DOS operasyon

1673 Words
"Ariadna! May operasyon tayo!" sigaw ni Joaquin mula sa nakabukas na pinto ng aking silid. "About the organization again?" "It's Accardi and the trouble he caused in Papa's underground business." "Another competitor wants to take him down, huh." Tumayo ako at mabilis na dinampot ang leather jacket ko na nakasabit sa coat rack. Hindi ko na pinalitan ang rib knit sleeveless at bootcut workout leggings na suot ko dahil mas komportable ako ritong gumalaw-sakaling mapasubo ako sa hand-to-hand combat. Sinuot ko lang ang aking running shoes at kinuha ang iPad sa ibabaw ng aking kama. Pagkatapos ay kalmante akong lumabas ng silid. Napansin ko pa ang mariin na pagtitig ni Joaquin sa akin habang nag-aabang sa labas ng pintuan. "Gumaganda ka yata ngayon, Ariadna." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong pakukuluin na naman niya ang dugo ko. Simula noong bumalik ako sa mansion, four years ago, lagi na lang niya akong binubuwisit. Nagbago na talaga siya. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang pagtrato niya sa akin. Lagi niya akong hinahanapan ng pagkakamali sa tuwing kaming dalawa ang nagkakasama sa misyon. Lagi niya akong sinisigawan at binabato ng nakakairitang salita pero 'pag napapagalitan naman ako ni Papa ay ipinagtatanggol niya ako. Magulo ang ugali niya simula noong bumalik ako. Naisip ko na lang na baka nagalit siya dahil sa sinabi noon ni Papa na ako ang hahalili sa organization namin bilang pinuno instead of him. He thinks of me as his rival. Now that I'm eighteen, ramdam ko ang lalong pagtindi ng tensyon sa pagitan namin ni Joaquin dahil maaring isa sa mga araw na ito ay ia-anuncio na ni Papa ang tungkol sa desisyon nito. At malamang ay hindi niya iyon matatanggap. "Hindi mo ba dala ang favorite rifle mo?" tanong ni Joaquin na sinasabayan ang hakbang ko. "No." "Tss! Masyado kang kampante! You need weapons. Marami pang kalaban ang natitira. Hector said nauubos na ang mga tauhan natin. That's why he called back up. They are all well trained, Ariadna. Ultimo pawns nila magaling tumira! Hindi kita isasama kung 'yang ganda mo lang ang dala-dala mo!" "I have my own weapon that I always carry with me." Matunog siyang ngumisi. "Ano naman 'yon?" Sinulyapan ko siya at nahuli ko ang tsokolate niyang mga mata na pinapasadahan ng tingin ang bitbit kong laptop, pataas sa malulusog kong dibdib. Saka siya ngumisi. "'Yang dibdib mo? Haha!" Mabilis na nag-init ang buong mukha pati bunbunan ko. Huminto ako at buong pagtitimpi ko siyang hinarap. "No. Mi cerebro, pendejo! Something you don't have!" (My brain, asshole!) Ngumisi siya pero kumuyom naman ang mga palad niya sa pagkakapikon. "Muy orgulloso." (Sobrang yabang.) Hindi ko na siya pinatulan. I was in no mood to argue with him. Apart from that, inilalaan ko rin ang aking lakas sa totoong kalaban. *** Agosti Accardi is an Italian mafia boss who for unknown reasons suddenly appeared in Mexico to disrupt our business. Naghalungkat na ako tungkol sa kaniya at ayon sa impormasyong nasagap ko, may kaugnayan siya sa mahigpit na katunggali naming si Fernando na pinuno naman ng Las cuarenta cartel na kilala sa estilo ng pamamaslang ng mga ito sa pamamagitan ng pag-torture at pagsaksak ng apatnapung beses sa mga bihag na kalaban. Matagal na nito gustong patumbahin si Papa at pabagsakin ang organisasyon namin pero sa lawak ng sakop ng aming grupo, lagi itong bigo sa mga plano. Hawak namin ang pinakamalaking bilang ng kapulisan at militar ng bansa. Protektado ang Don ng aming organisasyon at higit na maimpluwensya. Sa dami ng kakompetensya namin at sa dami ng nangarap na mabura si Papa, wala ni isa sa mga ito ang nagtagumpay. No choice na siguro si Fernando kaya naisipan nitong makipagsundo kay Accardi na kilala ring makapangyarihan sa bansang Italy. "What are you doing, Ariadna?" biglang tanong ni Joaquin na sinusulyapan ang nakabukas na laptop na nasa kandungan ko. Magkatabi kami ngayon sa loob ng Lexus van pero may ilang pulgada ang pagitan naming dalawa. Lagi kaming may distansya sa isa't isa na para bang kapag magkadikit ay sasabog kami bigla. "I was attacking Accardi's company in Italy," sagot ko na hindi tumingin sa kaniya. Nanatili ang mga mata ko sa screen habang abala ang mga daliri sa pagtipa sa keyboard. "Ows? Bilis mo namang nakakuha ng access sa kanila. Paano?" "Manghula ka na lang." Pumalatak siya sa sagot ko, halatang naasar. Pinakamalaking kompanya ni Accardi ang pinagdidiskitahan ko na naka-base sa Italy. It's a legacy company na pina-prioritize ni Accardi kaya sigurado akong magkukumahog siya pabalik sa bansa nila once he finds out that his buildings now are collapsing. Pababagsakin ko ang lahat ng pag-aari niya! "Sending viruses in their system?" aniyang kumiling ang ulo para sipatin ang ginagawa ko. "So that's how you attack an enemy, eh? Good luck, señorita arrogante." Denedma ko ang mapang-uyam na tono ng pananalita ni Joaquin at itinuon ang pansin sa screen. Noong pinaimbistigahan ko ang tungkol sa buhay ni Agosti, dinamay ko na pati mga empleyado niya. Isa sa mga empleyado niyang utu-uto at babaero ang naging pinto ko para mapabilis ang pagpasok ko sa territory ni Agosti, sa pamamagitan lamang ng pakikipag-ugnayan ko rito sa dating site. Now I'm crawling inside their system, controlling and infecting it with a virus. Kasalukuyan ko nang minamanipula ang kanilang computers. Sa pamamagitan niyon ay nagawa kong pasukin pati ang linya ng elektrisidad sa mga building na pag-aari ni Accardi. Bumuo ako ng mataas na enerhiya na nagresulta ng short circuit sa kanilang kuryente roon. Nang matapos ko ang ginagawa ay mabilis kong ni-shut down ang aking computer at isinara iyon. Eksaktong nakarating na kami sa rest house ni Agosti kung saan na-korner ito nina Hector na kanang kamay ni Papa. Malawak ang nasasakupan ng private property na iyon. Puro bakante ang katabing mga lote at malayo sa bayan. Kaya walang papansin ng nakabibinging alingawngaw ng putok ng sari-saring armas na rinig sa kalsada. Naunang bumaba ang mga tauhan namin at back up military forces upang sipatin ang paligid at siguraduhing walang kalaban. Bumaba na rin si Joaquin na mahigpit na nakahawak sa kaniyang armalite at sumunod naman ako. Kumunot pa ang noo niya nang makitang cellphone lang ang hawak ko. "Magpapakamatay ka na ba dito?" I hissed at him. "Baka nga mauna ka pa." Narinig ko pa ang pag-ungol niya bago ko siya tinalikuran at kalmadong naglakad. Alerto ang mga militar at mga tauhan namin habang nakatutok na sa iba't ibang direksyon ang armas na hawak ng mga ito. Sinipa ng isa ang nakaawang na gate at buong pag-iingat na sinuri ang loob. Nang masigurong walang kalaban ay suminyas ito sa mga kasama na umabante. Sumunod ako samantalang tahimik naman si Joaquin sa likuran ko. Pagpasok namin sa loob ay bumungad kaagad sa amin ang mga katawang wala nang buhay. Mga tauhan iyon ni papa at ang iba ay mga kalaban. Nag-angat ako ng tingin sa ikalawang palapag ng bahay kung saan maririnig ang palitan ng putok. Naningkit ang mga mata ko nang mamataan sa isang bintana ang balikat ng nakakubling lalaki. Sumisilip ito sa amin at base sa suot nito ay alam ko na agad na hindi namin ito kasamahan. Hindi ito napansin ng mga kasamahan ko kaya walang alam ang mga ito na may nakaamba nang bala para sa amin. Sa muling pagsilip nito ay isinabay na nito ang pagtutok ng hawak nitong rifle sa direksyon namin. Mabilis kong hinatak ang hawak na baril ng isang military na katabi ko at itinutok sa direksyon ng kalaban sabay kalabit ng gatilyo. Umalingawngaw ang malakas na putok na kaagad nagpatumba sa kalaban. Dahil dito ay nakuha namin ang atensyon ng iba pa. Kaagad kaming pinaulanan ng bala ng mga ito. Mabilis na naghiwa-hiwalay ang mga kasamahan namin at nagtago. "Ariadna!" sigaw ni Joaquin sabay hatak sa akin. Kaagad akong sumunod sa kaniya patungo sa garden sa harap ng bahay. Umuko kami sa malaking fountain at nagkubli. "Estás bien?" nag-aalalang tanong ni Joaquin habang ang mga kasamahan namin ay nagsimula nang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban. "Sí. Ok lang ako." "Mi3rda! Bakit kasi hindi ka nagdala ng baril?! Pusa ka ba?! Isa lang buhay mo!" Tiningnan ko siya sa mga mata. "Andiyan ka naman, 'di ba? Tiwala ako sa 'yo." Natigilan siya at mabilis na namula ang makinis niyang mukhang may manipis na balbas. "Pot4ngina. Kinilig ka?" "Manahimik ka!" Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Mula sa likod niya ay binunot niya ang 45 calibre at inabot sa akin. "Gamitin mo 'to. Hindi kita mapoprotektahan sa lahat ng oras. Kapag nagkagipitan, uunahin ko pa rin sarili ko kaysa sa 'yo." Walang salita kong tinanggap ang baril. Sumandal ako sa semento na hanggang ulo namin ang taas at nagsimulang nag-dial sa phone na hawak-hawak ko. "Sino'ng tinatawagan mo?" "Next date ko." Kumunot ang noo niya. Dalawang ring ay sinagot agad ng kabilang linya ang tawag ko. Maririnig ang mabilis na paghinga ni Agosti. "Pronto." "Agosti Accardi, preparati perché venderò tutti i tuoi organi interni." (Humanda ka dahil ibebenta ko lahat ng internal organs mo.) "Chi è questo??!" (Sino 'to?) "Your surgeon, Ariadna Guerrero." "Puttana!" (You b*tch) "You're welcome Accardi. And by the way, your company's buildings have exploded." Nanggagalaiti siya sa galit. Ang mga pagmumura niya sa akin ay humahalo sa nakabibinging putukan. Ibinaba ko na ang phone saka binalingan si Joaquin. Kumunot ang noo ko nang malamang wala na ito sa tabi ko. Ang de puga, iniwan ako nang walang pasabi! Ibinulsa ko ang phone saka ikinasa ang 45 calibre. Inikot ko ang paningin sa paligid. Mukhang wala nang tao sa labas at nasa loob na lahat dahil doon na nanggagaling ang mga putok ng baril na naririnig ko. Naglakad ako nang nakatungo papunta sa terrace ng bahay. Pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa baril habang papalapit sa main door. Bukas ngunit maliit lang ang awang. Tinulak ko iyon ng dahan-dahan habang pinakiramdaman ang paligid. Nang masigurado na walang kalaban, humakbang na ako papasok sabay tutok ng baril sa may unahan nang biglang— "Ugh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD