bc

VALENTINO SERIES 1: ENSLAVED BY HIS TOUCH

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
dark
family
fated
friends to lovers
sweet
like
intro-logo
Blurb

Rabiah Tamarez has been enslaved all her life-alipin sa mga magulang na dapat ay nagbibigay sa mga pangangailangan niya, sa bulok na paniniwalang dapat siya ang mag-ahon sa mga ito sa kahirapan, at sa pananaw na lahat ng taong may bisyo at tadtad ng tattoo ay masama.

Then came Russia Valentino. The new guy in town with a broken heart who owns a tattoo shop and is trying to start a new life after his failed relationship.

One dreams to taste pleasure, the other finds comfort in pain.

Will Russ manage to free Biah from her burdens? Or he'll end up enslaving her by his touch only to leave her for someone else in the end?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Rabiah "TANGA!" Napasinghap ako nang lumipad ang mabigat na palad ni Mama sa aking pisngi dala ng matinding galit niya. Hindi kaagad ako nakabawi kaya kinuha niya ang pagkakataon para hawakan ang buhok ko malapit sa anit saka siya nanggagalaiting nagpatuloy. "Apo na ni Don Paulo 'yon, hindi mo tinanggap?!" Umismid siya. "Ano ba ang akala mo sa sarili mo, Biah? Hoy! Maswerte ka na ngang nagkagusto 'yong si Dariuz sa'yo! Mayaman 'yon! Bobo!" Napangiwi ako nang pabalang niyang binitiwan ang buhok ko. Natatawa namang nagbulungan ang mga kumare niyang kalaro ng majong. Kaninang umaga pa sila rito. Malaki na rin panigurado ang naipatalo ni Mama ngunit kilala ko siya. Imbes na umuwi at magluto ng hapunan ay siguradong dito na naman siya aabutin ng dilim. "Bakit mo naman kasi itinaboy, Biah? Gwapo naman si Dariuz? Tatakbo pa nga raw 'yon sa pulitika." Ibinuga ni Ninang Joyce ang usok ng kanyang sigarilyo. "Tiba-tiba ka na ro'n." Umismid si Mama. "Eh, bobo 'yan, eh. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang utak niyan at kung bakit nag-aaksaya pa ng oras pumasok sa eskwela hindi naman marunong mag-isip." Inirapan ako ni Mama. "Kapag ikaw nabuntis ng mukhang kriminal na puno ng tattoo tapos tinakbuhan ka, huwag kang iiyak-iyak!" Iniyuko ko na nang tuluyan ang aking ulo. Sanay na ako. Sanay na sanay na akong makarinig ng panlalait at masasakit na salita mula sa sarili kong ina. Pero hindi naman dahil sanay ka na, hindi ka na pwedeng masaktan. "Lumayas ka na nga sa harap ko bago kita sipain! Kaarte, tanga naman!" hindi pa rin matigil na asik ni Mama. Kulang na lang yata ay ingudngod niya ako sa mesa sa sobrang inis niya. "Hoy, Lita. Huwag ka namang masyadong salbahe sa panganay mo. Kapag talo na sa sugal, umuwi na hindi 'yong ibubunton mo sa anak mo ang inis mo," sita ni Ninang Joyce. "Ay, naku Joyce kaya lumalaking sutil 'yang inaanak mo. Kunsintidor ka kasi. Saka anong talo? Hoy! Mas malaki pa ang nakabig ko kaysa sa'yo, ano!" Bumuntonghininga na lamang ako nang sumenyas si Ninang Joyce na iwanan ko na roon si Mama. Minsan naiisip ko tuloy, mas mahal pa ako ni Ninang. Kapag wala akong baon dahil hindi naman suportado ni Mama ang pag-aaral ko, hihingi siya ng bente pesos kay Ninong at kunwari itataya sa jueteng pero ang totoo ay ibibigay sa akin nang hindi naman ako nakatunganga tuwing recess. Kapag naman ganito na ipinapahiya ako ni Mama at hindi na niya matiis, gumagawa na siya ng paraan para agawin ang atensyon ni Mama nang mailigtas ako. Binaybay ko ang makipot na eskinita pauwi sa amin. Nadatnan ko naman sa maliit naming bahay ang pitong taong gulang kong nakababatang kapatid na si Efren. Buhat niya ang bunsong si Lovely na kinakagat na ang daliri sa sobrang gutom. Nasa harap ang dalawa ng kalan kung saan nakasalang ang kaldero. "Efren!" tawag ko. Lumapit ako sa kanya at kinuha si Lovely. "Anong ginagawa mo? Mamaya mapaso ka." "Kukuha ako ng am, ate. Nagugutom na si Lovely, eh," sagot niya. I sighed. "Alisin mo na 'yang headband mo. Mamaya biglang dumating si Papa lagot ka na naman." "Hindi pa uuwi 'yon. Sahod, 'di ba? Sigurado mag-iinom pa 'yon." Kung sabagay. Inilibot ko ang tingin sa maliit naming bahay. "Nasaan si Jerome?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang kapatid kong sumunod sa akin. "Bumili ng noodles at tuyo, ate." Tumango ako bago ko kinuha ang feeding bottle ni Lovely. Kinuha ko rin ang sandok na hawak ni Efren at nagsalin ng am sa bote bago ko iyon inilubog sa tabo na may tubig nang mabilis na lumamig. Hindi naman nagtagal ay bumalik na rin ang kapatid kong si Jerome dala ang binili niya sa tindahan. "Ate, maglalako ka raw ba ng miryenda mamaya?" tanong ni Jerome. "Oo. Sayang naman ang benta. Napadaan ka kina Manang Ging?" "Oo. Pinapasabi na medyo agahan mo raw at may kumukumpitensya sa inyo na taga-kabilang purok." Nagpunas siya ng pawis sa noo. "Ate, daan ka ro'n sa bagong bukas na tattoo shop malapit sa may tindahan ng motor parts. Nasilip ko kanina. Maraming tao. Siguradong gutom ang mga customer doon sa tagal ng session." "Naku, Jerome. Baka mamaya lalo akong malintikan kay Mama. Alam mo naman ang tingin no'n sa mga may tattoo," sagot ko. Umismid si Jerome. "Hindi naman siguro lahat ng may tattoo, masama o kriminal. Bakit 'yong ibang wala namang mantsa sa balat, salbahe?" Sinuklay niya ng mga daliri ang kanyang humahaba nang buhok. "Sinabi mo ba kay Mama kung bakit inayawan mo si kuya Dariuz?" Umiling ako. "Sigurado naman akong hindi siya maniniwala na sinubukan akong hipuan ni Dariuz. Baka masapok lang ako at sabihang sinungaling. Alam mo naman 'yon si Mama." Bumagsak ang mga balikat ni Jerome. "Kapag ako talaga naging pulis? Aalis tayo rito, ate. Pabayaan na natin sina Mama tutal kun'di nagsusugal o nag-iinom, puro rin naman sila away rito sa bahay. Dalawang plato na naman natin ang nabasag." Nanikip ang dibdib ko. Akala ko ako lang ang masama at walang utang na loob na anak nina Mama. Pati pala si Jerome, naiisip din ang gusto kong gawin oras na makatapos ako. Iyon nga lang, halatang mas desidido kaysa sa akin ang kapatid ko. Hindi na lang ako kumibo. Ibinigay ko si Lovely kay Jerome saka ko iniluto ang pananghalian namin. Inuna ko na silang pakainin at iyong natira ang inubos ko. Si Efren na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan nang makaligo na ako't maglalako pa ng miryenda. Gaya ng sabi ni Jerome ay inagahan ko ang pag-iikot kaya lang ay naunahan pa rin ako ng kumakalabang tindera. Padilim na pero halos iilan pa lang ang nababawas sa laman ng basket ko. Masakit na rin ang mga binti ko kalalakad kaya lang kung uuwi naman akong kakarampot ang benta, wala kaming pamasahe ng mga kapatid ko bukas. Lunes na Lunes pa naman. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang handle ng basket habang nakatayo sa may waiting shed. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang sinasabi ni Jerome na bagong tayong tattoo shop. I bit my lower lip while reading the signage in my head. SPIRO TATTOO STUDIO BY RUSSIA VALENTINO Hindi ko iyon napapansin noon dahil kapag naglalako ay halos hindi na ako umaabot sa rotang ito. Mukhang tama si Jerome. Marami-rami ang nakaparadang sasakyan sa labas. Panay rin ang pasok at labas ng mga tao. I sighed before I finally made up my mind. Bahala na. Isinabit ko sa aking braso ang basket saka ako tumawid. Ihinanda ko na rin ang sarili ko bago ko itinulak ang pinto. Most of the people inside turned their heads to look at me. Tumahip naman ang dibdib habang maingat na isinasara ang glass door. "Uhm, m-meryenda po. P-Pwede bang . . . magbenta rito?" nag-aalangan kong tanong. The guy in the counter and was busy pouring ink in a tiny container turned his head. Maya-maya ay nagsalita upang kausapin ang lalakeng nasa dulo at may tina-tattoo-ang magandang babae. "Boss Russia, magtitinda raw si Miss Beautiful ng miryenda!" Pinakatitigan ko ang lalakeng naka-gray muscle tee. His dark strands were on a man bun and his toned arms were covered with tattoos. There were so many elements on his tattoos but what caught my attention the most was the image of a woman on his left arm. Tila naka-traje de boda ang babaeng nakatalikod. May mga basag na salamin ding nakapalibot sa imahe. Hindi ko alam kung natakot ba ako o nagulat noong nilingon niya ako habang nakaupo pa rin sa maliit na stool. All I know is it only took one cold stare for my knees to nearly wobble because of him. Wala sa sariling umawang ang aking mga labi habang nakikipagtitigan sa malamig niyang mga mata. Maya-maya ay tumindig siya't sandaling inilapag ang hawak na pan-tattoo. My heart pounded louder as the guy slowly took his steps towards me. He's tall, probably around six feet with toned body that doesn't look scary. His defined jawline complimented his well-sculpted nose while his inky brows matched his cold pair of brown eyes that reminds me of a comforting cup of coffee in the morning. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. The guy has an intimidating look with a magnetic aura. Tila kidlat na alam mong kaya kang saktan ngunit gusto mo pa ring pagmasdan. Ano bang nangyayari sa akin? His eyes slightly quenched as he assessed me. Tila tinatantya ang edad ko o kung may mabuti ba akong gagawin. Halos nakalimutan ko naman ang huminga nang tumigil siya sa harap ko. I had to look up just so I could stare back at his eyes while my lips remained slightly parted. Humahalimuyak sa aking ilong ang panlalake niyang pabango, ngunit hindi gaya ng kay Dariuz, ang kanya ay hindi masakit sa ilong. Sinilip niya ang bitbit ko habang bahagyang nakakunot ang noo. "Magkano sa lumpiang gulay?" Oh my goodness, iyon na yata ang pinakamagandang boses ng lalakeng narinig ko. Hindi ganoon kalalim at medyo may kalamigan ngunit tila napakasarap pakinggan. Lumunok ako nang ibinalik niya ang kanyang tingin sa aking mga mata. "Uhm . . . t-tatlo b-bente." I held onto my basket a bit tighter. "T-Tatlo bente lang." The guy jerked his head then turned around. "Boyd, bilihan mo lahat ng customer at staff. My treat. Bigyan mo si nene ng isang libo." Napakurap ako't ang mga labi ay umawang habang nakatitig sa likod ng lalakeng ngayon ay bumalik na sa kaninang pwesto niya. N-Nene?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
19.3K
bc

The Baby Clause

read
2.9K
bc

Crazy Over My Stepdad

read
1.1K
bc

Rocking With The Bratva Brat

read
30.2K
bc

The Slave Who Owned The Moon

read
2.1K
bc

Ava

read
2.6K
bc

The Lost Heiress's Glorious Return

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook