Chapter 17

1677 Words

Habang nagmamadaling naglalakad si Melissa papalayo sa mansyon, pilit niyang pinipigilan ang mga luhang gustong pumatak mula sa kanyang mga mata. Ramdam niya ang mabigat na pananakit sa kanyang puso, hindi dahil sa nangyari kay Cassandra kundi dahil sa kawalan ng aksyon ni Hugo. Pagdating niya sa labas ng mansyon, isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap niya. Bumaba si Christian, may halong pag-aalala ang mukha. "Melissa, anong nangyari? Bakit parang umiiyak ka?" Sa halip na sumagot, napayuko si Melissa at pinilit ang sarili na ngumiti. "Wala, Christian. Ayos lang ako." Ngunit halata ang basag sa kanyang boses. Lumapit si Christian at hinawakan siya sa balikat. "Melissa, huwag mong sabihing okay ka kung halatang-halata na hindi. Tara, sumakay ka muna. Huwag mo nang pahirapan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD