Third POV Kinabukasan, hindi na mapakali si Cassandra. Halos magkapunit-punit na ang mga kuko niya sa kakakagat sa mga ito habang paulit-ulit na sinusubukan tawagan si Hugo. Ngunit tulad ng nakaraang gabi, ang telepono nito ay nananatiling patay. “Nasaan ka na ba, Hugo?!” inis niyang bulong habang pabagsak na inilapag ang cellphone sa mesa. Napagpasyahan niyang puntahan ang mga magulang ni Hugo, sina Tyler at Maddy Montenclaro, sa pag-asang baka alam nila kung nasaan ito. Nagmadali siyang magbihis at sumakay sa kanyang sasakyan. Habang nagmamaneho, dama niya ang tumitinding kaba at takot na baka may masamang nangyari kay Hugo. Pagdating niya sa malaking mansyon ng Montenegro, agad siyang sinalubong ng isang kasambahay. “Si Don Tyler at Doña Maddy po ba?” tanong niya, pilit pinapakalma

