Rabiah
"Ate, magtitinda ka ba muna bago pumasok sa tattoo studio?" tanong ni Jerome sa akin habang nagsusuklay ako ng basa pang buhok.
"Hindi, Jerome. Sabi ni kuya Russia pwede kong i-display sa studio ang paninda para may mabili ang mga customer nila habang naghihintay ng schedule." Ngumisi ako. "Ang bait niya, ano? Mataas na nga magpasahod, maintindihin pa."
Lumapit siya sa akin. "Basta, ate 'yong bilin ni Mama sa'yo, ha?"
Tumango na lamang ako. Tapos na ang klase kaya full-time na ako ngayon sa tattoo studio. Hindi na rin umangal si Mama noong inabutan ko ng una kong sinahod kay kuya Russia. Nagbanta lang na kung magkamali ako't mabuntis ng isa sa mga "adik" na customer sa tattoo shop, huwag na raw akong magpapakita sa kanya.
Naglagay ako ng kaunting pulbo saka ko na dinampot ang mumurahin kong sling bag na pinaglalagyan ko ng benta.
"Ikaw na munang bahala kina Efren at Lovely. Iyong iniwan kong isandaan, pagkasyahin mo muna sa pang-ulam mamaya," bilin ko.
"Opo."
Ginulo ko ang buhok niya saka na ako nagpaalam sa dalawa pa naming kapatid. Nilakad ko hanggang kina Manang Ging para kunin ang paninda ko para sa araw na ito.
"Biah, heto lang muna ngayon. Maliit na lang kasi ang naipupuhunan at nagkasakit ang asawa ko," aniya nang maibigay sa akin ang basket.
"Gano'n ho ba? Ayos lang ho."
Malungkot niya akong tiningnan. "Saka . . . baka huli na ito at balak ko nang magtrabaho muna roon sa malaking bahay sa kabilang barangay. Mabuti pa roon, sigurado ang kita ko."
Lumungkot ang aking mukha. Alam ko kung gaano kagusto ni Manang Ging ang pagluluto ng miryenda. Ilang taon na rin niya itong ginagawa kaya nakakalungkot na bibitiwan na niya ang bagay na hilig niya kaya lang wala naman akong magagawa. Lahat kami ay mayroong pinagdaraanan.
"Naiintindihan ko po." Pilit akong ngumiti. "Sige po. Una na po ako."
"Mag-iingat ka, Biah."
"Salamat po."
Buhat ang basket ay nagtungo ako sa tattoo shop. Puno na naman gaya ng inaasahan. Karamihan pa rin ay kababaihan at gustong si Kuya Russia mismo ang magtinta sa mga porselana nilang balat. Kaya kahit marami namang tauhan si kuya Russia, mahaba ang pila.
"Biah," bati ni kuya Boyd nang makapasok ako.
"Good morning po." Tiningnan ko ang wall clock. "Alas nuebe pa lang pero ang dami na kaagad?"
Ngumisi si Kuya Boyd. "May influencer na nakapagpa-tattoo noong isang araw kay Boss. Eh, maraming chikababes na nagwapuhan sa kanya kaya ayan." He shook his head. "Siguradong maglalamay na naman tayo rito sa shop. Buti na lang at may tinda kang pantanggal ng init ng ulo ni Boss."
Pinasadahan ko ng tingin ang kulay abong tattoo studio. Nakasabit sa mga pader ang ilan sa paboritong tattoo na gawa ni kuya Russia. I heard he had several awards, too. Bakit kaya hindi niya iyon dini-display?
Nagpatuloy ako sa paghagilap sa kanya sa dagat ng mga tao hanggang sa natagpuan ko siya roon sa paborito niyang pwesto tuwing nagta-tattoo. Kinakausap siya noong babaeng nagpapatinta sa ibaba ng boobs pero nakasimangot lang siya't tanging tango at iling ang isinasagot.
Wala sa sarili akong napabuntonghininga. Ang gwapo talaga lalo na kapag ganito kasungit sa magaganda. Paano naman ako magugustuhan niyan kung sa mga mala-beauty queen eh todo kung magsungit? Ako pa kayang wala namang binatbat? Baka nga kahit sa preliminary tanggal kaagad ako kung sasali ako ng pageant.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya Boyd na nakapagpabalik sa akin sa sarili.
"Hmm?" Pilit akong ngumiti. "Opo. Iwan ko na 'tong basket dito, kuya. Magsisimula na akong maglinis."
"Oo nga pala. Bilin ni Boss. Pakilinis mo na rin muna 'yong kwarto niya sa taas. Mag-ingat ka at nagkalat ang bubog."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Boyd. "May nabasag?"
He smirked. "Medyo na-badtrip si Bossing."
Tumango na lamang ako't naglakad na patungo sa lagayan ng mga panlinis. Nagkatinginan pa kami ni Kuya Russia habang patungo ako sa storage room. He jerked his head as if greeting me. Kinagat ko tuloy ang ibaba kong labi saka ako bumati.
"Good morning, Boss Russia," nahihiya kong bati saka na binilisan ang lakad nang hindi niya mapansin ang pagpula ng pisngi ko.
Ayos na ako sa ganoon. Sa mga simple niyang pagkausap at pagtango kahit na napakatipid niyang magsalita.
Maligaya ang puso kong kinuha ang mga gamit saka na pumanhik sa itaas ngunit nang makita ang itsura ng kwarto ay kaagad ding napawi ang kurba sa mga labi ko.
"Anong nangyari dito? Parang binagyo?" bulong ko sa sarili bago nagkamot ng ulo. "Ito ba 'yong medyo na-badtrip lang?"
Bumuntonghininga na lamang ako't sinimulan nang mag-ayos. Inuna kong walisin ang mga bubog, ngunit dahil hindi kaya ng walis ang malalaking piraso ay kinailangan kong kamayin. Nag-ingat naman ako kaya lang ay talagang nadali pa rin.
"Aw." Binitiwan ko ang hawak na bubog saka ko pinadugo ang sugat. Nagpunta ako sa banyo ni Kuya Russia at hinugasan ang sugat ko roon. Binalutan ko rin muna ng tissue. Nang matapos ay inipon ko ang ilang pinampunas kong tissue saka ako yumuko para itapon sana sa bin ngunit napahinto ako nang may napansing lukot na larawan doon.
I grabbed the crumpled photograph and checked who's in the photo. Napaawang nang bahagya ang mga labi ko nang makita ang nakangiti at tila masayang bersyon ni kuya Russia. Nakaakbay siya sa isang magandang babae habang may hawak siyang cake. Mukhang anniversary yata nila iyon dahil iyon ang nakasulat sa larawan.
Lumunok ako. Bakit niya tinapon? Hindi siya maka-move on?
"Why are you holding that--"
"Ay asawa ni Marie!" bulalas ko nang magulat matapos marinig ang boses ni Kuya Russia. Nakatayo na pala siya sa harap ng banyo. Hindi ko man lang namalayan.
Sandaling nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa larawan. Bigla akong kinabahan nang mapansing naiinis siyang makitang hawak ko ang lukot na picture.
Napalunok ako habang nakatitig sa seryoso niyang mga mata. "S-Sorry po. Nakita ko sa basurahan--"
"That's the thing. It's already in the trash so why the hell did you pick it up--" Naputol ang masungit niyang pag-interrogate sa akin nang makita niya ang namantsahan ng dugong tissue na nakabalot sa daliri ko. "What happened to your finger?"
"N-Nasugat po ng bubog." I pursed my lips and put the photo back inside the bin. "S-Sorry, Kuya Russia. Hindi ko na uulitin."
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Maya-maya ay ganoon na lamang ang naging kabog ng dibdib ko nang maglakad siya papasok. My eyes slightly widened when he walked closer and closer until my lower back is already pressed against the sink. Halos mahigit ko ang hininga ko lalo na nang tuluyang nawala ang distansya sa pagitan naming dalawa.
Diyos ko, anong gagawin niya?!
Nakita ko kung paanong umigting ang kanyang panga. Maya-maya ay umangat ang kanyang palad na akala ko ay hahawak sa aking pisngi ngunit hindi pala. Instead, I heard a click sound coming from behind. Binuksan niya ang cabinet sa likod ng salamin at mayroong kinuha roon.
"You should be more careful next time," seryoso niyang sabi bago inalis ang tissue sa daliri ko.
Natulala na lamang ako nang linisin niya ng betadine ang sugat saka niya iyon nilagyan ng band aid.
I stared at my finger while trying to control my pounding heart. Nakakainis naman, eh. Nilinis lang ang sugat ko at nilagyan ng band aid, grabe na ang kilig ko!
"Bumaba ka na ro'n. Ako na ang maglilinis ng kalat mamaya bago mo pa masugat ulit ang sarili mo," he said in a cold manner before he left the bathroom.
May kinuha siyang album ng siguro ay designs sa shelf niya saka na bumaba ng hagdan. Hindi ko na marinig ang mga yapak niya. Wala na siya sa harap ko pero nakasandal pa rin ako sa sink habang kagat ang ibabang labi.
Wala na. Hindi ko na papalitan ang band aid na 'to kahit mabulok pa ang sugat ko. Nakakainis! Ang effortless naman kasing magpatibok ng puso!
I sighed. Natawa rin ako sa sarili nang bahagya habang umiiling-iling. Maya-maya ay umayos ako ng tayo nang may naisip. Kinuha ko ulit ang picture at ipinasok sa aking bulsa. Bahala na. Gugupitin ko na lang at ititira ang bahaging kita ang mukha niya.
Gusto kong sapukin ang sarili ko. Iba na yata talaga ito . . .