come on! Don't play the innocent with me! Ikaw ba ang may gawa ng series na pagpatay sa mga estudyante sa school niyo?!" "No. The drugs did it." "Apple!" Umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuloy ang pagguhit ng mukha ni Mama sa notebook ko. "Damn!" Marahas siyang napahilamos sa kaniyang mukha. "Masyado nang madaming pasaway sa mundo. Kailangan nang bawasan." "What the hell! Paano kung malaman ng mga investigator?" "Don't worry, malinis akong magtrabaho." Muli siyang napamura. "Alam mo bang masama ang ginawa mo?!" "They're drug addicts. Mamamatay na rin naman sila dahil sa bisyo nila kaya inagahan ko na." Napamura siya pagkatapos ay hindi na nagsalita. Pero ramdam kong very disappointed siya. Isa na akong kriminal sa paningin niya at hindi ako bagay sa mundo nila. Isa itong sampal na nagpagising sa akin. Huminto ako sa pagguhit at tahimik na lumuha. Ang lungkot ng buhay ko. Ang dilim. Ang gulo. Gusto ko nang umuwi sa mama ko pero iniwan na niya ako. "Mama, I need you." *** Isang araw, natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng gate ng mansion ni Papa Gerardo. Hindi ko akalaing babalik ako sa kaniya. Hindi ako nababagay sa mundo ni Tito Mateo. Dito ako sa mundo ni Papa nababagay. Kaagad na tumawag ang gwardiya sa radio nito at mayamaya lang ay bumukas ang gate at naroon ang ilan sa mga tauhan ni Papa na sumalubong sa akin, sa pangunguna ng isang matangkad, matikas at gwapong lalaki. Sumikbo ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa malaking ipinagbago nito. "Joaquin!" "Ariadna!" Hindi naitago sa gwapong mukha ni Joaquin ang pagkagulat nang makita ako. Parang gusto niya akong yakapin pero may pag-aalinlangan sa mga mata niya. Kaya nanatili na lamang siyang nakatitig sa akin. "Kumusta?" Biglang namula ang mukha niya. Napalabi siya at dahan-dahang lumapit. "I'm good... Now that you're back." Dinala nila ako sa loob ng bahay. "Haha! Welcome back, mi manzana!" sigaw ni Papa habang pababa sa magarbong hagdan. "Alam kong babalik ka!" Mapait akong ngumiti. "Por supuesto, papá. Because I am Ariadna Guerrero, your daughter and this is where I belong." "Así es, mi manzana." Niyakap ako ni Papa ngunit hindi ko maramdaman ang yakap ng isang amang nagmamahal sa kaniyang anak. "This is your place. You are the dangerous heiress of our organization. Someday, you'll rule the world with that amazing brain of yours in your own dangerous way!" Dangerous heiress. Tama, dahil mapanganib akong tao. Hindi ako nababagay sa lugar ng mahihina. Dito ako nababagay. Ito ako. At ito ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD