Kinabukasan, tanghaling tapat na nang magising si Hugo. Napabalikwas siya mula sa kama nang mapagtanto niyang maliwanag na sa labas. Mabilis niyang kinuha ang relo sa tabi ng kama at nanlaki ang mga mata nang makita ang oras. "Damn it!" sigaw niya sa sarili, sabay hagis ng unan sa kama. Agad niyang tinawag si Cassandra, na abala sa panonood ng TV sa sala. "Cassandra! Bakit hindi mo ako ginising? May meeting ako kaninang umaga!" galit na sigaw ni Hugo habang pababa ng hagdan. Nagkibit-balikat lang si Cassandra habang iniinom ang kape. "Akala ko gusto mo pang magpahinga. Hindi ko naman alam na importante 'yang meeting mo," sagot niya nang walang pakialam. Lalong nainis si Hugo sa malamig na tugon nito. "Hindi mo alam? Sinabi ko sa'yo kagabi! Napaka-importante ng meeting na 'yon! Now I’m

