Tumilapon ang baril ko matapos sipain ang kamay ko ng isang malaking lalaki. Muntik pa akong tamaan nang sundan nito iyon ng mabilis na roundhouse kick. Buti na lang at mabilis akong naka-bend backward.
"I didn't know don Gerardo's daughter was this beautiful." Mula sa likod ng malaking lalaki ay nakatayo ang isang mestisong may saktong pangangatawan na may edad na forty, height is 5'9" and the weight is 90.1 kg.
Nakasuot ito ng grey tuxedo habang naka-all black naman ang isa pang lalaki sa tabi nito.
Umayos ako ng tayo.
"Agosti Accardi. Pleasure to finally meet you."
Sarkastiko siyang ngumisi saka dinilaan ang ibabang labi niya habang pinasadahan ako ng tingin. "Che spreco!" (Sayang naman!)
"Did you know that every person who says that to me is already 6 feet below the ground?"
Tumalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Kill her."
Mabilis na kumilos ang malaking lalaki na umatake sa akin kanina. Bumunot ito ng baril pero kaagad kong sinipa ang kamay nito dahilan para mabitiwan nito ang armas at tumilapon sa malayo.
Sandali itong nagulat at nang makabawi ay humarap ito sa akin nang nagtatagis ang bagang.
"Hhyaah!" Nagpakawala ito ng malakas na sipa na muntik nang tumama sa mukha ko. Umiwas ako at nag-cartwheel patungo sa direksyon kung saan tumilapon ang baril ko. Mabilis kong dinampot iyon at inasinta sa lalaki, saka walang pagdadalawang-isip na kinalabit ang gatilyo ng baril. Sapol ito sa noo at lumikha ng malakas na pagkalabog ang pagbagsak nito sa sahig.
Nang balingan ko ang kinatatayuan ni Agosti ay wala na ito roon kasama ang bodyguard nito.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng armalite mula sa labas ng bahay. Tiningnan ko iyon at nakita ko si Agosti malapit sa sasakyan kasama ang bodyguard niya na nakahandusay na sa pavement.
Sa di kalayuan ay nakatayo si Joaquin at umuusok pa ang dulo ng armas na hawak.
Kaagad akong lumapit.
Tahimik na ang paligid at ang mga kasamahan naming military ay nagbabaan na rin. Mukhang wala nang natira sa mga tauhan ni Agosti.
Nilapitan ko ang katawan ni Agosti at sinuri ang pulso nito.
"Bakit mo pinatay?!" singhal ko kay Joaquin.
"Hindi na rin naman mapapakinabangan 'yan. That man is a smoker, drug and alcohol user, so I'm pretty sure his organs are dirtier than shit."
Hindi na ako nakipagtalo. Natuon ang pansin ko kay Hector na palabas ng bahay at may kausap sa phone. Sa akin ito nakatingin habang tumango-tango sa kausap.
"Sí, Don Gerardo." Nang maibaba nito ang phone ay lumapit ito sa akin. "Señorita, debería ir a casa. (Umuwi ka na.)
"Wala na bang natira?" Umiling ito. Isang Filipino si Hector na nag-migrate lang dito kaya nakakaintindi ito ng Tagalog.
"Mag-prepare ka na raw para sa dinner ninyo with the Carvalhos."
***
PABALYANG isinara ni Joaquin ang pinto ng main door pagkarating namin sa mansion. Dire-diretso siya sa pagpanhik sa hagdan nang walang lingon-likod.
Nanatili naman akong tahimik habang pinanood siyang padabog kung humakbang. Kanina pa siya ganiyan. Kunot ang noo, matulis ang nguso at pinagdadabugan ako. Problema ng loco na 'yon? Mukhang naghahanap na naman ng gulo.
Dumiretso na rin ako sa silid ko at nag-shower. Nag-ayos ako at nagbihis ng one shoulder bodycon cream dress. Sinuklay ko ang mahaba, itim at malambot kong buhok. Hinati ko ito nang naka-side sweep. Nag-hairspray ng kunti at nag-spray rin ng perfume sa katawan para mas attractive. One of the things men like is a woman's good smell and I make sure I not only look elegant but also smell good.
Isinuot ko ang three inches heels sandals, kinuha ko ang maliit na shoulder bag at isinukbit ang señorita na kalibre 22 sa gun belt na nasa aking hita sa ilalim ng aking damit na lampas tuhod ang haba.
Paglabas ko ng silid ay nakatayo na sa hallway si Joaquin, nakasandal sa dingding at nakahalukipkip. Mariin niya akong tinitigan saka siya nagpakawala ng nayayamot na ngisi.
"Papayag ka talagang ipagkasundo sa lalaking hindi mo kilala?"
"Bakit hindi?"
"Tsah! Takot ka bang maubusan ng lalaki? Paano kung sadista 'yon?"
"Tingin mo hindi ko kayang protektahan ang sarili ko?"
Umismid siya at lumapit sa akin. May paghawak pa siyang nalalaman sa balakang ko sabay bulong, "Good luck."
"Thanks," tanging sagot ko na kaagad lumayo sa kaniya. Dire-diretso ako sa pagbaba at hindi na nag-aksaya pa ng panahon na tapunan siya ng tingin.
Naiirita ako sa pangingialam niya. Mahina ba ang tingin niya sa akin? Para namang hindi niya ako kilala.
I am Ariadna Guerrero and no one dares to mess with me!
Alam ko ang ginagawa ko. Ipinagkasundo ako ni Papa sa tagapagmana ng mga Carvalho and I have no objection to that. He can arrange marriage for me with whoever he wants. I do not care. I can handle men and I can also protect myself. Kung pag-ibig lang, wala ako n'on at wala akong balak na maramdaman ang bagay na iyon.
Romantic love is only for weak people. I live not to love but to kill.
Sakay ng aking Lamborghini ay mabilis kong narating ang hotel na pag-aari ni Papa. Kaagad akong sinalubong ng mga tauhan niya sa entrance ng hotel at in-escort-an papunta sa dining room kung saan nakahanda ang formal dinner with the Carvalho.
Isang staff ang nakatayo sa pinto ng room at binuksan nito iyon para sa akin. Pumasok ako at naiwan naman ang mga tauhan sa labas.
"Oh! There she is! Mi hermosa hija!" (My beautiful daughter) proud na sambit ni Papa sabay turo sa akin.
Taas-noo akong lumapit sa bilog na mesang nakahanda, habang ibinabalewala ang nakakatunaw na titig ng mga bisita niyang isang matandang Don at isang mestisong lalaki na sa tantiya ko ay nasa early twenties ang edad.
"Hija, this is Don Afonso, the owner of the largest beverage company in Brazil. And this is his second son, Miguel Carvalho."
Binati ko ang mga ito at nagbigay ng matamis na ngiti habang nakikipagkamay. Ngumiti ang don sa akin at pinuri ako.
"Pleasure to meet you, señorita Ariadna," wika naman ni Miguel. Hinalikan pa nito ang likod ng kamay ko bago nag-ahin ng upuan para sa akin.
"Thank you," tanging sabi ko at umupo na.
Napagitnaan ako nina Papa at ni Miguel. Nasa kanan naman ni Papa si Don Afonso. Matiwasay ang hapunan namin habang pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. And Miguel seems nice. Palangiti ito at laging nakaalalay sa akin. Halos subuan na nga ako. But I know these kinds of men. Nagbabalat-kayo para lang makuha ang loob ng isang babae. At kapag nakuha na ang gusto ay saka naman lalabas ang totoong kulay nito.
Miguel is a handsome man with a light aura. Ngunit sa ngiti pa lang nito, alam mo nang hindi ito makuntento sa isa.
Sumasarap na ang kwentuhan nang bigla na lamang akong napaigtad. May boltaheng bigla na lamang bumulusok sa may balakang ko at kumalat iyon sa buong hita ko.
"Qué pasó, Ariadna?" pagtataka ni Papa. Sasagot na sana ako nang muli akong mapaigtad.
Nakuryente ako! Pero hindi ko alam kung paano!
Napaigtad na naman ako hanggang sa mapatalon na ako sa upuan ko. Bumagsak ako sa sahig. Palakas nang palakas ang boltaheng kumukuryente sa akin at paulit-ulit naman ang pagkaldag at pagkadyot ko! De p*ta! Hindi ko makontrol ang sarili ko dahil pabigla-bigla ang atake ng kuryente sa akin.
Napatayo na sina Papa at naguguluhan na napatingin sa akin.
"Ariadna! What happened to you?!"
Hindi ko makuhang sumagot.
Napahawak ako sa balakang ko at nakapa ko ang isang maliit na bagay na nakadikit sa dress ko. Mi3rda! Isa itong electric shock device na kasing laki ng isang peso coin!
Akma ko itong tatanggalin nang bigla na namang sumabog sa kaugatan ko ang kuryente.
Tuluyan na akong gumulong sa sahig.
'Agh! De p*ta ka, Joaquin! Ito pala ang sadya mo kanina!'
Nasira ang isang dinner etiquette na hinanda ni Papa dahil sa nangyari. Nag-aalburuto ako sa galit na umuwi sa mansion at sinugod sa silid si Joaquin.
Inosente pa siyang sumalubong sa akin na kaagad kong binigyan ng uppercut sa mukha. Napaatras siya sabay sapo sa panga niya.
"Pendejo, Joaquin! Bakit mo ako nilagyan ng electric shock device?!"
Ngumisi siya pagkatapos ay humalakhak. Lalong kumulo ang dugo ko.
"Ganito pala ang pakiramdam ng nakaisa sa isang henyo?"
Minura ko siya. Bago pa ako mawalan ng control at mabaril ko siya ng dala kong señorita calibre ay nagtungo na ako sa silid ko at nagkulong. Makakapatay ako dahil sa sobrang inis!
Kinabukasan ay nalaman ko kay Hector na pinarusahan si Joaquin ni Papa. Hindi dahil nagalit ito na napahiya ako sa dinner with Carvalho kundi dahil nakita ni Miguel ang baril na nakasukbit noon sa gun belt sa hita ko at kinuwestiyon si Papa. Naghinala ang mga ito na may balak kaming masama kaya umurong ang mga ito sa kasunduan nila ni Papa.
Kinagabihan, nagulat na lamang ako nang isang bisita ang dumating sa bahay. Si Samuel Juarez na anak ng jefe de gobierno ng Mexico City.
Nauto na naman ni Joaquin si Papa at sa halip na kay Miguel ako ipakasal, ngayon ay kay Samuel na. Kaya pala ayaw ni Joaquin na makasal ako sa iba dahil may gusto siyang ireto sa akin! Tuwang-tuwa naman si Papa na ebenta ako kung kanino.
Pinatapos lang ni Papa ang taon para paghandaan ang engagement party namin ni Samuel. The night before the said party, nakatanggap ako ng tawag mula sa unknown number galing sa Pilipinas.
"Hello?" sagot ko.
"Apple..."
Kumunot ang noo ko.
"Tito Mateo?"
"Yes."
Malungkot ang boses nito na lalong ikinataka ko.
"Apple, you're mama is dead."
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang bibig ko sa gulat. I was silent for a few seconds. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang masamang balita na narinig ko. My mother is dead!
"Kailangan mong pumunta rito sa Pilipinas. Your twin needs you."
"Que?!" Buhay ang kakambal ko?!