Kabanata 2

1629 Words
Rabiah "Seryoso ka ba diyan? Paano kung malintikan ka sa nanay mo? Alam mo naman kung gaano 'yon kagalit sa mga may tattoo," paalala ni Tasya habang hinihele ang bagong panganak niyang bunso. Her eldest is busy doodling on the wall while the middle is on my lap. Kaedaran ko lamang si Tasya. Pareho kaming dise-nuebe pero tatlo na ang anak niya kaya panay ang paalala niya sa aking huwag munang kekerengkeng hangga't maaari dahil hindi raw madali ang pinasok niya. Well, I'm acting as the parent to my siblings. Alam ko ang pakiramdam. Sumimsim ako sa kape. "Hindi na 'yon magrereklamo kung sasabihin kong magtatrabaho ako roon sa shop ni kuya Russia para makabitan ulit kami ng kuryente. Panay pa naman ang reklamo ni Mama na sobrang init." Nakita ko kahapon 'yong hiring post sa shop ni kuya Russia noong dumaan ako para magtinda. Sa tatlong buwang nagbebenta ako roon ay kahit paano nakilala na ako ni kuya Boyd pati ng ibang staff na pumapasok lang kapag masyadong maraming ta-tattoo-an. Tinimbrehan ko na rin si kuya Boyd na balak kong mag-apply. Dahil medyo close na ako sa mga tao roon gawa nang madalas silang bumili sa akin ay sinabi niyang ipaprayoridad niya ang application ko kung sakaling ituloy ko. "Kung sabagay." Nagkamot ng ulo si Tasya. "Eh, ang tanong kaya ba ng oras mo? Baka mamaya magsalubong naman ang oras ng klase mo sa oras ng shift mo sa shop?" "Malapit nang magbakasyon. Two weeks na lang," sagot ko. "Oo nga pala." Bumuntonghininga siya. "Ah, basta mag-iingat ka pa rin. Baka gulpi de gulat na naman ang abutin mo diyan sa nanay mong sugarol. Paano ka magiging female pilot gaya ng pangarap mo kung malumpo ka ng nanay mo?" Hindi na lamang ako nagkumento. Matagal nang mainit ang dugo ni Tasya kay Mama dahil magkababata kami. Nasaksihan niya lahat ng pangmamalatrato ni Mama sa akin. Ilang beses na rin akong pinagbawalang makipagkaibigan sa kanya dahil maaga raw lumandi si Tasya. Inubos ko na ang kape at nagpaalam na aalis na nang magawa ko ang resume ko sa computer shop. Nakipagsiksikan ako sa jeep pauwi bitbit ang napa-print na resume pero imbes na dumiretso na sa bahay ay roon ako sa kanto malapit sa tattoo shop bumaba. I hugged the brown envelope as I peek through the glass wall. Tanaw ko si kuya Russia na salubong ang mga kilay at mariing magkalapat ang mga labi habang abala sa pagtitinta ng balat ng customer niya. Wala sa sarili akong napabuntonghininga. Ang gwapo talaga . . . "Uy, Biah!" Nilingon ko si kuya Boyd na kabababa lamang ng kanyang motorsiklo. "Hello, kuya!" He smirked. "Wala yata ang basket mo ngayon? Mainit pa naman ulo ni Bossing. Kailangan ng lumpiang gulay mo." Nahihiya akong ngumiti. Paborito ni kuya Russia ang tinda kong lumpiang gulay kaya habang mainit pa ay sa shop ako unang naglalako palagi. Kahit kailan din ay hindi siya kumuha ng sukli kaya nagagamit ko ang pera para sa mga kailangan namin ng mga kapatid ko sa eskwela. Although he doesn't talk to me that much, I still found myself developing some silly admiration towards him. Siguro dahil gwapo? Mestizo? Masungit? Hindi ko talaga alam kung bakit. "Galing ako ng school, kuya." I showed the envelope. "Mag-a-apply na sana ako, eh. Baka kasi maunahan." He jerked his head. "Hintayin natin mag-break si Boss. Siya ang titingin sa resume mo." I was about to nod when kuya Russia stormed outside the studio. Hawak niya ang vape niya at lukot na naman ang noo habang titig na titig sa screen ng cellphone niya. Halos lampasan lang kaming dalawa. He dialed someone and put the phone on his ear as he puffed on his vape. The coffee flavor of the smoke lingered in my nose as it went towards our direction. "I don't give a damn if Israel isn't competitive enough to take the position. I have a life here now and there's no way I'll leave my studio just to see that b***h again," dinig kong sabi ni kuya Russia sa kausap. Pinagmasdan ko siyang humigop at bumuga ng usok habang tila stress na stress sa kausap. Ilang mura rin ang lumabas sa bibig niya ngunit imbes na matakot ay parang lalo lang akong nahuhumaling sa kanya. Ano ba talaga ang nakita ko sa lalakeng 'to? He's ten years older than me anyway. Sabi ko noon kung magkakagusto ako sa isang lalake, iyong isa o dalawang taon lang ang tanda dapat sa akin. Maybe Tasya was right when she told me about her partner. Your standards in men will never matter once your heart begins beating for someone. Napasinghap ako nang biglang lumingon si kuya Russia sa aming direksyon. Namula tuloy ako sa hiya nang nahuli niya akong nakatitig. Baka mamaya ay hindi ako tanggapin kasi akala tsismosa ako. Nadinig ko ang pagbuntonghininga niya bago naglakad papalayo na tila ayaw nang iparinig sa akin ang usapan nila ng kausap niya. I held the envelope a little tighter as I watched kuya Russia massage his temple. Napapapikit na siya dala ng inis. Sunod-sunod na rin ang hithit at buga niya ng usok. His jaw even clenched before he sighed while shaking his head. I let out a silent breath. Akala ko dati kapag maraming pera at maganda ang negosyo, hindi na gaanong mamomroblema. Hindi rin pala. Look at him? Para bang pasan niya ngayon ang buong mundo sa tindi ng pagkakalukot ng noo niya. Kuya Boyd clicked his tongue while he's looking at kuya Russia, too. "Magyayaya na naman ng inom 'yan mamaya. Badtrip na naman, eh. Sigurado pinapauwi na naman 'yan ng Maynila." Ibinaling ko ang tingin ko kay kuya Boyd dahil sa narinig. "Taga-Maynila siya? May tattoo shop din sila ro'n?" Umiling siya. "Hindi mahilig sa tattoo ang pamilya niya kaya inis na inis na tadtad siya ng drawing sa balat. Pinapatigil siya sa pagta-tattoo dahil wala raw siyang mapapala rito." He sighed. "Ilang araw na 'yang badtrip dahil hindi talaga tinatantanan ng mga Valentino." Kumunot ang noo ko. "Lagi naman may customer, eh. Mahal pa nga ang kada session, 'di ba? Hindi pa ba sila masaya na higit sampung libo ang kinikita ng shop kada araw?" Sikat ang Ispiro hindi lang dito sa bayan namin dahil bukod sa mahusay naman talagang tattoo artist si kuya Russia, iba rin ang charisma niya sa mga babae. In fact, the majority of their customers come from the female faction. Sigurado akong iyong ibang customer ay siya naman talaga ang pakay at hindi ang art niya. Ngumisi si kuya Boyd. "Big time ang mga Valentino kaya tingin nila kay Boss, nagsasayang ng oras dito." Lalo lamang nagsalubong ang aking mga kilay. "Bakit? Ano ba ang kabuhayan ng pamilya ni kuya Russia at nagagawa pa nilang hamakin ang kinikita niya?" "May-ari sila ng airline. 'Yong V Air Express, sa kanila 'yon." Nanlaki ang mga mata ko. "S-Sa kanila ang V Air?!" Natutop ko ang bibig ko sa sobrang gulat. Sikat na airline iyon hindi lang locally! Kuya Boyd nodded. "Licensed commercial pilot si Bossing at rerelyebo sana sa pwesto ng tatay niya sa pagpapatakbo ng kumpanya nila kaso . . ." He sighed. "Ah, basta. Kung sakaling matanggap ka rito, intindihin mo na lang ang init ng ulo ni Boss. May pinagdadaanan lang 'yan pero mabait 'yan." I looked at kuya Russia's direction again. Hindi naman ako nasisindak sa pagiging masungit niya. Kung tutuusin ay parang lalo nga akong naku-curious sa kanya dahil na rin sa pagiging mailap niya. Ewan ko lang kung magtagal o mas makita ko ang bahagi niyang dapat kong katakutan. Siguro roon mawawala ang pagkahumaling ko sa kanya. "Boss, mag-a-apply daw si Biah na cleaner," ani kuya Boyd nang matapos ang pakikipag-usap ni kuya Russia sa phone. He sighed. Lumapit siya sa amin saka ako tinitigan habang salubong pa rin ang mga kilay. "Biah, I don't support child labor. Mapapasara ang shop ko kung tatanggapin kita." Napasimangot ako. "Hindi na po ako minor. Nineteen na ako. Magti-twenty na nga ako, eh." Lalo yatang nalukot ang noo niya. Parang hindi naniniwala o kaya ay nabigla. "Really?" he asked, sounding doubtful. Tumangu-tango ako. "Pwede po akong magpasa ng birth certificate ko kung kailangan 'yon. Pero ano, k-kuya Russia kasi . . . two weeks pa bago ang tapos ng klase namin sa university. Alas tres naman end ng last period ko. Pwede bang mula alas tres hanggang gabi ako pumasok? Sisiguraduhin ko na lang na malinis ang shop mo tuwing magbubukas ka." Nagtaas ako ng kamay na parang nanunumpa. "Promise, masipag ako." He sighed as he accepted the envelope that I gav him. Binasa niya iyon saka niya ako muling tinanong. "Why do you need the job anyway?" "Naputulan kasi kami ng kuryente noong nakaraang buwan pa. Naaawa na ako sa mga kapatid ko. Inuubo na palagi dahil natutuyuan ng pawis sa likod kapag gabi." Lumunok ako. "Kuya Russia, sige na." Pinakatitigan niya ako ng ilang sandali na tila nag-iisip. Maya-maya ay nagtinginan sila ni kuya Boyd. Kuya Boyd jerked his head as if he's silently convincing kuya Russia to accept me. Bumuntonghininga naman si kuya Russia bago ibinalik ang resume ko sa loob ng envelope. "Fine, but if I will find out that you faked your age, I'm gonna ban you in my shop," banta niya. My lips slightly pouted. Nakita kong napatitig siya sa mga labi ko dahil sa pagtikwas noon. "Hindi na nga ako nene, eh." Umismid siya. He then tapped his hand on top of my head like I'm a puppy. "Can't blame me. You look like you're still wearing baby bras and doesn't know how to cross roads," aniya bago pumasok sa kanyang shop. Lalong tumikwas ang aking mga labi dahil sa pasimple niyang pang-aasar. Grabe naman talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD