Kabanata 26

1714 Words
Rabiah Tahimik ang lahat sa shop nang pumasok si Russia sa loob. Sa itsura pa lang niya alam ko na kaagad na matinding pagtatalo ang nangyari sa pagitan nila ng kapatid niyang si Georgia. "Boyd," seryoso niyang tawag. "Pakisigurado mong makakalabas ng bayan nang ligtas si Georgia. You're the only one who can pacify her right now." Tumango si kuya Boyd. Maya-maya ay dinampot na ang susi ng big bike niya kasama ang jacket at helmet. Sumenyas naman si Russia sa akin na sumama sa kanya sa itaas. He held me by my lower back as we took the stairs. Pag-akyat sa itaas ay saka niya pinakawalan ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib. He sat on the artist chair we used when we first "did" something. Iniakyat niya iyon kinabukasan matapos kong isuko ang sarili ko sa kanya. Katwiran niya ay markado na namin iyon kaya hindi na niya hahayaang maupuan pa ng iba. "Come here, baby," tawag niya. I nodded my head. Naglakad ako palapit sa kanya at hinayaan siyang paupuin ako sa kanyang hita. Yumapos naman sa aking baywang ang mga braso niya habang ang kanyang mukha ay bumaon sa aking balikat. Ramdam ko ang bawat malalim niyang paghinga. Tila pilit na kinokontrol ang sarili dahil napupuno siya ng galit. I swallowed the lump in my throat before I slightly tilted my upper body to face him. Hinaplos ko ang kanyang ulo dahilan upang tingnan niya ako. Payak akong ngumiti. "Pwede kang . . . magkwento, ha? Kapag kaya mo na." Russia's expression softened. Pinakawalan niya ang hangin sa dibdib niya saka niya isinandal ang kanyang baba sa aking balikat. "Israel is missing. Ang tingin nina Georgia, sumama sa kung sinong babaeng natipuhan. Nagpakalayo-layo. Ginaya raw akong tumalikod na sa pamilya." He laughed. A bitter one. "Hanggang sa mga desisyon ba naman ng mga kapatid ko, ako pa rin ang lumalabas na may kasalanan?" Lumamlam ang aking mga mata. "Hindi totoo 'yan, Russia. Lumayo ka sa inyo kasi gusto mong magsimula ng bagong buhay. Malalaki na ang mga kapatid mo. May sarili na rin silang mga desisyon." "I know, baby but sometimes, I think there's too much pressure on being the first child. Parang . . . kailangang ako ang mag-set ng standards kaya kailangan hindi ko unahin ang sarili ko." He scoffed. "They want me to go home and help Rocco. Nagsisi naman na raw siya at hindi na hinahabol si Frey. Kapatid ko pa rin daw kaya dapat patawarin ko." Hinagod ko ng aking palad ang kamay niya. "Pwede ba akong mag-suggest?" He nodded before he planted a kiss on my shoulder. "Yeah. I think I need one right now." Sandali akong lumunok. "Siguro, babe pwede mong ibigay 'yong hinihiling nila na bone marrow transplant kahit . . . hindi ka magpatawad." Bumuntonghininga siya. Ang mukha ay ibinaon sa aking balikat na tila nag-iisip siya. Russia inhaled a sharp breath then forced a smile. "Are you hungry? We can go out and eat somewhere. Isama na lang natin ang mga kapatid mo." I pursed my lips and shook my head. "Busog pa naman ako." Tumango siya. "What about your upcoming exam? Do you need help preparing for that?" Sumagot na lamang ako kahit na alam kong gusto lang talaga niyang ibahin ang usapan. Hinayaan ko na lamang din. Hindi ko na rin muna binanggit ang tungkol sa suhestyon ko sa mga nakalipas na araw. I know he's really stressed out due to his family's request to help Rocco. Idagdag pa iyong naging away nila ng pinakamatalik niyang kapatid. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko rin gustong pakialamanan dahil family matters na iyon, kahit pa awang-awa ako sa kanya dahil kung kailan naman may importanteng event, saka pa siya na-stress nang ganito. "Kanina ka pa tahimik," sita ni Tasya. Dinalaw ko siya sa kanila dahil gusto ko ring mag-isip-isip lalo na at nakabyahe na sina Russia kanina patungong Baguio. I sighed. "Nag-iisip lang." "Kakaalis lang ng jowa mo, 'di ba? Huwag mong sabihing nami-miss mo kaagad ang Hungarian sausage niya?" Uminit ang pisngi ko. "Ikaw talaga, Tasya." Napakamot ako ng sintido. "Nag-iisip kasi ako. Problemado si Russia ngayon at may parte ng puso ko na gusto siyang samahan sa competition kasi alam kong natotorete ang utak niya ngayon." "Eh, akala ko ba may exam ka pa?" salubong ang mga kilay na tanong ni Tasya. "Meron nga." I sighed. "Pero baka pwedeng mag-special test na lang ako. Sasabihin ko na lang na hindi ko talaga kayang pumasok dahil may sakit." "Gaga! Saan ka naman magpapagawa ng med cert niyan kung sakali?" "Bahala na." Muli akong bumuntonghininga. "Gusto ko munang unahin 'tong problema ni Russia. Hindi rin ako makakapag-exam nang maayos kung iisip-isipin ko ang sitwasyon niya." Tasya put her baby down. "Alam mo, friend, hindi naman sa gusto kong panghimasukan 'yang relasyon ninyo pero importante pa ring alam ninyong intindihin ang bawat buhay ninyo. Hindi pwedeng ikumpromiso mo 'yang pag-aaral mo dahil lang tingin mo ay kailangan ka ni Russia sa tabi niya ngayon." Malungkot ko siyang tinitigan. "Pero Tasya, kung usapang sakripisyo, sobrang dami nang nagawa ni Russ para sa akin at sa mga kapatid ko. Ngayon lang ako may magagawa para sa kanya. Baka mamaya isipin no'n, kapag siya na ang nangailangan sa akin, hindi ko naman siya kayang tulungan." Nagpamaywang si Tasya. "Ang tanong, magugustuhan ba ni Russia ang pinaplano mo?" "Hindi ko alam pero bahala na. Ang mahalaga, masamahan ko siya ngayong kailangan niya ako." Bumuntonghininga si Tasya. "Eh mukha namang hindi ka magpapapigil." Nagkamot siya ng ulo. "Sige na, sisilip-silipin ko na lang ang mga kapatid mo kahit hindi mo hilingin." Payak akong ngumiti. "Thank you, Tasya." Nagpaalam na ako sa kanya. Imbes dumiretso sa university ay umuwi ako sa bahay at nag-empake ng ilang pirasong damit. Binilinan ko iyong nakuha kong babysitter na sabihin na lang sa mga kapatid kong bumyahe ako pa-Baguio. Nag-iwan din ako ng perang panggastos na ibibigay kay Jerome. Dala ang backpack na may lamang damit ay sumakay ako ng bus patungong Baguio nang hindi sinasabi kay Russia na darating ako. Alam ko naman kung saan silang hotel tumuloy at kung saan ang venue ng event. Ilang oras din ang naging byahe ko kaya excited akong sumakay ng taxi patungo sa venue. Nagpakilala ako sa staff at nakiusap na tawagin si Russia. Nakangiti pa ako at excited na kumaway sa kanya ngunit nang makita niya ako ay ganoon na lamang ang naging pag-igting ng panga niya. Russia walked the length towards me with a locked jaw and furrowed brows. Malapit na siya sa akin nang lumabas din ng pinto ang isang pamilyar na babaeng nakasuot ng ID para sa participants. She glanced at me and then shook her head. Tila ba kilala niya na ako. Nalunok ko ang sarili kong laway nang mapagtanto kung sino iyon. That's the woman in the photograph. That's Freyja . . . and she looks more beautiful in person. Para akong nanliit. Tiningnan ko ang suot kong jeans at simpleng tee shirt na puti. Kumpara sa suot niya, nagmukha akong basahan. "What are you doing here, Rabiah?" galit ang tonong tanong ni Russia kaya medyo nabigla ako. Muli akong napalunok habang nakatitig sa galit niyang mga mata. "P-Pinuntahan kita kasi . . . nag-aalala ako sa'yo." He sighed. "Baby, you ditched your exam. I told you, I don't wanna be the one to hinder you—" "Pero pwede naman akong mag-special test—" "That's not the point, Rabiah." Dumilim ang ekspresyon niya. "You can't do this. Don't ever do this for me. Hindi ako ang priority mo kun'di 'yang pag-aaral mo." Nanikip ang dibdib ko. "S-Sorry." My eyes felt hot. "G-Gusto lang naman kitang b-bigyan ng m-moral support." Namuo na ang aking mga luha. "S-Sorry. H-Hindi na mauulit. Sorry talaga." Tumalikod na ako't nagpunas ng luha. Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya bago ako hinabol at kinabig. "Sorry. I didn't mean to hurt your feelings." He sighed and cupped my face. "I just don't want you to sacrifice more important things for me. Hindi na ko bata para unahin mo. This is not the kind of relationship that I want from you." I pursed my lips and hugged him. Naiyak ako at paulit-ulit na nag-sorry, takot na baka ayawan na niya ako dahil masyado na akong clingy. "Sorry. Promise, hindi ko na talaga uulitin. Nag-aalala lang talaga ako sa'yo." "It's okay. I'm sorry, too." He pecked a gentle kiss on top of my head. Kahit paano ay gagaan na sana ang dibdib ko ngunit nang tingalain ko siya ay napansin kong nakatingin siya sa direksyong pinuntahan ng ex niya kanina. I felt my heart crushed into pieces when I saw how Freyja looked back at him as if I wasn't here, right between his arms. Isinara ko ang mga mata ko't nagpanggap na hindi iyon napansin. "P-Pwede bang . . . mag-stay na lang ako? T-Tutal . . . nandito na rin naman ako, eh," pakiusap ko kahit sa totoo lang, parang gusto ko na lang mag-stay kasi . . . nandito si Freyja. Russia sighed. "Wala na tayong magagawa. Just promise me that you wouldn't do this again. Ni hindi ka nagsabing darating ka." Tinitigan ko siya habang naninikip ang dibdib ko. Bakit ba big deal na hindi ako nagsabi? Kailangan bang alam niya para hindi ko siya mahuling kausap ang ex niya? I hate my thoughts. I really do, because they hurt me more than his actions. Basag akong ngumiti. "Hindi na mauulit." Russia sighed. Halatang disappointed pa rin nang hawakan na ako sa kamay at hinatak papasok ng convention center. "She's with us. Parte ng team," aniya sa staff. Pinapirma ako sa log book at binigyan ng participant's ID. Nang papasok na kami ay kinausap ako ng papasok na ring si Freyja. "Minimalist category?" she asked casually. Tiningnan ko si Russia. Umiwas naman siya ng tingin kay Freyja saka tumango. "Yeah." Freyja smiled at me as if she doesn't care if Russia is holding my hand right now. "Bata ka pa, ah?" makahulugan niyang sabi bago sumulyap kay Russia. Bumuntonghininga rin saka muling ngumiti. "Good luck. See you at the competition." Napasunod ako sa kanya ng tingin saka ako lumunok. Huwag nilang sabihing . . . pareho kami ng category?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD